Chapter 36

16 3 0
                                    

Chapter 36

"Stop laughing, will you?"

Drakeson glared at me. Inis na inis na siya dahil sa walang tigil kong pang-aasar mula noong nakarating kami sa park.

Actually... inaasar ko rin yata siya habang nasa daan pa kami? I don't know. just cannot move on with the milktea thing. Para kasi siyang tanga.

"Oo na, titigil na." Tatawa-tawa ko pa ring sabi kaya mas lalong dumilim ang tingin niya. 

Naisip ko lang... baka hindi talaga ako marunong makonsensiya. Like... pampalubag loob ang gusto kong ibigay, bakit mukhang sama ng loob yata ang natatanggap niya mula sa'kin? Take note, ako pa ang nag-enjoy sa lakad na 'to imbes na siya.

Pero... ang epic lang talaga kasi!

I cleared my throat. Ayoko na nga. Magseseryoso na ako.

"Wala ka ng gustong bilhin?" Tanong ko, umiling naman siya kaagad.

Weak. Kung ako iyon... magtuturo na ako nang magtuturo kahit hindi ko naman gusto. Siyempre, minsan lang may ganoong opportunity! Eh 'di grab na agad to the full power!

Kaya siguro walang may gustong manlibre sa'kin, eh. Baka alam nilang lahat na abusado ako.

"May tanong ako." I said. Hindi kasi siya nagsasalita so I needed to break the silence. Mamamatay yata ako kapag napanis ang laway ko.

"Ano?"

"Bakit hindi kita nakikitang pumapasok sa school?"

May ilang araw na rin since we moved to his building pero parang hindi ko siya nakikitang umaalis ng bahay. I mean... umaalis naman siya pero kapag may bibilhin lang or may mga urgent things na nagaganap sa outside world.

Nagkibit-balikat siya. "I already finished college."

"Finished my ass." Sininghalan ko siya ng tingin. "You're just a year older than me. Anong pinagsasabi mo riyan?"

"Long story. Graduated na ako."

"It's okay. Marami tayong time, anong gagawin natin dito?"

He sighed. "Nakakatamad magkwento."

Napairap ako. "Sige na nga. Anong course mo?"

"Journalism."

Umawang ang labi ko. Weh? Seryoso talaga siya?

Kusang tumaas ang kilay niya. "Why?"

"Ang rare lang kasing makarinig ng mga lalaking gen z na nag-take ng ganiyang course."

"Paanong rare? Ang dami naming nag-aral..."

Ang bobo naman nitong kausap. "I mean... mostly, 'di ba mga engineers, doctors, and teachers ang popular? Ano bang plano mo maging? Researcher? Writer? Editor? Public officer?"

"Reporter."

"Oh?" Again, nagulat na naman ako. I wasn't expecting him to answer that. There's nothing wrong with such, okay? Wala lang kasi talaga sa mukha niya! "Ginagago mo ba ako?"

"Huh?" Takang aniya. "You thought I was joking?"

"Hindi ba?" Umiling siya. "Seryoso? Ano? Field?"

"Both field and studio..."

Nagpigil ako ng tawa.

No matter how hard I try, hindi ko siya ma-imagine as a reporter. Posible naman, kaya lang... he has a really bad temper. Paano 'yon? Kapag sobrang bilis ng prompter magwawala siya at maghahamon ng away? At paano kapag nasa field siya at umatake ang saltik niya? Ano na lang ang sasabihin niya?

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now