Chapter 37
"Ha? Sa library? Bakit? Anong gagawin doon?" Sunud-sunod na tanong ko habang nakatutok ang phone sa aking tenga.
"Mag-aaral, malamang! Pwede ka bang magluto sa library?"
Si Justice ang kausap ko. Hindi lang obvious dahil lahat naman ng kaibigan ko ay pilosopo.
"Why so random?"
Study my ass. Ganito lang kami kapag may paparating na exam. And as far as I can remember, wala namang ganoon. I mean, mayroon pero... matagal pa.
"Anong random? Engot ka ba?"
"Bakit na naman ba, hayop ka?"
"Nakalimutan mo na bang may mock trial? We are participating there!"
Usually, sa mga law schools lang talaga may mock trial. Pero sa Shamxia, they are preparing one. Siyempre, para lang iyon sa mga gusto talagang maging lawyers. Advanced kasi talaga ang mga subjects and lessons namin—although the mock trial isn't as tough as the real one. Saka, event lang naman. Hindi requirement.
Pabida talaga 'tong university namin, eh.
"Ay, shuta! Oo nga!" Napakamot ako ng ulo. "Anong oras ba pupunta? Ngayon na ba?"
"Oo, tsk!" Iritang aniya."Bakit ba kasi hindi ka nag-seen sa GC? May usapan tayo, ikaw na lang ang hinihintay namin dito!"
"Oo na, papunta na ako!"
"Paanong papunta? Ipupusta ko ang isa kong kilay, nasa banyo ka pa rin habang tumatae!"
Tumayo ako sabay flush ng inidoro. "Gago, paano mo nalaman?"
"Huwag mo nang itanong, basta... pumunta ka na lang dito!"
Nagmamadali akong lumabas ng banyo at nagpalit ng damit. Hindi na ako nag-abalang maligo dahil bukod sa tinatamad ako, hiyang-hiya naman ako sa mga kaibigan kong masisipag mag-aral.
"Oh. Saan ang punta mo?" Salubong sa'kin ni Mommy.
Hinablot ko ang bag ko. "Library po. I'm off!"
My mom's busy nowadays. I still don't know the reason because she won't tell it to me. Ngayon nga lang yata kami nagkausap dahil lagi siyang umaalis buong araw. Idagdag mo pang nakasanayan niyang iwan kay Drakeson ang phone niya every time na may lalakarin siya.
Speaking of the devil...
"Good morning. Where are you—"
I cut him off. "Pasakay ako, ah? Thanks!"
Hindi pa man siya nakakasagot ay sumakay na agad ako sa passenger's seat. Ang hassle kasi kung maghihintay pa ako ng tricycle. Makulimlim pa naman ang panahon.
Saka hindi naman siya others, 'no! Aanhin mo ang kotse ng kapitbahay kung hindi ka naman makakasakay?
Pumasok na siya sa loob. Instead of driving, hindi makapaniwala siyang tumingin sa'kin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"
"May lakad ako..."
I rolled my eyes. "Sa Shamxia lang. Para namang ano, eh."
"I'm taking the other route, malayo sa university. Urgent ang pupuntahan ko kaya maghanap ka na ng ibang sasakyan."
"Saglit lang naman, eh." Nagmamakaawa kong sabi. "Ki-kiss kita kapag hinatid mo 'ko."
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. "Akala mo ba madadaan mo ako sa ganiyan? Tss. Anong oras ba? Ngayon na?"
Napangiti ako. "Iyon, oh! Ang lakas ko talaga sa kapitbahay ko!"
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...