CHAPTER 1

7.5K 109 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(BOOK 3: REALITY'S DESIRE)

Written by: Sexy Lady

"Hay, napagod ako doon ah..." wika ni Mary Rose ng may ngiti sa labi.

Kakauwi niya lang galing sa bahay ni Nice, binyag ng anak niya na si Precious at ninang siya.

'Ang kulit naman kasi ni Jade, pero ang saya naman at nakakainggit sila. May kanya-kanya na silang pamilya at ako hanggang ngayon wala pa kahit boyfriend..' sa isip ng dalaga at nalungkot ito.

Ni Minsan hindi pa kasi siya nagkaka boyfriend at kung may mag palipad hangin man, tinatapat niya kaagad.

'Hindi bale atleast may career pa naman ako na pwedwng pagtuonan ng pansin..' isip-isip niya at napa ngiti.

Nagbihis na ito para maka pag pahinga na siya dahil bukas may mga designs pa ito na dapat tapusin.

"Maka inom na nga ng gatas at makatulog..." bulong nito sa sarili.

Pumunta siya ng kusina, nagsalin ng gatas sa baso pagkatapos ay ininom niya ito at tsaka pumasok ulit ng silid at natulog.

"Good morning world, good morning to me, another beginning..." wika ni Mary Rose ng gumising.

Nag inat-inat ito tsaka bumangon sa kama at nag tungo sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay lumabas siya at sinulyapan ang orasan sa dingding 5:10am palang.

"Magluluto muna ako ng agahan tutal maaga pa naman." sambit ng dalaga.

Nagtungo ito sa kusina upang magluto pagkatapos ay kumain na siya ng mag-isa. Naligo ito at nag-ayos tsaka tinungo ang sasakyan at pumasok.

"Good morning ho mang Kanor..." bati niya sa guard.

Nag park siya ng sasakyan tsaka nag tungo sa kanyang opisina, siya ang head ng ianyang department at sila ang taga designs ng mga ipapauso na damit.

"Early bird ka talaga lagi madam.." wika ni Carlo a.k.a Carla.

"Syempre naman para marami akong magawa dito tsaka wala naman akung pinagkakaabalahan eh." naka ngiting sagot ni Mary Rose.

"Mag hanap kana kasi ng jowa madam para may pagkaabalahan ka naman hindi yung puro trabaho ka lang lagi." sagot naman ng bakla.

"Sakit sa ulo lang ang mga iyan at isa pa ayaw ko muna sa commitments sa ngayon, gusto ko munang mag enjoy sa buhay ko bilang single." katwiran ng dalaga.

"Single daw, iknow hindi kapa nagkaka jowa madam kaya hindi ka single.." sagot ni Carla.

"Oky hindi na single kundi NBSB na..." saad niya.

"Bast para sa akin maghihintay nalang ako kung kailan darating ang tamang lalaki para sa akin, kasi kung may nakalaan man ang destiny mismo ang maghahanap ng paraan para pagtagpuin kami.." dagdag pa niya.

"Hay naku madam hanggang kailan ka maghihintay? Isipin mo nagkaka edad kana....." sagot naman ni Carla.

"Magtrabaho na nga lang tayo....." pag iiba niya ng usapan.

Misan sumasagi rin sa isip niya ang mga iyan pero sadyang wala lang talagang naliligaw na lalaki sa kanya kung kaya't until now single parin siya.

"Oi madam oky na daw ang mga naunang designs natin at irarampa na daw ito next week and take note may mga bagong models daw tayo na hinired nila." malanding turan ni Carla.

"Mabuti naman kung ganun saan daw ang venue nila?" tanung niya.

"Sa The Haytt Hotel madam...." tugon ng bakla.

"Oh sigd at ng maka paghanda na rin tayo..." wika ni Mary Rose.

Pauwi na siya ng maisipan ni Mary Rose na dumaan ng supermarket para mamili dahil wala na rin siyang mga stocks.

'Anu pa ba ang kulang ko? gatas, isda, karne, gulay, bigas, pasta at spices... oky na siya.... ay! teka mga personal needa ko pa pala..' laman ng isip ng dalaga habang namimili.

Natapos niya ng pamimili at nagtungo ito sa counter area upang mag bayad.

"Excuse me miss pwedeng magtanung?" wika ng lalaki sa kanyang harapan.

Matangkad ito, kung hindi siya nagkakamali nasa 5'10 ang taas ng lalaki, simple lang ito manamit at ang kisig ng tindig.

"Bakit?" wika ni Mary Rose at pina arko ang kilay.

"Saan ang pasta section dito?" tanung ng lalaki at napakamot sa batok.

"Ahmmm, derecho ka lang mula dito then liko ka sa pangalawa mula dulo makikita mo na yan doon.." sagot niya.

"Ganun ba, sige salamat..." tugon ng lalaki at umalis.

Napangiti naman ang dalaga, natapos niya itong bayaran kaya sumakay na siya sa kotse at umuwi.

"Hi !Ate kamusta?" bati ng kapatid niya na si Maribel.

Naka abang ito sa gilid ng kanyang pintuan at halatang kanina pa siya hinihintay.

"Maribel, anung ginagawa mo rito?" gulat na turan niya.

Niyakap ni Mary Rose ang kapatid dahil na miss niya ito ng sobra.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon