CHAPTER 15

2.8K 63 1
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Nag-ayos muna ng sarili ang dalaga bago siya bumaba. Sinalubong siya ng kasintahan at humalik ito.

"I miss you pink..." bulong ng binata pagkatapos siyang halikan.

"Ikaw talaga blue namimihasa kana ha..." saad ni Mary Rose.

"Hindi naman pink, namiss lang talaga kita.." sagot ng binata at inakbayan siya.

Tinungo nila ang parking area at pumunta ng restaurant. Naroroon na si Ellyn at Paul kasama si baby Jade, si Nice at Vince kasama si baby Precious. Nang makita siya ng dalawang kaibigan nagkatinginan ang mga ito.

"Good evening sa inyong lahat..." wika ng dalaga.

Nagbeso-beso silang magkakaibigan at hinalikan niya rin ang dalawang bata.

"Danda tita....." wika ni Jade.

"Talaga baby?" saad rin ng dalaga.

"Oo..." sagot ni Jade.

Nasa tatlong taon na ang bata kaya nagsasalita na ito. Natawa naman sila sa inasal ng bata.

"Si mama baby hindi ba maganda?" singgit ni Ellyn.

"Danda rin... " sagot ng bata at ngumiti.

Tumayo na si Mary Rose at tinungo ang upuan na para sa kanila. Ipinaghila siya ng binata ng upuan.

"Thank you blue...." saad ni Mary Rose.

Naupo na rin ang binata sa kanyang tabi. At ang dalawa niyang kaibigan ay nanataling naka titig lang sa kanyang kasintahan.

"Ah, blue ito pala si Ellyn at ang asawa niya na si Paul at ang bata na katabi nila si Jade, anak nila. Tapos ito naman si Nice at ang asawa niya si Vince ang baby na karga niya si Precious, anak nila. Guys ito si Erwin boyfriend ko..." turan ng dalaga.

Nagkatinginan ulit ang dalawang babae at ngumiti. May kakaibang tuwa ang mga mata.

"Masaya ako para sa iyo bhest..." nakangiting saad ni Ellyn.

"Oo ng bhest buti at nagka boyfriend kana rin...." wika ni Nice.

"At ikaw lalaki, ingatan mo itong kaibigan namin ha, pag sinaktan mo siya kami ang maniningil sa iyo..." baling nito kay Erwin.

"Oo nga kami ang huhunting sa iyo pag nangyari iyon..." saad ni Ellyn.

"Huwag kayo mag-alala iingatan ko ang kaibigan ninyo at mamahalin ko siya sa abot na makakaya ko... " wika ng binata at hinawakan ang kamay ng dalaga sabay halik.

"Naku mamaya na kayo maglambingan baka langgamin tayo dito...." saad ni Nice.

"Oo nga, ang mabuti pa ang kumain muna tayo....." wika ni Ellyn.

"Oo nga kanina pa kami nagugutom ni pareng Vince eh...." turan naman ni Paul.

"Ikaw talaga babe para kang ginutom...." saad ni Ellyn.

"Kasi ng babe maghahabulan na ang mga bulate ko..." wika ni Paul.

"Oo nga kain na tayo...." saad naman ni Vince.

Nagtawanan ang mga ito at tinawag na ni Mary Rose ang waiter. Masaya silang kumain.

"Ang sarap ng seafoods nila dito honey..." saad ni Vince.

"Oo nga honey....." sagot Nice.

"Ang sarap rin ng steak nila babe..." saad naman ni Ellyn.

"Oo nga babe..." wika naman ni Paul.

"Hmmmm mabuti at nagustohan ninyo dito..." naka ngiting turan ni Mary Rose.

Masaya silang kumakain habang nagkukwentuhan. Maya-maya ay may lumapit na maganda at seksi na babae.

"Erwin.....ikaw nga...." wika ng babae.

At biglang niyakap ng babae ang kanyang kasintahan sabay halik sa labi nito. Natulala si Mary Rose sa nakita.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon