CHAPTER 3

4.1K 73 1
                                    

BECAUSE OF YOU

(BOOK 3: REALITY'S DESIRE)

Written by: Sexy Lady

"Oky na po ba ang settings para sa event madam?" tanung ng planner.

"Oky..... thank you..." sagot ni Mary Rose.

"Oh narinig mo ganda, oky na daw kaya bumalik kana doon at after 30mins mag sisimula na..." utos ni Carla.

Umalis na ang babae at naiwan sila ni Carla sa likod.

"Naku madam mag-aabang nalang ako sa harapan mamaya ha at galingan mo ang pag rampa para naman hindi masayang ang beauty mo..." saad ni Carla.

"Me ganun talaga?" sagot ng dalaga sabay taas ng kilay at namewang.

"Of course para naman magka jowa kana rin.." naka ngiting tugon ng bakla.

"Ay naku Carla puro jowa nalang ang laman ng utak paano kasi lalakero ka..." sagot niya sabay tawa.

"Atleast ako naka ilang jowa na ikaw hanggang ngayon wala pa..." pang aasar nito.

"Atleast ako until now virgin parin eh ikaw wala na..." sagot rin ng dalaga.

Ayaw niya mag patalo sa kasama pagdating sa ganyang usapan.

"Oo na! ikaw na madam..." naka ngiting sagot ng bakla.

Samantalang, sa kabilang banda. Nagmamadaling pumasok si Erwin late na siya sa usapan nila ng talent manager niyang bakla na si Ricky.

"Patay masasabon na naman ako nito mamaya..." bulong niya at pumasok sa dressing area.

"Nasaan na si Erwin ha..." sigaw ni Ricky.

Papasok palang siya ng marinig ito at bahagya siyang napaatras.

"Anu wala bang sasagot kung sa inyo kung nasaan siya..." sigaw ulit nito.

"Ilang minuto nalang mag sisimula na ang event..." dagdag pa nito.

'Patay ako nito..ah! bahala na.' sa isip ng binata at pinihit ang pintoan.

"Good evening Rica....." bati niya.

Lumiwanag ang mukha ng bakla at agad naman niya itong nilapitan.

"Sorry if nalate ako ha, may tinapos lang..." bulong niya sabay halik.

"Dapat tinawagan mo ako para nalaman ko..." malanding turan ng bakla sabay himas sa kanyang dibdib.

Nagsipag tayuan ang mga balahibo niya pero tiniis niya kesa mag tatalak ito.

"Halikana, at malapit ng magsimula ang event..." hila ng bakla sa kanya at pinaupo sa upuan.

Nagsimula na ang event at nasa gilid ng stage si Mary Rose para masiguro na tama ang pagka sunod-sunod ng mga model para rumampa.

"Madam pang swimming outfit na ho at kasama kayo sa huling pagrampa." wika ng planner.

"Oky, at nasaan ang model?" tanung ni Mary Rose.

"Narito siya madam..." wika ni Ricky na papalapit.

Kay lapad ng ngiti nito at nagbeso-beso silang dalawa.

"Ikaw na bahala kay madam, Erwin ha, alalayan mo at ingatan mo dahil napakahalaga niyan.." bilin ng bakla sa lalaki.

"Para naman akung bata niyan Rica..." napa ngiting wika ni Mary Rose.

Napa titig naman si Erwin sa dalagang kaharap niya napaka ganda nito. Simple lang ang suot nito at light lang ang inapply na make up.

'Ang ganda niya pag naka ngiti nawawala ang mga mata...' sa isip na binata at napa ngiti na rin.

"Hoy! narinig mo ba ang sinasabi ko?" wika ni Ricky na nag pabalik sa kanya sa realidad.

"Oo momsie..." sagot niya.

"Mabuti kung ganun..." saad ni Ricky.

Tiningnan ni Mary Rose ang lalaki mula ulo hanggang paa at mula paa pabalik sa ulo.

'In fairness may K siya ha. Alaga ang katawan at parang laging nagbubuhat ng mabibigat at ang hubog tama lang din...' sa isip niya na naka taas ang kilay.

Naasiwa naman si Erwin sa ginawa ng babae sa kanya at napayuko naman ito. Naka trunks lang kasi siya.

"Madam kayo na ho ang susunod..." tawag ng planner.

"Oky nanjan na.." wika ng dalaga at humakbang na...

Naka sunod naman ang lalaki sa kanyang likod, narating nila ang bukana at nilahad ng binata ang kamay nito na tinanggap naman ng dalaga.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon