Chapter 59
Kahit hindi ako nag-e-enjoy sa lugar na ito, pakiramdam ko ay ang bilis lumipas ng panahon. It's been two months since I was locked in this hell. I don't even know how I managed to survive everyday. Basta ang alam ko lang, may inspirasyon ako.
I crossed out the last day of the month. Ilang araw na lang ba ang natitira bago ako makalaya? Nine years and ten months?
"Wow, ang tagal..." Baka wala na akong asim pagdating ng panahon na iyon. Sayang naman.
"Hindi ka ba sasama?"
Napalingon ako sa nagsalitang iyon.
Namewang siya. "Kanina pa sila nagpa-practice doon. Special guest ka ba?"
Napairap na lang ako.
Bukod kay Ate Olivia, naging kaibigan ko na rin 'tong si Ryan. Nga pala, he's the same guy na nagdala sa akin sa clinic noong sinaksak ako ng tinidor ni Maricel.
What a world.
"Sabi ko susunod ako, 'di ba?" Pataray kong angil.
"Kanina mo pa iyan sinasabi. Hanggang chorus na ang kabisado namin, wala ka pa rin..."
May dance performance kasi na magaganap this upcoming weekend. Ewan ko lang kung para saan. Basta required kaming lahat na sumali.
"Heto na nga, senyor. Susunod na." Binaba ko ang marker sa sahig at nagmaunang lumabas. Tumakbo naman siya at mabilis na humabol sa akin.
"Kumain ka na?"
I shook my head. "Nakakatamad..."
"Masarap daw ang breakfast ngayon, ah? Embutido..."
"Weh?" Nanlaki ang mata ko pero agad ding nailing. "Huwag mo nga akong lokohin. Baka gusto mong gilingin ko 'yang laman mo at ikaw ang gawin kong embutido?"
"Totoo nga, stupid."
Kinunutan ko siya ng noo. "Ako? Stupid? Baka gusto mong i-recite ko sa'yo ang multiplication table nang hindi kumukurap?"
"Tss. Akala mo naman talaga..." Aniya habang diretso pa rin ang tingin sa dinadaanan.
"Si Ate Olivia?"
"Nandoon na. Ikaw nga lang ang wala, hindi ba?"
"Inaatake ka na naman ba ng saltik mo?"
"Tingin mo?"
Ngumiwi ako. "Tingin ko forever ka nang ganiyan."
"Siguro nga."
Minsan talaga, kinukwestiyon ko na lang ang mga desisyon ko sa buhay.
Bakit ko ba siya kinaibigan?
He's so weird.
Hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling 'tong si Ryan. He won't tell anything to me. The only thing that I know is his name—or... nickname lang pala. Ryan is not even his first name.
Hindi ko naman siya pinipilit, though. Sino ba siya? Hindi naman siya si Drakeson para magkaroon ako ng interes sa pagkatao niya.
"Bakit mo nga pala... ginawa iyon?"
Tang ina, bakit ba ang tagal naming makarating sa gym? "Ang alin ba?"
He stared at me. "'Iyong kahapon."
"Anong kahapon? May ginawa ba akong—" I stopped when I realized what is he talking about. "Ah, iyon ba?"
Huminto siya sa paglalakad kaya't huminto na rin ako.
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...