Finn
I sipped a little bit of coffee and stared outside. I don't want to look at her face, baka kung ano na naman ang masabi ko this time.
"Wala man lang bang thank you?" Tinanggal ni Ingrid ang suot niyang salamin. Ramdam ko ang mariin niyang pagtingin sa akin.
Nagbuntonghininga ako.
Wow, what a situation.
"Pinanalo ko ang kaso mo..."
Bahagya ko siyang sinulyapan.
"Isn't that your job?"
"Yeah, but I could easily turn you down or lose the trial. Kuya ko ang nagsampa ng kaso sa'yo..."
Her eyebrows furrowed.
"Remember, Mister Finn Alexander Hwang?"
"You're expecting me to thank you for that? Ikaw ang nagkusang mag-offer to be my lawyer, baka nakakalimutan mo?"
I am just tired of her, chasing me around. Ilang taon na ba ang nakalipas noong naghiwalay kami? Ang tagal na!
Pagod ko siyang tinignan. I need to be harsh. Kung hindi, magpapatuloy lang siya sa pag-asa na maibabalik ko pa ang feelings na pilit niyang binibigay sa akin.
"Bakit mo ba kasi ginawa iyon?"
I sighed. Here we go again. "I told you, I was bothered. Hindi ko kayang pumikit na lang lalo na't nasa public ako."
A week ago, I punched her brother in his face. Well... you can't blame me! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya ambaan ng sampal ng kapatid niya!
"Huwag mong lagyan ng meaning..." Humigop ulit ako ng kape.
"How can I do that? Sobrang affected ka."
"Concerned lang ako... as a person, that's it."
Ang totoo niyan, that scenario reminds me of my cousin's behavior. He used to hurt women when he was still alive—at hindi ko siya exactly sinaway o pinigil man lang.
Tingin ko ay iyon na ang pinakamalaking katangahan na nagawa ko sa buhay ko. Well, aside from using this girl for the sake of being a cowardice of love.
"Siya pa rin ba?"
Napahinto ako. Alam ko namang isisingit niya ito sa topic namin pero hindi ko lang talaga maiwasang magulat.
Ingrid faked a laugh. "Ang sakit mo..."
Tumingin ulit ako sa labas.
I did not believe that it is possible to love the same person for a long period of time until... I got to experience it.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I am still into her no matter how hard I try to divert my feelings to literally anyone.
"I don't understand. Bakit... siya pa rin?"
Kinunutan ko siya ng noo. I can't help but to question her words.
"Alam ba ng kaibigan mo iyan?"
"Wala siyang dapat malaman. Labas siya rito..."
"Even though you sound like you're willing to throw your friendship for me?"
She rolled her eyes. "Why would I do that? I love her more than I love you..."
"Bakit ganiyan ka manalita?" Ngumiwi ako. "Parang punong-puno ka ng hinanakit."
"Yes, sa'yo. It's all your fault, hindi ba?"
I nodded. "At matagal ko na ring nilinaw sa'yo na hindi naman talaga ikaw ang gusto ko. Kailan ba iyon tatatak sa isip mo?"
"Bakit ako pa ang nagmumukhang masama? You said that late. Hulog na ako nang sabihin mong siya pala ang gusto mo!"
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Diversos[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...