CHAPTER 10

3.2K 64 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Nagsimula na ang pasokan at nag-aral na si Maribel, si Mary Rose naman ay busy para sa nalalapit nilang event.

"Ate sasabay na ako sayo...." wika ni Maribel.

"Sige bilisan mo at idadaan nalang kita sa university mo..." sagot naman ni Mary Rose.

"Salamat ate..." saad ng kapatid niya.

Pagkatapos nila kumain ay umalis na ang mga ito. Idinaan ni Mary Rose ang kapatid.

"Dadaanan kita ulit mamaya ha..." bilin niya kay Maribel.

"Oky ate, hihintayin kita mamaya...." sagot nito.

"Sige, ingat ka jan at mag-aral ng mabuti ha..." wika ni Mary Rose.

Umalis na siya at pumasok sa trabaho. Ang dami nilang dapat taposin para sa next na event.

"Madam ready na ang mga designs at natahi na rin lahat..." wika ni Carla.

"Ganun ba, sige at ang mga model natin ready na rin ba?" tanung ni Mary Rose.

"Sige madam mamaya ipapatawag ko ang mga model at kayo na ang bahala tumingin kung papasa ba sa panlasa mo..." wika ni Carla.

"Oky mamaya titingnan ko sila......" sagot ni Mary Rose.

Umalis na si Carla at inasikaso ito. Tinawagan niya lahat pati si Erwin.

"Sige pupunta na ako jan...." sagot ng lalaki.

Napangiti na naman ang binata, makikita na naman niya ang babae mamaya.

"See my lady..." naka ngiting bulong niya.

Nag-ayos na ang binata at nag handa pa talaga ito. Nag gel pa siya tapos ay nag spray na kaunting pabango.

"Oky since dito na lahat pumila na kayo at tatawagin ko na si madam...." wika ni Carla.

Pina hilira niya ang mga model at isa isang tiningnan ito ng dalaga.

'Gumanda na ang build ng katawan niya, siguro dahil sa iba't ibang trabaho na ginagawa niya.' sa isip ng dalaga habang naka tingin sa katawan ni Erwin.

Nakaramdam ng hiya ang binata dahil sa kakaibang titig na ginawang dalaga.

'Para naman akong kakainin ng babae na ito kung maka titig.' sa isip ng binata.

Nagtagpo ang mga tingin nila at unang bumaba ang dalaga.

'Ang sarap siguro haplos-haplosin ang mga abs niya na iyon...' sa isip ni Mary Rose.

Dumating si Carla sa kanyang opisina at naupo ito doon.

"Madam naka pili kana ba?" tanung ni Carla.

"Oo, ito...." wika ng dalaga sabay abot sa list na ginawa niya.

Kinuha ito ni Carla at tiningnan pagkatapos ay umalis na ito.

'Magkakasama na naman tayo, ngayon aalamin ko ang lahat at kung wala kang syota ako na ang manliligaw sa iyo....' sa isip ni Erwin.

Hindi maipaliwanag ni Mary Rose ang nararamdaman pero masaya siya pag nasa paligid ang binata. Kakaiba ang presensya nito sa kanya.

"Madam next week na ang event at ready na ang lahat..." saad ni Carla sa kanya.

"Oky walang problema, kahit anung oras ready ako...." sagot ni Mary Rose.

Dumating ang araw ng event at lahat naroroon ganun rin ang binata.

"Sana magustohan niya ito..." pabulong na saad ni Erwin habang inaamoy ang bulaklak na dala.

Pagpasok niya sa likod ng stage ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga.

"Hi...." bati ng boses mula sa kanyang likod.

Lumingon si Mary Rose at isang pumpun ng bulaklak ang tumambad sa kanya.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon