Chapter 44
Saktong 7 PM natapos ang last class namin. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang isip ko kahit hindi ko naman talaga iyon ginagamit minsan.
Wala, I'm just trying to study hard. Kaso, I always ended up sleeping in class. Kung hindi naman ako nakakatulog ay bigla na lamang akong may maiisip, kaya ending, tulala na naman ako.
Hindi ako susuko dahil lang doon. Babawi na lang ako bukas!
"Hoy, ano! Uuwi na ba agad? Daan muna tayong Starbucks?" Ingrid invited nang nakalabas na kami ng university.
Edith immediately raised her hand. "I'm in!"
"Sige lang..." Bored na sabi ni Justice.
"Pass." Si Tristen, surprisingly. "Matutulog na lang ako. Kanina pa ako inaantok."
Tinawanan siya ni Edith. "Right now? 7 PM? Tss! Ako nga, ang pinaka-early kong tulog 2 AM, eh..."
"Akala ko ako lang."
"3 AM sa'kin." Pagyayabang ni Justice. "Ang hihina niyo naman pala!"
Napangiwi ako.
Bobo 'tong mga 'to. Ako nga, kahit kalahating oras hindi nakakatulog, eh!
Tumaas lang ang kilay ni Tristen. "Wow, ano 'to? Contest? Pababaaan ng hemoglobin? Kung sinong unang mamatay sa puyat, panalo?"
"Oo, tapos sa next life mo na makukuha ang prize..." Tinignan ako ni Ingrid. "Ikaw? Sama ka?"
"Siyempre, mukhang libre iyan, eh."
I chuckled. "Pass din ako."
Sabay-sabay silang nagulat.
Parang mga timang. Hindi naman ito ang first time na um-absent ako sa gala. Ang OA lang talaga nilang mag-react.
Ngumisi ako. "Bebe time..."
I received a text message from Drakeson. Pinapauwi niya agad ako after class dahil magbo-bonding daw kami. Nakakakaba, 'di ba? Hindi ko rin kasi alam kung anong klaseng bonding ang tinutukoy niya. Baka mamaya... iba na pala iyon.
Joke! Nagiging present na naman ako pagdating sa kalokohan.
"May bebe ka ba?" Edith asked.
Si Tristen ang sumagot. "Meron, engot! Hindi ka updated?"
"Weh?" Hindi makapaniwalang aniya. Akala ko talaga ay nagpapanggap lang siya pero mukhang hindi niya yata talaga alam. Grabe, nakakasama ng loob as a friend. "Sino naman ang malas na lalaking iyon?"
"Si Drakeson!"
"Si Drakeson?" Napatango siya after few seconds of thinking. "Ah, iyong nang-ghost sa kaniya before! Akala ko ba ay hindi ka muna papasok sa relasyon?"
Iyon din ang akala ko, eh. I guess... sobrang takaw ko dahil pati ang mga salita ko ay kinakain ko na.
"Eh 'di... it's a prank!" Loko-lokong sabi ko. "Gulat ka ba? Ako rin, eh!"
Napailing na lang sila.
Bakit ba mukhang mas problemado pa sila sa akin, eh ako nga 'tong sobrang daming iniisip sa buhay?
"Wow..." Bulalas ni Ingrid. "Ang bilis ng panahon, 'no? Parang dati lang nagshe-share ka pa sa FB ng mga posts about self love, tapos ngayon... nakipagbalikan ka na sa ex mo."
"Paano ka nakuha ni Drakeson?" Kuryosong kalabit sa akin ni Edith. "I can't imagine! Eh halos ipakulam mo pa ang lalaking 'yon, ah!"
"Hoy, hindi naman!" Pinandilatan ko siya. "OA mo! Ba't ko magagawa iyon sa shota ko?"
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Aléatoire[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...