Chapter 32
"Baka gusto mo akong tulungan dito?" Nakapamewang si Mommy nang tapikin niya ako.
I frowned. I'm just lying here on our sofa. Hindi ko alam kung may balak pa ba akong tumayo pero feeling ko ay wala na.
Ewan ko ba. Iisipin ko pa lang na magiging kapitbahay ko si Drakeson ay nanlulumo na ako. I mean—it's just... akward. I will be staying here even during school days para may kasama si Mommy, so... araw-araw kong makikita ang pagmumukha niya—and I think that's the most annoying thing I could ever imagine!
Hello? Nabiktima lang naman ako ng ghosting ng kapitbahay ko! Idagdag mo pa na close sila ni Mommy since his dad is close to my parents, since then. Ugh! What a life!
"Bakit ba masiyado mong pinoproblema si Drakeson? Inaano ka ba niya?"
I groaned. Seriously? "Mommy naman! How many times do I have to tell you that he ghosted me!"
I've been literally telling it to her a million times at parang wala pa rin siyang naririnig!
"So what? That's no big deal—unless you're still attracted to him..."
"Ew! It's not that..." Napakamot ako ng ulo. Sabi na nga ba't ito ang una niyang sasabihin, eh. "I think it's just... awkward!"
"You have no choice, then. Maliban na lang kung gusto mong tumira sa..."
"Hell, no!" Mabilis kong sagot. I'd rather die and mamulubi kaysa bumalik sa bahay na iyon.
Just so you know, that's where the cheating happened. I can not stand the atmosphere there. Nakakasuka at nakaka-trauma.
I can't still believe that... it just literally happened today.
"Iyon naman pala, ano pang nirereklamo mo riyan?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Go ahead and ask him to change our light bulb. Hindi mo abot, hindi ba?"
"Oo nga, pero..." Ugh! Ang awkward nga kasi! Tang ina naman! "Fine!"
While whining like a kid, umakyat ako sa itaas. The place still looks the same kahit na matagal na noong una akong pumunta rito. Well... it's fine kahit hindi na i-renovate. Maganda naman na ang design at walang problema. Ewan ko lang sa rooftop. Mamaya ko na iche-check iyon upang makapag-emote ako nang walang istorbo.
"Hoy, Drakeson!" Malakas kong kinatok ang pinto niya na para bang sobrang laki ng galit ko sa kaniya. "Nandiyan ka ba? Labasin mo 'ko rito!"
He's living alone. Kahit magwala ako rito sa harap ng unit niya, walang mabubulabog na ibang tao. Iyon lang naman ang sinusubukan kong i-consider everytime na magsasabog ako sa pamamahay ng iba.
"Drakeson, kung nandiyan ka, utang na loob, galawin mo ang baso!"
Still no response after that. Napabuga ako ng hangin at bahagyang sumilip sa maliit niyang bintana na agad ko namang pinagsisihan.
"Tang inang iyan." Mabilis kong inalis ang tingin ko nang makitang nagsusuot siya ng short. Nakita ko pa ang tang inang pwet niya kaya gusto ko na lang mamatay rito sa kinatatayuan ko.
Dapat pa ba akong magpasalamat na hindi siya nakaharap sa'kin? He's totally naked from behind noong eksaktong pagsilip ko! At... hindi man lang siya nag-brief or boxer! Diretso short agad!
Lord, bakit?
Nataranta ako nang biglang bumukas ang pinto. Siyempre, sino pa ba ang bubungad kung hindi siya?
"What?" Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam kong nag-init ang pisngi ko dahil naaalala ko ang huling sandaling nasaksihan ko. "May kailangan ba ang maganda kong kapitbahay?"
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...