CHAPTER 18

2.6K 57 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Mag-gagabi na nang magpaalam ang dalawa para umuwi muna.

"Erwin uuwi muna kami ha, ikaw muna ang bahala sa kaibigan namin.." wika ni Ellyn.

"Ingatan mo siya ha, at dadaan rin ako ng bahay niya bukas para kumuha ng mga gamit.. " saad rin ni Nice.

"Sige ingat kayo at salamat." tugon ng binata.

Umalis na ang dalawa at sila lang ang naiwan doon. Pumunta na naman siya ng ICU para kamustahin ang kasintahan.

"Pink please gumising kana jan oh...." wika ng binata at hinalikan ang kamay ng dalaga.

Lumipas ang magdamag na siya ang nagbabantay. Kinaumagahan nagising nalang siya sa boses ng umiiyak na babae.

"Ate ko anu ang nangyari sa iyo...." wika ni Maribel habang umiiyak.

Napatingin siya sa babae at kitang-kita ang lungkot sa mga mata nito. Napatingin rin si Maribel sa kanya.

"Wala kang kwenta anung ginawa mo sa ate ko...." bulyaw ni Maribel sa kanya.

Napayuko naman ang binata hindi niya kayang salubungin ang nagngingit-ngit na galit ng kapatid ni Mary Rose.

"Wala kang silbi....." sigaw ulit nito.

Pinatahan naman ni Nice ang dalaga at niyaya muna itong lumabas. Naiwan si Erwin sa loob at napa-iyak na naman ito.

"Pink..... please gumising kana jan oh...." sambit na naman niya.

Sa dalawang araw na dumaan parang unti-unti siyang pinapatay dahil sa matinding sama ng loob na kanyang dala-dala.

"Kung naririnig mo ako pink, imulat mo na ang mga mata mo, sorry na oh...." saad niya.

Lumipas ang mga araw at hindi parin na gigising si Mary Rose. Hindi rin umalis si Erwin sa tabi niya. Gusto kasi ng binata na pagnagising ang kasintahan ay siya agad ang makita.

"Pink mag-iisang linggo na, gumising kana jan..." wika ni Erwin habang pinupunasan ang kamay ng dalaga.

Siya ang nag-aalaga dito, gusto talagang bumawi ng binata. Ipinaalam na rin ni Maribel ang nangyari sa kanyang ate kaya agad lumuwas ang mga magulang nila.

"Me.....Mary Rose.... anak ko..." sambit ng babaeng kakapasok lang.

"Ti.... tita.. Perla.." wika ni Ellyn.

"Diyos ko, anak ko anu ang nangyari sa iyo...." turan ng ginang at umiiyak.

Niyakap nito si Mary Rose na walang malay at naiyak na naman ang mga naroroon.

"Tita ang presyon mo baka tumaas na naman...." wika ni Nice.

Sinisi ng mag-asawa ang binata at naka tikim pa siya sa ama ng dalaga ng suntok pero malaya niya itong tinanggap at hindi siya lumaban.

"Pink please wake up...." bulong ng binata sa dalaga.

Lumipas pa ang buwan pero nanatiling walang malay ang dalaga. Gumaling na rin ang mga sugat nito at salitan na silang magbantay pero si Erwin araw gabi ay doon ito sa tabi ng dalaga.

"Madam gumising kana, namimiss kana namin sa trabaho...." malungkot na turan ni Carla.

Bumisita kasi ito doon, napaka hectic ng sched nito kaya ngayon lang siya naka bisita. Umalis muna sandali si Erwin at nagtungo sa chapel ng ospital.

"Panginoon, gisingin na po ninyo ang babaeng mahal ko, handa po akung tanggapin ang anu mangkabayaran basta po magising lang siya..." naka luhod na usal ng binata.

Lumipas pa ang dalawang buwan hindi parin nagigising ang dalaga. Nangayayat na rin si Erwin dahil sa sobrang puyat at minsan wala pang kain. Humaba na rin ang balbas at bigote nito dahil napabayaan na niya ang sarili. Isang araw....

"Anak....." wika ng isang boses ng babae na nasa likoran niya.

Napalingon si Erwin at nagulat siya sa kanyang nakita. Ang kanyang ina.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon