CHAPTER 2

4.6K 83 1
                                    

BECAUSE OF YOU

(BOOK 3: REALITY'S DESIRE)

Written by: Sexy Lady

Pumasok na silang dalawa sa loob ng kanyang pad.

"Bakit ka pala narito Maribel?" tanung ni Mary Rose.

"Dito na raw ako mag-aaral ate, pumayag si mama at papa." naka ngiting saad nito.

"Talaga pumayag na sila?" masayang sambit ng dalaga.

"Oo ate kaya maaga ako pumunta dito para bakasyon na rin.." wika pa ng kanyang kapatid.

"Mabuti naman at kahit papaano may makakasama ako..." sagot niya.

"Kamusta ang trabaho mo ate?" tanung ng kanyang kapatid.

"Oky naman medyo busy kasi next week may event kami..." sagot niya.

"Ayosin ko muna ang mga binili ko ha. Tamang-tama at naka pamili ako kung hindi wala kang kakainin." dagdag ng dalaga at ngumiti.

"Oky lang ate eh di ako ang mamamalengke." katwiran ng kapatid.

"Sabagay, teka at magpapadeliever ako kasi wala pa akung luto na pagkain dito..." wika ni Mary Rose.

"Sige ate gusto ko Jollibee..." sagot ni Maribel.

"Sige kung iyan ang gusto mo..." tugon niya.

Nagpadeliver sila ng bucket meal at after 45 may kumatok sa pintuan.

"Hayan na ate oh..." sigaw na kanyang kapatid at tinungo ang pintoan.

"Delivery po ma'am..." wika ng lalaki.

"Salamat po kuya..." wika ni Maribel at binayaran ito.

"Keep the change po.."

Sinara na ni Maribel ang pinto at nilagay sa mesa ang pagkain, bumalik na rin si Mary Rose mula sa kusina.

"Ate kain na tayo ate..." yaya ni Maribel.

"Sige....." sagot ng dalaga at naupo na rin.....

Kumain silang dalawa at naglipit. Pagkatapos ay nanood sila ng palabas.

"Ate natulog na tayo medyo gabi na rin.." wika ni Maribel

"Sige at may pasok pa ako bukas.." sagot ni Mary Rose.

Nagkanya-kanya na ang dalawa sa pagpasok ng silid, sa kabilang kwarto si Maribel.

'Mabuti naman at kahit papaano may kasama ako dito...' sa isip ng dalaga.

'Malapit na palang ilabas ang mga summer designs ko , hmmm sana maging successful na naman ito...' napa ngiting isip na babae.

Natulog na ang dalaga, kinabukasan maaga siyang nagising.

"Bel, ikaw na muna ang bahala dito ha at papasok na ako, may mga pagkain naman jan sa ref at pantry magluto ka nalang..." bilin ni Mary Rose sa kapatid.

"Oky ate ako bahala, mag-iingat po kayo..." naka ngiting tugon ng kapatid niya.

Umalis na ito at lumipas ang mga araw at dumating na ang hinihintay niya.

"Madam, ito na to..." wika ni Carla.

Nasa Haytt sila para sa launching ng summer outfit na ilalabas nila. At isa na ang mga designs niya.

"Excuse muna Carla punta lang ako ng powder room ha..." paalam niya.

"Sige madam dalian mo at malapit nang mag-umpisa.." saad ng bakla.

Umalis na siya at nagtungo doon, nag ayos siya ng sarili at nag re-touch, nag spray ng kaunting pabango at nag suklay, nilugay nalang niya ang mahabang buhok.

"Oky na siguro ito..." sambit niya tsaka ngumiti.

Lumabas na siya ng silid at naglakad pabalik, hindi niya napansin ang lalaking nag mamadali dahil hinahanap ng dalaga sa kanyang bag ang kanyang telepono.

"Oh may gosh....." wika ni Mary Rose.

Nasagi ang kanyang bag at nagkalat sa sahig ang kanyang mga gamit.

"Anu ba yan....." gigil na saad niya.

"Hoy, bwisit kang lalaki ka, tingnan mo naman ang dinadaanan mo ng hindi ka maka bunggo.." sigaw ni Mary Rose.

Pero ang lalaki patuloy lang na naglakad hanggang sa nawala sa paningin niya.

"Bwisit talaga, walang modo na tao iyon ah...." bulong na saad ng dalaga habang pinupulot ang mga nagkalat na gamit.

Pagkatapos ay bumalik na siya na naka busangot ang mukha.

"Madam, bakit ganyan ang mukha mo?" takang tanung ni Carla.

"May walang modo lang akung nakasalubong..." sagot niya.

"Kailangan daw tayo sa backstage madam..." saad ng bakla.

Pumunta sila ng backstage na dalawa at kinausap ng event planner..

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon