Comienzo

148 4 0
                                    

Basag na naman ang bintana nang datnan ko ang aming banyo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil... pang ilang beses na ba 'tong nangyayari? Pang-apat? Pang-lima? Ewan, hindi ko na sigurado. Basta ang alam ko lang, nagsisimula na akong matakot.

Kumuha ako ng dust pan at walis tingting. Nilinis ko ang sahig ng aming banyo at siniguradong walang natirang bubog doon.

Itinabi ko muna sa isang sulok ang mga gamit at sinilip ang bintanang may mga bakas pa ng bubog. Sinira niya na naman ito. Bwisit.

"Diana! Kakain na!" I heard my Mom's voice.

Suminghap na lang ako at pinatay ang ilaw sa banyo. I immediately grabbed the dust pan and threw the pieces of glass on a sack outside—making sure it won't hurt anybody.

"Diana, I said let's go! Huwag mo nang paghintayin ang pagkain!"

"Coming!" Sigaw ko na lang pabalik at saka nagtatakbo papuntang kusina.

Mom cooked egg for dinner. Nakakasawa man, pinilit ko na lang ang sarili ko na kumain. Well... mula kaninang breakfast, up to lunch, and now, dinner, itlog din ang inulam namin.

As if naman may choice ako. Lagi kaming nasa petsa de peligro.

"Anong nangyari kanina? Nabasag na naman?"

Ngumunguya akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Opo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."

"Kausapin mo siya."

I sighed. "Tipid lang siyang sumagot, Mom. Tapos minsan, hindi pa related sa pinag-uusapan namin 'yung mga sinasabi niya..."

"Hay... naku." Napahilot siya sa kaniyang sentido. "Wala na tayong pampalit sa bintana mo. Wala na akong pera..."

"Sabi ko naman po sa inyo..." Uminom muna ako ng tubig. "Hihinto na ako sa Shamxia. Lilipat na lang ako sa ibang mga public schools diyan sa tabi-tabi."

"Hindi pwede..." Mariing sagot ni Mom. "I promised to your Lola na pag-aaralin kita sa mamahaling eskwelahan no matter what it takes."

That was my Lola's last wish before she died. At nangako si Mom na tutuparin niya iyon kahit na ano pang mangyari.

"Nakakausap mo pa ba siya?"

I shook my head. She's pertaining to Lola. "Bigla na lang siyang nawala..."

"Ano bang huli niyang sinabi sa'yo?"

"Uh... mag-ingat tayo?"

"At bakit daw?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi na niya tinuloy."

Literally, I can see ghosts. I can also interact with them. Sa katunayan, ang dami ko nang nakakausap na multo. Pero lahat naman sila, mababait. Madalang lang talaga akong maka-encounter na mala-demonyo ang ugali.

Sabi ng mga albularyo, bukas raw ang aking third eye which helped me to see the souls that are still in land and can't go at heaven. Sinikreto ko lang ang bagay na 'to. Piling tao lang ang nakakaalam.

It is scary, to be honest. Nangangamba ako na baka bulabugin ako ng mga multong iyon. Ayon kasi sa mga paranormal experts, nagpapakita ang multo sa isang tao dahil nangangailangan ito ng tulong.

Paano kung... hindi ko naman kayang ibigay ang hinihingi nilang tulong? Eh 'di ako pa ang naagrabyado!

Si Lola, matagal ko na siyang nakakausap. Madalas ay nagpapakita siya sa kwarto ko. Kahapon nga lang ay pinag-iingat niya kami. Matapos iyon ay hindi na siya nagpakita pa ulit.

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now