CHAPTER 25

2.7K 53 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Nakababa na sila ng binata kaya kumain na ang mga ito. Masaya sila sa hapag sapagkat kasabay rin nila ang mga katulong.

"Nabusog kaba pink?" tanung ni Erwin sa dalaga.

"Oo blue ang sarap ng inihandang pagkain eh..." sagot naman ng dalaga.

Naging maayos ang mga sumunod na araw nila sa lugar ng binata. Paminsan-minsan ay sumasakit parin ang ulo ni Mary Rose pero mawawala rin ito pagkatapos niyang uminom ng gamot.

Kasabay noon ay ang unti-unting pagbalik ng kanyang mga alaala. Hindi ito sinabi ng dalaga dahil sobrang nasaktan talaga siya.

'Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo na bumalik na ang alaala ko ha, nasaktan mo ako ng sobra blue kung alam mo lang...' sa isip ng dalaga habang naka titig sa mukha ng binata.

Mag-iisang linggo na silang magkasama ng binata pero ni minsan hindi ito nagtangkang angkinin siya. Nakuntento nalang ito sa mga halik at paglalambing.

"Pink, picnic naman tayo doon sa bundok sa kabilang bayan..." yaya ni Erwin sa dalaga.

"Oo ba kailan naman blue?" tanung ng dalaga.

"Hmmm bukas ng umaga pink bago sumikat ang araw para makita mo..." sagot ng binata.

"Sige-sige gusto ko iyan..." masayang sagot ng dalaga.

Kinagabihan inihanda nila ang mga pagkain na dadalhin bukas ng umaga. Madaling araw sila aalis kaya pati kape ay inihanda na nila.

"Pink gising na aalis na tayo...." saad ng binata.

"Anung oras na ba?" tanung ng dalaga.

"Alas tres ng madaling araw na.." tugon ni Erwin.

Papungas-pungas na bumangon ang dalaga at nagtungo ito sa banyo upang mag-ayos, bumaba na rin si Erwin upang ilagay ang mga dadalhin nila sa loob ng sasakyan.

Nang makatapos ang dalaga ay bumaba na ito at nagtungo sa sasakyan dahil doon na siya maghihintay.

"Ang ganda parin niya kahit nasa ganyn siyang sitwasyon..." bulong ni Erwin.

Nakatulog kasi ang dalaga kaya hindi niya namalayan na umalis na sila. Hindi rin ito ginising ng binata dahil alam niyang inaantok pa ito.

Narating nila ang bundok at ipinarada ng binata ang sasakyan sa gilid nito, hindi muna niya ginising ang dalaga. Sa kakahintay naka tulog narin si Erwin.

'Ang lamig naman, nasaan naba ako...' sa isip ni Mary Rose.

Nakaramdam kasi siya ng ginaw kaya minulat niya ang kanyang mga mata. Medyo makulimlim pa ang kanyang nakita pero alam nitong wala na sila sa mansyon.

'Siguro ito na ang lugar na sinasabi ni blue sa akin...' sa isip niya at umangat ito.

Nakita niya ang binata na naka sandal rin at pikit ang mga mata nito kaya nilagay niya ang kumot dito tsaka bumaba. Nag-inat muna siya ng katawan tsaka naglakad-lakad.

'Ang ganda naman ng paligid napaka luntian ang daming puno at iba't ibng ligaw na halaman tapos may mga talahib rin..' sa isip ng dalaga.

Magbubukang-liwayway na kaya bumalik na ito sa lugar kung saan ang sasakyan. Ang mga ibon ay humuhuni na rin, at unti-unti na ring lumiliwanag ang paligid.

'Ihahanda ko na nga ang dala naming basket, para pag gising niya ready na.' sa isip ni Mary Rose.

Naihanda na lahat ng dalaga. Naka kita siya ng isang puno kaya doon niya nilapag lahat pati ang mantel na dala nila.

Nagising ang binata pero nagtaka ito ng wala na sa tabi niya ang dalaga kaya dali-dali itong bumaba at hahanapin sana niya ito pero nakita niya si Mary Rose sa hindi kalayuan.

"Pink....." sigaw ng binata.

Napalinggon naman ang dalaga sa pinanggalingan ng boses at napa ngiti siya, gising na si Erwin. Pero may lugar sa kanyang puso na nalulungkot pa.

"Halika dito....." tawag niya sa binata.

Lumapit naman ang binata sa kinaroroonan nila at naupo din ito doon. Sabay nilang nasaksihan ang pagsikat ng araw sa lugar na iyon.

"Ang ganda naman blue..." usal ng dalaga.

Kulay dilaw na may halong orange at pula ang langit ng umagang iyon.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon