CHAPTER 21

2.6K 58 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Hindi niya inaasahan ang madadatnan. Nakatayo ito sa labas ng pintuan at halatang naghihintay.

"Anung ginagawa mo dito?" saad ni Erwin.

Natigil sa paglalakad ang ginoo at tumingin ng derecho sa kanya. Hindi muna ito umimik. Naglakad si Erwin hanggang sa makarating ng pintuan.

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong wika ng kanyang ama.

"Anu ang pag-uusapan natin?" anggil ni Erwin.

"Tungkol sa iyo...." saad ng ginoo.

"Look pa, masaya na ako sa buhay ko at kahit anung gawin mo hinding-hindi na ako babalik sa poder mo, kaya kung mabuhay ng mag-isa at napatunayan ko na iyan sa inyo sa loon ng walong taon at huwag ho kayo mag-alala hindi po ako maghahabol ng mana sa inyo...." galit na turan ng binata.

"Anak narito ako para humingi ng tawad hindi para maki pag-away sa iyo. Alam kung mali ang ginawa ko pero iniisip ko lang ang kinabukasan mo. At sana mapatawad mo ako sa kamalian na nagawa ko, anak please bumalik kana..." pagsusumamo ng Lucio sa anak.

"Napatawad na kita pa matagal na pero ang bumalik sa atin, hindi pa siguro ito ang panahon..." sagot ng binata.

"Maghihintay ako anak at anu mang-oras na gusto mung bumalik sa atin nakabukas ang lahat ng pintuan ng mansyon para sa iyo." saad ng ginoo at umalis na ito.

Narinig ni Mary Rose ang lahat at naguguluhan ito.Maaga kasi siyang umuwi dahil masama ang pakiramdam niya. Umalis rin siya agad para hindi maabotan ng binata sa pintuan. Pumasok na si Erwin tlat napasandal siya sa pintuan.

'Salamat pa, salamat.....' laman ng isipan niya.

Naluluha ito sa saya dahil kahit ganun ang nangyari sa kanila ng babaeng mahal niya may mga magaganda rin itong kapalit.

"Makapagluto na nga lang..." bulong ng binata.

Nagtungo ito sa kusina at nagsimulang magluto. Naka idlip naman ang dalaga. Nagluto siya ng chicken curry na paborito ng dalaga.

"Sana magustohan mo ito pink..." usal niya habang naghahalo.

Handa siyang pagsilbihan ang dalaga kahit bumalik pa ang alaala nito. Handa rin siyang harapin ang ipaparusa ng babae.

"Hmmm ang bango...." naka pikit na usal ng dalaga.

Dumilat ito at suminghot ulit. Napangiti siya at nakaramdam rin ng gutom kaya bumangon ito at nag-ayos. Patapos na ring magluto si Erwin.

"Ang paborito ko...." naka ngiting saad ng dalaga at mabilis na tinungo ang kusina.

"Pink....." usal ni Erwin nang makita ang dalaga.

"Parang ang sarap niyan ah...." kay lapad ng ngiti na wika ni Mary Rose.

"Maupo ka muna jan pink at malapit na itong matapos." sagot ng binata.

Imbis na umupo ay nag-ayos ng mesa ang dalaga kaya nagsandok na rin ang lalaki at sabay silang kumain.

"Ang sarap...." usal ng dalaga habang panay ang subo.

"Kain lang marami pa iyan doon..." naka ngiting wika ni Erwin.

Tinitingnan niya lang ang dalaga habang maganang kumakain. Parang nabusog na siya dahil dito.

"Ikaw ayaw mo bang kumain..." wika ng dalaga.

Napansin niya kasi na nakatitig lang ito sa kanya. At naaasiwa siya sa ganun.

"Ah.....ha, kakain na rin..." tugon ng binata.

Kumain na rin si Erwin, nang makatapos sila ay siya ang nagligpit.

"Pink magpahinga kana sa ako na ang bahala dito..." utos ng binata.

"Sure ka?" tugon ni Mary Rose.

Tumango nalang si Erwin bilang pag sang-ayon. Naghugas siya ng mga plato at pagkatapos ay nagshower para maka pagpahinga na rin.

'Pink sana pagbumalik ang alaala mo huwag mo akung kamumuhian, ikaw ang mahal ko at hindi si Erica.' laman ng isip ng binata.

Lumipas ang mga linggo at nagpasya si Erwin na umuwi sa Mindanao. Nais niyang isama ang dalaga sa pag-uwi niya para makilala ng pamilya nito.

"Ahmmm pink gusto ko sana umuwi..." wika ng binata.

"Sige kung iyan ang gusto mo oky lang..." sagot ng dalaga.

"Ahmmm gusto ko sana kasama ka sa pag-uwi ko..." wika ng binata.

Napatitig si Mary Rose sa kanya tila nanunuri ang tingin nito.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon