Chapter 31
"How about sa dorm po muna tayo?" Nagpunas ako ng luha habang hila-hila ang maleta ko.
Ako na mismo ang nagyayang umalis ng village namin nang ma-absorb ko ang sinabi ni Mommy. I can't stay there knowing that my father will go home at any moment. I don't want to see his face, kahit sa panaginip, ayoko.
I hate him. I freaking hate him.
"I had a condo unit." Aniya, nagpipilit ng ngiti. "Mayroon nga lang nags-stay sa itaas. Bale ang space natin ay iyong nasa ibaba. Dalawang palapag iyon, tatlo kasama ang rooftop. Okay lang ba sa'yo?"
Tumango ako.
"Basta hindi po si Daddy 'yong nasa taas, keri."
Bahagya siyang natawa at ginulo ang buhok ko. "We can live without him."
Stereotypically, women can't make it without men—and obviously, that's bullshit! Baka nga kabaliktaran pa!
"Malapit lang po ba iyon dito?" Nasa tapat na kami ng convenience store. Dito kami nagpababa noong sumakay kami ng tricycle.
"Yes."
"Umuna na po kaya kayo?"
"Huh? Bakit?"
I shrugged my shoulders. "May bibilhin lang ako sa loob."
"Eh 'di hihintayin na kita..."
"No. It's much better para po maayos niyo na rin ang mga gamit natin. Just... send me some pic para malaman ko kung saan ang condo na iyon."
"You sure?"
I nodded. "I won't take too much time."
Liar, Diana. Sigurado ka bang hindi magtatagal ang kadramahan mo?
"Okay, then." She kissed me on my cheeks. "Sumunod ka kaagad, ah?"
"Yeah, sure."
Nang makaalis si Mommy ay agad akong pumasok sa loob ng convenience store. Mabuti na lang pala at hindi ko nakalimutang magdala ng pera kahit sobrang lutang ko kanina. Makakabili ako ngayon ng pangwalwal ko.
Sabi nila, hindi alak ang solusyon sa mga problema sa buhay. And I was like... pakialam ba nila? Wala lang silang pambili, eh.
Charot.
But seriously, sa mga ganitong pagkakataon masarap uminom. 'Yong tipong sobrang problematic ka tapos hindi mo na alam kung paano iha-handle ang problema mo.
Alcoholic me, let's go!
Dumiretso ako sa tapat ng beverages area. I was about to grab a can of beer nang tumunog ang phone ko.
Is this Mom?
Agad-agad?
Tang ina, bakit ba puro phone calls ang eksenahan ko rito?
"Shit..." Natutop ko ang bibig ko nang makitang si Wayne iyon.
Ang sabi ko sa sarili ko ay tatawagan ko siya. Ano na ngayon? Natawagan ko ba? Siyempre, hindi na naman.
I want to talk to him badly pero wala lang talaga sa proper timing. Parang ayokong makipag-usap sa kahit na sinong lalaki ngayon. Isa lang ang tingin ko sa kanilang lahat.
Cheaters.
Ika-cancel ko na sana ang tawag niya nang biglang dumulas ang kamay ko. I accidentally pressed the answer button.
Bobo ka kasing shutang ina ka.
"Hey..."
Napalunok ako. I missed his voice.
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...