CHAPTER 19

2.5K 53 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Halos takbohin ni Erwin ang ina at agad niya na niyakap ito matagal rin na hindi sila nagkita.

"Mama....." wika ng binata habang yakap ang ina.

"Anu ang nangyari sa iyo anak bakit namayat ka?" nag-aalalang tanung nang kanyang ina.

"Wala mama may problema lang po ako..." saad niya at kumalas sa pag kakayakap.

"Alam ko na ang lahat anak, at doon ako susupporta kung saan ka masaya...." saad ng ina niya.

"Paano si papa ma?" wika niya.

"Ako na ang kakausap sa kanya anak." turan ng ginang.

"Salamat mama...." wika ni Erwin at niyakap ulit ang ina.

"Pwede ko ba siyang makita anak?" saad ni Lucia.

"Oo naman mama, hali po kayo..." sagot niya at hinila na ang ina.

Tinungo nila ang silid na dalaga at naroroon din ang ina at ama ni Mary Rose. Nagkatinginan ang dalawang matanda na babae.

"Mama siya po si tita Perla at tito Pedro, tita, tito si Lucia ho ang aking ina." pag papakilala ng binata.

Humakbang siya patungo sa kama at humalik sa pisngi ng dalaga.

"Pink, narito si mama para bisitahin ka..." malungkot na turan ng binata.

"Mama ito po siya, si Mary Rose ang aking kasintahan..." dagdag nito.

Naka tingin lang ang ginang, ramdam rin nito ang bigat na dala ng anak. Halos tatlong buwan na rin na naka higa lang ang kasintahan niya. Lahat ng impormasyon na nakuha ng inupahan niyang detective ang sinabi nito sa ginang.

"Gumising kana jan iha...." saad ng ginang at hinawakan ang kabilang kamay ni Mary Rose.

'Nasaan ako?' sa isip ni Mary Rose.

Nakita niya ang sarili na nasa lugar na tanging mga ulap lang ang makikita. Naglakad pa siya, may narinig itong boses.

GUMISING KANA IHA....

"Sino ang nanjan?" wika ng dalaga.

Tumakbo ito hanggang sa may nakita siyang liwanag at pumasok siya doon. Unti-unting dumilat ang mata ng dalaga. Puro puti ang nakita niya.

"Iha...." gulat na wika ni Lucia.

Napatingin ang lahat na naroroon sa dalaga at lahat sila ay natigilan. Matahimik ang mga ito.

"Anak ko....." natutuwang wika ni Perla.

"Nasaan ako..." mahinang sambit ni Mary Rose.

Lumabas si Nice at Ellyn para tumawag ng doctor at kasama na nila ito nang bumalik. Sinuri muna ang dalaga.

"Isa itong himala, oky na siya." natutuwang saad ng doctor.

"Mama...papa..." wika ng dalaga.

"Mga bhest..." dagdag pa nito.

Kay lapad ng ngiti ng mga naroroon, natutuwa sila at sa wakas na gising na ang dalaga. Si Erwin ay nanatiling nakahawak sa kamay ng dalaga.

"Sino ka?" naguguluhang wika ni Mary Rose.

Napahawak siya sa kanyang ulo at parang may pilit na inaalala.

"Pink....." gulat na wika ni Erwin.

Napatingin ang lahat sa gawi nila. Kita ang sakit sa mata ng binata.

"Anak hindi mo siya nakikilala?" wika ng kanyang ina.

Umiling-iling ang dalaga bilang tanda. Halos madurog naman ang puso ni Erwin.

'Ito ba ang kapalit diyos ko.....' sa isip ng binata at titig parin sa dalaga.

Kinausap ni Ellyn at Nice ang doctor at ipinaliwanag ito sa kanila ang nangyari.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon