Chapter 54
Am I... dreaming?
Napapikit ako.
Everything feels so unreal. Para bang... isang malaking question mark lang ang lahat.
I know this is not the end of my life but that's how it feels like. Nakakapanghina. Nakakapapanglumo. Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay nang maayos.
"I'm sorry, anak..." Umiiyak na sabi ni Mommy sa tabi ko. "Wala kaming nagawa."
Kinagat ko ang labi ko.
I know, lahat kami ay walang magagawa sa sitwasyon na ito—although, they could have prevented it kung nagsabi lang sila ng totoo sa akin.
I guess... this is just my fate.
"Dadalawin ka namin araw-araw." Napayuko si Dad. "We're really sorry. You shouldn't be in here..."
Kanina pa pumapatak ang luha ko but I did not bother to wipe it. Well, as if kaya ko rin. Nakaposas nga pala ako.
"Anak, magsalita ka naman..." Mommy's still crying. "Magiging... okay ka lang ba rito?"
Ngumiti ako nang mapait.
How am I supposed to feel fine? Ten years lang naman akong makukulong. Ten freaking... years. I can't imagine that I will spend a decade in prison. Plus... the fucking treatments.
Paano na ang mga pangarap ko?
Huminto kami sa paglalakad nang marating ang bago kong selda. Hindi ko mapigilang humagulgol habang nakatingin sa kawalan.
Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to sa'kin? Hindi naman ako masamang tao at wala akong tinatapakang kahit na sino.
Bakit ako? Marami akong plano sa buhay ngunit hindi kasama sa mga iyon ang makulong. I want to live... normally.
Ganoon ba talaga kahirap iyon?
Binuksan na ng pulis ang magiging tahanan ko for the next ten years. Mukhang ito na yata ang huling beses na makakalabas ako.
"Sandali lang..." I said when he was about to take me in.
He stopped and looked at me.
"Let me call someone first." Tinignan ko si Mommy kaya mabilis niyang kinuha ang kaniyang phone. Inabot niya iyon sa akin.
"Si Drakeson ba?"
Hindi ako sumagot. Kahit gustuhin ko man siyang tawagan, I can't. He's in prison, too. Couple goals nga, 'di ba?
Nahihirapan akong magtipa sa phone dahil sa posas ko. Nonetheless, nakaya ko naman. Ilang araw ko na ba 'tong ginagawa rito?
I sighed while waiting for her response. Sana lang ay... hindi siya busy.
"Hello?"
It's been a long time since I heard her voice. "Char..."
"Diana?" Nagtatakang aniya."Is that you?"
"Ano ba sa tingin mo?" Kunwaring natatawang sabi ko.
"Anong nangyari? Pati ba pang-load ay wala ka na rin ngayon?"
Napailing ako. "Tanga..."
"Napatawag ka?"
"Naalala lang kita..." Nasabi ko na lang. "Baka ito na rin kasi ang huling beses na makakatawag ako sa'yo."
Charmaine played a big role in my life. Bago pa dumating ang McDodo sa buhay ko, siya na ang numero unong kasangga ko sa lahat ng bagay.
I miss her so much. Akala ko pa naman... magkikita ulit kami in person this year.
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...