Chapter 5

35 5 0
                                    

Chapter 5

Mula noong umalis ako sa bahay nila Ryker ay hindi ako tinantanan ng batang lalaking iyon. Hindi ko siya pinapansin kahit natatakot talaga ako sa presensiya niya. He keeps on asking me to play with him.

Hindi ko maintindihan. May kailangan din ba siya sa'kin?

Sa palagay ko ay kasing edad ko lang din siya. At kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, malakas ang kutob ko.

Multo siya. Hindi naman siya pwedeng maging tao dahil... ang weird naman naman kung ganoon nga.

Mayroon bang matinong bata na sisilip sa'yo sa paliligo mo sa banyo?

And... he's really giving me goosebumps. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa t'wing nararamdaman kong nakasunod siya sa'kin.

Katulad na lang ngayon.

"Tumigil ka na nga sa kakasunod mo sa'kin!" I roared at him. Nasa veranda ako ngayon, lagpas hatinggabi na panigurado pero hindi ko kayang matulog. Pinanonood niya kasi ako and it's really creeping me out!

Lumungkot ang aura niya. "Sige na. Sandali lang naman, eh..."

Sumimangot ako. "Ayoko! Ayoko!"

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka pumapayag, sige ka!"

"Sa iba ka na nga lang makipaglaro! Huwag sa'kin!" Naiinis kong sabi.

"Hindi pwede..." Mahinahong sabi niya. "Ikaw ang tumawag sa akin, 'di ba?"

"Ano?!" Mabilis na kumunot ang noo ko. "Ano bang sinasabi mo riyan? Hindi kita kilala!"

"Pero tinawag mo ako... napadpad pa nga ako sa isang eskwelahan, eh."

So... siya nga iyong nagparamdam noong spirit of the glass?

Napatango ako. Confirmed!

"Hindi naman ikaw ang tinatawag ko noon, eh."

Humalakhak siya. "Ang dami mo namang sinabi. Sandali lang naman 'to."

Napabuntonghininga ako. He's really persistent.

Gusto ko na talagang matulog. Ayos lang naman siguro kung pagbibigyan ko siya, 'di ba? I mean... normal na laro lang naman siguro ang gagawin namin.

Nang pumayag ako ay sobra ang tuwa niya. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, ramdam ko naman ang emosyon niya.

Laro lang naman, eh.

"Meron kang chess board, hindi ba?"

I nodded. "Pa'no mo—" I was cut off by my own thought.

Oo nga pala, multo siya. Lahat alam niya, siyempre.

"Iyon na lang ang laruin natin!" He sounded like a six-year old child.

Walang ka-imik imik na kinuha ko ang chessboard sa aking table. Maliit lang iyon kumpara sa iba.

He asked for bato-bato pick para malaman kung sino ang white. I am the scissor, he's the rock. Well, he obviously won.

I am a pro at chess. Hindi ako dumaan sa mga training and everything, I just watched my classmates playing. Siguro dahil sa dalas kong nanonood, natuto na rin ako. Plus, I watched many tutorials about chess moves, so... I just learned how to beat the whole class because of that.

Nang maiayos na ang lahat ng pieces, tumikhim siya bigla.

"This is just a normal game..." Aniya sa mababang boses, full of authority. Unlike earlier na para siyang bata kung makiusap sa'kin. "Only one round. Kailangan manalo ka sa'kin. Or else, you will face my consequence..."

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now