CHAPTER 9

3.1K 70 1
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Hindi na pinansin ng dalaga ang kakaibang nararamdaman. Ininum niya ang lemonade at bamalik sa gitna.

"Anung nangyari sa babae na iyon?" pabulong na wika ni Erwin.

Maya-maya ay naghiyawan na naman sa gitna. Si Mary Rose ay humataw na naman at parang ahas ito kung gumiling.

"Idol..... ang galing mo talaga..." sigaw ng isang nandoon.

Dala ng alak na ininom, wala ng pakialam ang dalaga. Naki sabayan na siya sa mga naroroon ang take note siya pa ang nasa gitna.

"Anu kaya ang nangyari doon?" wika ni Erwin.

Nag-uumpukan kasi ang mga tao at parang may kasiyahan sa gitna. Dala ng curiosity pumunta si Erwin doon at nagulat siya sa nakita.

O____O ganyan kalaki ang kanyang mata at halos lumuwa pa ito..

"Shit....." napamura siya.

Humila ng lalaki si Mary Rose at gumiling-giling ito sa harapan mismo ng lalaki. Halos naging tuod na ang kanyang kaharap. Sino ba namang kalahi ni adan ang aayaw kung ganito ka ganda at kalambot ang katawang ng babaeng kaharap niya.

'Grabe ang lambot ng kanyang bewang, hindi ko akalain na ganyan siya kagaling sumayaw...' sa isip ng binata.

Naka nganga na rin ito at napa hanga. Kung siya ang sinayawan nito baka hindi siya maka pagtimpi at nahawakan na niya ang mga bewang nito.

Humila pa ng isang lalaki si Mary Rose at sinayawan niya ito ng dirty dance. Halos naka nganga naman ang lalaki na nakantingin sa kanya at kung walang tao baka nilapa na siya nito.

"Ate uwi na tayo..." pagyayaya ni Maribel.

"Oo nga madam past one am na oh...." segunda naman ni Carla.

"Oky, oky, oky, uuwi na tayo." sagot ng dalaga.

Umuwi na sila at inalalayan siya ng kanyang kapatid hanggang sa maka uwi.

"Ate sure ka na dito ka nalang.." saad ni Maribel sa kanya.

"Oo dito lang ako, matulog kana doon..." sagot rin ni Mary Rose.

Sa sofa natulog ang dalaga, pagkagising nito ang sakit ng kanyang ulo at katawan..

"Araayyy...." wika niya sabay sapo sa kanyang ulo.

Bumagon ito at nagtungo sa banyo upang maligo at para mawala na rin ang kanyang hang-over. Pagkatapos ay bumaba na siya at nadatnan ng dalaga ang kapatid.

"Ate kape....." saad ni Maribel.

"Sige salamat..." wika ng dalaga at inabot ito.

Inimom niya at pagkatapos ay gumawa siya ng banana smoothie para mawala ang hang-over niya.

"Aalis na ako bel ikaw na ang bahala dito..." bilin niya sa kapatid.

"Oky ate ingat ka...." sagot ng kanyang kapatid.

Nakarating siya ng opisina at sinalubong siya ni Carla.

"Good morning madam..." kay lapad ng ngiti na bati ng bakla sa kanya.

"Good morning rin..." turan niya.

Naupo siya sa swivel chair, sumandal at pumikit ito. Naka sunod naman si Carla sa kanya

"Ngayon ko lang nalaman na ang galing mo palang gumiling madam, dinaig mo pa si Shakira sa lambot ng bewang mo..." wika ni Carla sabay tapik sa kanyang balikat.

Kaya dumilat siya at ngumiti sabay harap sa bakla.

"At ang daming papa ang pinaglaway mo kagabi nakakalalaki ka...." dagdag ng bakla at pina lalAki pa ang boses.

"Mula pa kagabi ang pambobola mo sa akin, sige ka at baka maniwala na ako sa iyo niyan..." sagot ng dalaga.

Natawa nalang siya dito at nag simula na silang mag trabaho.

Binalikan ni Erwin ang mga nangyari kagabi at napa ngiti nalng siya dito. Hindi talaga niya akalain na ganun kalambot ang katawan ng dalaga kung sumayaw.

"Ang swerte ng magiging boyfriend niya..." bulong ng binata.

Napailing-iling rin siya dahil habang iniisip niya ang babae kakaibang init ang kanyang naramdaman kaya tumayo siya at nagtungo sa banyo upang maligo at mawala ang nararamdaman.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon