CHAPTER 22

2.7K 58 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Napayuko naman ang binata sa klase ng pagtitig ng dalaga. Pero nagsalita ito ulit.

"Sige oky lang kung hindi pwede..." malungkot na turan niya.

Kinuha ng dalaga ang kamay niya at hinawakan ito.

"Magpapaalam muna ako sa trabaho blue, kung papayagan nila ako, sasama ako sa iyo..." kay lapad ng ngiti na wika ng dalaga.

Nawala ang lungkot sa mukha ni Erwin at humalik ito sa noo ng dalaga.

"Sana pink payagan ka para makilala ka rin ng mga pamilya ko doon." saad ng binata.

Pinayagan si Mary Rose kaya tuwang tuwa naman ang binata. Agad silang nag-empake dahil naka book na rin ang pag-alis nila.

"Hindi halatang excited ka blue ah..." naka ngiting turan ng dalaga.

"Oo pink matagal na rin kasing hindi ako naka uwi doon...." saad ng lalaki.

Nakarating sila sa airport at nag check-in, maya-maya dumating na rin ang eroplano na sasakyan nila.

"Ready na pink?" wika ng binata.

"Tara na...." sagot ng dalaga.

Humawak si Mary Rose sa braso ng binata at umalis na sila. Lumipas ang isang oras nakarating na sila sa distinasyon nila. Sa Cotabato City..

"Welcome in my place pink...." kay lapad ng ngiti na wika ni Erwin.

"Salamat blue..." usal ng dalaga.

Naglakad na sila palabas ng airport at nag-abang ng masasakyan.

"Namiss ko rin ang lugar na ito, ang dami na palang nagbago mula ng umalis ako..." wika ng binata.

Kinuha niya ang kamay ng dalaga at hinawakan ito. Nanlalamig ang dalaga.

"Tense?" saad ng binata.

"Me.......medyo..." sagot ng dalaga at pilit ngumiti.

"Dito lang ako sa tabi mo pink, magiging oky ang lahat. Nag meet na kayo ni mama diba." turan ni Erwin.

Tumango ang dalaga at hinawakan nalang ng binata ang kamay nito. Nakarating na sila sa Liliongan ang lugar kung saan nag mula si Erwin.

"Salamat po manung...." saad niya sa driver ng taxi.

Umalis na ang taxi. Namangha si Mary Rose sa nakita ang laki ng bahay sa harap nila. Nag doorbell si Erwin.

'Dito ba naka tira ang lalaki na ito?' tanung sa kanyang isipan.

Pagbukas ng pinto tila nagulat pa ang maid sa nakita. Nang mahimas-masan ay nagsalita ito.

"Se...... senyorito..." nauutal na wika ng maid.

"Naku kayo nga ho, bakit hindi kayo nagpasabi na uuwi kayo.." tuwang-tuwa na saad nito.

Yumakap pa ito sa binata na tila nananabik ito at matagal silang hindi nagkita. Napansin niya si Mary Rose.

"Ay! may kasama ho pala kayo senyorito..." dagdag pa nito.

"Ah Aling Meling siya po si Mary Rose asawa ko, pink siya naman si Aling Meling mayordoma namin..." pagpapakilala ng binata.

"Hello po, kamusta kayo..." wika ng dalaga sabay ngiti at yukod.

"Ang ganda naman ng asawa mo senyorito... tara pasok kayo sa loob at tiyak matutuwa si donya Lucia nito." saad ni Aling Meling at binuksan ang gate.

Magkahawak kaay na pumasok ang dalawa. Naupo sila sa sofa at inutusan ni Meling ang isang katulong para magdalag ng merienda.

"Senyorito dito muna kayo ni senyorita ata tatawagin ko lang si donya Lucia ha..." paalam ng katulong at umalis na ito.

Magkatabing naupo ang dalawa at hindi man lang binitiwan ng binata ang kamay ni Mary Rose.

"Relax lang pink..." saad ni Erwin at hinalikan sa pisngi ang dalaga.

Inikot naman si Mary Rose ang tingin niya. Halos napa nganga siya sa nakita.

'Ang ganda sa labas pero mas maganda ang loob, ang mga gamit puro mamahalin at kung hindi ako nagkakamali galing pa ang mga ito sa iba't ibang bansa.' manghang isip ni Mary Rose.

'Ganito siya kayaman pero bakit siya nagtitiis sa manila?' katanungan ng kanyang isipan.

Dumating ang maid at may dala itong orange juice at sandwich na pang merienda nila.

"Kain ka muna pink..." wika ng binata at iniabot ang isang sandwich sa kanya.

"Sa.....salamat blue..." tugon ng dalaga.

Tapos na silang mag merienda ng bumaba ang ina ng binata. Kay lapad ng ngiti nito.

"Salamat at naka uwi ka iho...." saad ng ginang at nagyakapan sila.

"Welcome iha...." dagdag pa ng ginang at niyakap ang dalaga.

Gumanti rin ng yakap si Mary Rose at nag beso-beso pa sila. Pagkatapos ay naupo na ang matanda sa harap nila.

"Sana nagpasabi ka na uuwi kayo dito iho..." turan ng ginang.

"Gusto lang kitang e-sorpresa ma..." naka ngiting saad ni Erwin.

"Alam ko pagod kayo sa byahe kaya magpahinga muna kayo sa kwarto mo anak at magpapaluto lang ako ng tanghalian natin." wika ng donya.

"Sige ma salamat." sagot ng binata.

Tumayo na sila ni Erwin at nagtungo sa ikalawang palapag. Pumasok sila sa isang kwarto.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon