Chapter 11

24 6 0
                                    

Chapter 11

"Guys, listen up!" Sigaw ni Bernadette sa harapan. "Kapag hindi kayo tumahimik, maglilista ako ng noisy!"

Pasimple akong umirap. Feeling naman niya president siya. Ano iyon, pabida lang? Wala nga siyang position sa class officer, eh!

"Ano ba kasing gagawin?" Tanong sa'kin ni Char.

I shrugged my shoulders. "Ewan ko sa babaeng iyan."

Kanina pa kasi siya nandiyan sa harapan pero walang pumapansin sa kaniya. Nainis na siguro kaya biglang gumaganoon.

Kinalampag ni Bernadette ang table. "May ipe-play akong video! Manahimik kayo!"

Eh? Video?

Agad na nagsipag-react ang mga kaklase namin.

"Ano iyan? Assignment?"

"Baka activity."

"Nakakatamad naman! Wala pa ba si Ma'am?"

"Quiet!" Sigaw na naman niya. Pangarap niya bang maging musikero? Kanina pa siya hampas nang hampas sa table, nakakarindi! "Gusto ko kasing mag-upload ng video sa youtube. Ang unang content ko ay school tour. Ipapakita ko lang sana sa inyo para malaman ko kung okay na ang..."

"Ayoko nga!" Our classmates chorused.

Boring nga naman kasi iyon. Bakit hindi na lang niya i-video ang pambu-bully niya sa'kin? Maraming manonood niyon, sure ako. 

"Ang papangit ng ugali niyo!"

Napasinghal ako.

Excuse me lang, ha? Wala nang papangit pa sa ugali mo. Gusto ko sanang sabihin iyon kaya lang ay baka magkaroon na naman ng panibagong eksena rito.

At ayoko namang mangyari iyon.

"Bakit ba kailangan mo pang ipanood sa'ming lahat iyan?" Si Jeremy. "Kay Diana mo na lang ipanood! Matalino naman siya!"

Napabuntonghininga na lang ako.

Nadamay na naman ako.

"Bakit si Diana?" Tanong ni Finn, nagulat ako.

Ano namang pakialam niya kung sakali?

"Alangan namang nanay niya?" Sarkastikong bwelta ni Jeremy. "Manahimik ka na lang Finn, pwede ba? Kung may gusto ka kay Diana, magbigti ka na lang! Kadiri ka!"

"Ano ka mo?" Tumayo siya bigla at saka matalim na tumitig kay Jeremy. "Ikaw ang kadiri! Crush mo si Bernadette, 'di ba? Bakit ka nagka-crush diyan, eh ang sama-sama ng ugali niyan!"

Suntukan na kayo.

"Hoy!" Sabat ni Bernadette. "Hindi masama ang ugali ko!"

Napangiwi si Finn. "Kasi sobrang sama lang?"

"Yie..." Napasimangot ako nang sikuhin ako ni Charmaine. "Crush ka pala talaga ni Finn. Tignan mo, pinagtatanggol ka pa."

Feeling ko hindi. At saka kung crush man ako ni Finn... eh 'di wow. Tandang-tanda ko pa kung paano siya matakot sa'kin noong malaman niyang nakakakita ako ng multo.

"Tss. Pasikat." Dinig kong bulong ni Ryker. 

"Marinig ka niyon." Saway ko sa kaniya. "Baka mapaaway ka pa."

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now