CHAPTER 6

3.3K 69 2
                                    

BECAUSE OF YOU

(BOOK 3: REALITY'S DESIRE)

Written by: Sexy Lady

Makikita ang katuwaan sa mukha ni Maribel, ito ang unang pagkakataon na magkasama silang dalawa na mamasyal. Matagal na rin nung huli silang magkita at halos dalaga na ang kapatid niya.

"Bel, ito oh..." wika ni Mary Rose sabay taas ng isang sapatos na 3" ang heels at kulay itim..

"Wow ang ganda naman niyang ate, pwedeng maisukat?" tanung ng dalaga.

"Sige isukat mo at bibilhin ko para sa iyo.." turan niya sa kapatid.

Kumislap ang mga mata ni Maribel bakas ang tuwa dito at maging ang dalaga ay natuwa rin sa nakita.

"Ito ate oh..." saad ni Maribel at tumayo sabay lakad-lakad.

"Tama lang ang fit sayo Bel, akin na at babayaran natin...." saad ni Mary Rose.

Binitbit nila ito at tinungo ang counter at binayaran, pagkatapos ay nag ikot pa silang magkapatid at namili.

"Ate, kain na tayo guto na ako...." reklamo ng kapatid niya.

Tumingin siya sa suot na relos, pasado ala una na, kaya pala pati siya ay nakaramdam na rin ng gutom..

"Sige, tara na sa food court..." wika ng dalaga.

Sumunod naman ang kanyang kapatid at naghanap sila ng pwedeng makainan doon.

"Order ka ng gusto mo at ako magbabayad..." utos ng babae sa kapatid at nag order na rin siya.

Kanin, chopsuey, grilled chicken at halo-halo. Iyan lang ang inorder ni Mary Rose.

Samantalang si Maribel naman ay kanin, beef ampalaya, grilled baby back ribs, at buko pandan.

"Sa wakas ito na ang order natin..." mahinang wika ni Maribel ng makita ang waiter.

Napangiti nalang siya sa tinuran ng kapatid, para parin itong bata. Kinuha niya ang kanyang telepono para e check ito.

3miscalls, 5 messages at 2 notifications

Abala siya sa pag tingin ng kanyang telepono ng ilapag ng waiter ang kanilang pagkain.

"Ate, kain na tayo..." wika ni Maribel sa kanya.

"Sige...." tugon niya.

Binaba ng dalaga ang kanyang telepono at kumain na ito.

"Ate, ang pogi na waiter kanina..." kinikilig na wika ni Maribel.

Napatigil naman sa pag subo ang babae dahil sa naging reaksyon ng kapatid.

"Ay! sorry ate pero nagsasabi lang ako ng totoo ang pogi talaga.." mahinang wika ng kapatid at napa yuko.

"Wala iyon, sige kain ka na..." saad ng dalaga at ngumiti.

Tahimik nalang silang kumain hanggang sa makatapos.

"Waiter, bill please...." turan niya.

Kinuha ni Mary Rose ang walet na nasa loob ng bag upang kunin ang pitaka.

"Here is your bill madam..." wika ng lalaking waiter na nasa likod niya.

Tiningnan muna niya ang bill at kumuha ng pera sa kanyang wallet.

"Keep the change...." wika niya sabay abot ng cash.

Pero natigilan ang dalaga at nagulat sa kaharap niya. Tila namalik-mata ito kaya kumisap siya.

"Ikaw...."

"Ikaw...." Halos sabay na sambit nilang dalawa.

"Anung ginagawa mo dito?" wika ng dalaga.

"Nagseserve kita mo naman diba." sagot ng lalaki.

Nagsalubong ang kilay ni Mary Rose sa sagot ng binata. Napa ngiti naman si Erwin sa nakita.

"Anu ang nakakatawa?" asik ng dalaga.

Naguguluha naman si Maribel at napatingin sa kanilang dalawa.

"Ate, magkakilala kayo?" nagtatakang tanung ng kanyang kapatid.

"Hindi.." Mary Rose.

"Oo..." Erwin.

Sabay nilang sagot, kaya nag salubong ang kilay ni Maribel at lalong mas naguluhan.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon