CHAPTER 7

3.4K 67 2
                                    

BECAUSE OF YOU

(BOOK 3: REALITY'S DESIRE)

Written by: Sexy Lady

Hindi naman agad naka salita si Mary Rose. Si Erwin naman ay nag-ayos lang at umalis.

"Ang totoo ate magkakilala ba kayo ng lalaki na iyon?" wika ni Maribel.

"Tara alis na nga tayo ang dami mong tanung eh..." pag-iiba ng usapan ni Mary Rose.

"Ikaw ate iniiba mo ang usapan eh..." busangot ng kanyang kapatid.

Umalis na ang dalawa at hatid-tanaw nalang ang ginawa ng binata. Umuwi na silang magkapatid at nagpahinga.

'Bakit naroon ang lalaki ka iyon anu kaya ang ginagawa niya?' sa isip ni Mary Rose.

Muli ay bumalik sa kanyang isipan ang gabi kung saan hinawakan ng binata ang kanyang kamay. Nakaramdam siya ng kakaibang sayang habang iniisip ito.

'Gosh, anu ba ang nangyayari sa akin at nagkakaganito ako...' saway ng dalaga sa kanyang sarili.

Lumipas ang mga araw at lagi ng nagkikita ang dalawa sa mga event. Si Erwin ang laging magmomodel ng kanyang mga designs.

"Oi madam mamaya labas tayo..." yaya sa kanya ni Carla.

"Saan naman tayo pupunta?" tanung ni Mary Rose.

"Gimmik tayo sagot ko..." wika ng bakla.

"Paano ang kapatid ko, mag-isa pa naman iyon sa condo ko." sagot ng dalaga.

"Hmmmm, isama natin para masaya..." turan ni Carla.

"Hoy! hindi pa pwedeng uminom iyon..." katwiran ng dalaga.

"Madam my mga ladies drinks rin naman na hindi nakakalasing diba..." paliwanag ng bakla.

"Hmmmm, sige na nga at tatawagan ko siya mamaya.." sagot ng babae.

Kaya tinawagan niya ang kapatid para sumama sa kanila at pinadala rin niya ito ng damit na pamalit niya mamaya.

"Oky ate...." huling sagot ni Maribel at binaba na ang telepono.

Kinahapunan ay dumating na si Maribel sa kanilang opisina at dala-dala na nito ang damit niya.

"Ate ito na ang bilin mo..." wika ng babae sabay abot ng dala sa kanya.

"Salamat Bel..." tugon niya at inabot ang paper bag.

Pumasok siya ng banyo at nagbihis doon para maka-alis na sila.

"Ay! madam ang bongga mo..." naka ngiting saad ni Carla.

Halter na kulay light yellow ang suot niya, may designs ito na bulaklak mula dibdib papuntang balikat at my belt rin ito sa bewang. Bakat ang magandang hubog ng kanyang katawan at kita rin ang makikinis niyang hita dahil lagpas-tuhod ang pagcut ng damit. Sariling design niya ito.

"Bagay sayo ate ang ganda mo talaga..." segunda rin ni Maribel.

"Tama na ang pambobola ninyo sa akin matagal ko ng alam iyan..." with poise na wika ni Mary Rose.

"Ay, ang haba ng hair mo madam, pero infairness ang ganda mo talaga." saad ni Carla.

"Hmmmm, tara na nga kain muna tayo bago mag bar para may laman ang mga sikmura natin..." yaya niya at nagpatiuna na sila sa paghakbang sa pintuan.

Magkasama si Mary Rose at Maribel sa sasakyan samantalang nakasunod naman si Carla sa kanila. Kumain muna sila sa isang restauran bago ng tungo ng bar.

"Isang pineapple delight, isang bloody mary at isang margarita nga..." wika ni Mary Rose sa waiter.

"Oky ma'am....." sagot nito.

"Ang ingay naman dito ate, daig pa ang discohan sa probinsya..." turan ni Maribel.

"Natural na iyang dito Bel, kaya masanay kana..." naka ngiting sagot ng dalaga.

Dumating na ang order nila at sinimulan na nila itong inumin. Maya-maya ay may narinig siyang nagsalita.

"Oi, pare late kana naman ah... baka ma sesante ka na ni boss niyan..." wika ng lalaki, ito ang waiter kanina.

"Pasensya na pre, busy lang talaga... huwag naman sana mangyari iyon dahil kung magkataon baka sa kangkongan ako pulutin..." sagot ng isa.

"Pumayag kana kasi sa gusto ng bakla ng may gusto sa iyo pahindi kana mahirapan." sagot ng waiter.

"Pre talaga kahit kailan hindi ko gagawin iyon noh..." wika ng lalaki.

Pamilyar ang boses sa kanya pero hindi niya maalala kung saan niya ito narinig. Napa iling nalang din ang dalaga.

"Oi madam halikana hataw tayo sa gitna.." wika ni Carla na kakarating lang..

"Kayo nalang muna..." maigsing sagot niya.

"Ay si ate KJ talaga, tara na ate para naman enjoy...." saad rin ni Maribel.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumama nalang sa gitna.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon