CHAPTER 24

2.6K 60 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Si Erica ang nasa likuran nila, at naka ngiti ito ng mapakla habang naka tinggin sa kanilang dalawa. Napa tiim-baga naman si Erwin. Napansin ito ni Erica kaya nagsalita ito ulit.

"Ops! hindi ako narito para manggulo, narito ako para humingi ng tawad sa inyo..." malungkot na turan ng babae.

Napasalubung ng kilay si Mary Rose pamilyar ang babae sa kanya pero hindi niya maalala kung saan.

"Alam kung mahal mo siya Whane, mahal rin naman kita pero hindi ko naman maatim na paghiwalayin kayo sapagkat nakita ko kung gaano ninyo kamahal ang isa, patawad sa nagawa ko..." dagdag pa ni Erica.

"Mapapatawad kita Erica pero hindi pa sa ngayon kundi sa tamang panahon." sagot ng binata.

Naguguluhan ang dalaga, pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang babaeng kaharap pero hindi niya talaga maalala.

"Aaaahhhh......." sigaw ng dalaga.

Sapo-sapo niya ang kanyang noo, napaupo siya sa damuhan at naka sabunot sa kanyang buhok.

"Aaahhhh ang sakit ng ulo ko...." usal ng dalaga.

Nakita ito ng binata at nag-alala siya para sa kasintahan. Kaya dali-dali niyang dinaluhan ito.

"Pink oky ka lang?" nag-aalalang tanung ng binata.

"Ma....masakit... ang... ang ulo ko blue..." sagot ng dalaga.

"Saan banda pink?" saad ng binata at hinimas-himas ang ulo ni Mary Rose.

"Hindi ko na kaya ang sakit..." sigaw ng dalaga.

Lumabas naman ang mga magulang ng binata dahil sa narinig nila.

"Anu ang nangyari dito iho?" tanung ng donya.

"Mom si pink ho masakit daw ang ulo niya..." nag-aalalang wika ng binata.

"Hon tatawagan ko muna si doc. Sandig para matingnan siya..." saad ng don at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa.

Tinawagan nito ang doctor, dali-dali namang binuhat ni Erwin si Mary Rose at dinala sa silid nila. Agad rin na dumating ang doctor at sinuri ang dalaga.

"Stressed ang nobya mo iho, at tulad sa sinabi mo talagang nangyayari ang ganito sa mga may amnesia, dahil may mga bagay siya na pilit inaalala kaya sumasakit ang ulo niya..." paliwanag ng doctor.

"Ganun ho ba doc.." malungkot na turan ng binata.

"Bibigyan ko nalang siya ng pain relevier, pag pahingain ninyo siya at pagsumakit ulit ang ulo niya ipainom mo sa kanya ito..." wika ng doctor at binigay ang reseta.

"Welcome back iho..." dagdag pa nito at tinapik ang balikat ng binata.

Umalis na ang doctor at naiwan ang binata sa tabi ng dalaga. Hawak-hawak nito ang kamay ng babae, maya-maya ay may bumukas ng pinto. Si Erica...

"Pasensya na talaga Whane ha..." paumanhin ng dalaga.

"Walang anu man...." casual na turan ng lalaki.

"Sige aalis na ako...." paalam ni Erica.

Tumango ang binata bilang tugon, umalis na ng dalaga. Naiwan sila ni Mary Rose, ginawaran niya ito ng halik sa noo. Naramdaman ito ng dalaga kaya unti-unti siyang nagmulat.

"Blue...." mahinang usal ni Mary Rose.

Natuwa naman ng binata kaya niyakap niya agad ng dalaga tsaka hinalikan sa buhok nito.

"Blue hindi ako makahingga..." reklamo ng dalaga.

"Sorry pink, natuwa lang ako...." sagot ng binata.

Napangiti naman ang dalaga, hawak parin ng binata ng kamay niya. Hinalikan ito ni Erwin bago nagsalita ulit.

"Gutom kana ba pink?" tanung ng binata.

"Bakit blue?" saad naman ng dalaga.

"Handa na ang pagkain para sa hapunan pink, kaya baba na tayo.." sagot naman ng binata

"Aaaayyyyy...." tili ng dalaga.

Binuhat kasi siya ni Erwin pababa kaya ito at napa tili siya. Pababa na sila ngayon papuntang kusina hababang buhat siya ng binata.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon