Chapter 16

148K 4.1K 272
                                    

Jennifer

Malapit na mag-start ang first class, napatingin ako sa may pinto nang may biglang dumating.  Ang akala ko ay si Miss Dizon na pero hindi pala.  Napakunot naman ang noo ko nang makita 'yong babaeng paparating at pagkatapos ay lumapit pa sa akin.

"Miss Genius?"  Tawag niya sa akin sa mataray na tono.

"Yes?"  Kabado ko namang sinabi.

"Do you know me?"  Tanong niya. 

"Oo."  Sagot ko.  Siyempre naman kilala ko kung sino siya.  Siya si Faith Calderon na Ate ni Freedom Calderon.  Sino ba dito sa academy ang hindi nakakakilala sa kanya?  Maganda, sexy, mayaman at matalino.  Sa katunayan ay candidate daw siya for valedictorian.

Nakabalik na pala siya.  Ayon kasi sa usap-usapan ay nagbakasyon siya sa Madrid Spain to mend her broken heart gawa ng break up nila ni Dustin Villaverde.  Yes, ex siya ng boyfriend ko.

"Magkita tayo sa rooftop pag-recess.  May sasabihin ako sa'yo."  Aniya at pagkatapos ay umalis na. 

---

Gaya nang gustong mangyari ni Faith ay pumunta nga ako sa rooftop during recess.  Kinakabahan man pero wala naman akong choice.  Hindi ko naman siya puwedeng hindi siputin.  Habang naghihintay sa pagdating niya ay napaisip naman ako kung ano kaya ang gusto niyang sabihin sa akin.

"Jennifer Asuncion.  A.K.A Miss Genius..."  Bungad ni Faith pagkarating.  Hinarap ko naman siya para pakinggan ang kanyang sasabihin.  "Ang 30th girlfriend ni Dustin Villaverde.  Am I right?"

Pagtango lang ang naging sagot ko sa kanya.

"Nong umaga nong first day ng klase pinagtripan ka ng grupo ni Dustin.  Pagdating ng tanghali hinalikan ka niya.  And then he asked you to be his girlfriend.  Kinabukasan sinagot mo siya.  At ngayon two months na kayong dalawa."  Sabi niya habang palaladlakad sa harap ko.  "I also learned na bestfriend mo daw si Dustin Melendez na boyfriend ni Ashley.  Tama ba?"
 
Tumango na lang uli ako at hindi na nagtaka.  Nalaman niya 'yon dahil tiyak na marami siyang source at isa na doon ang kapatid niyang si Freedom.

  Nalaman niya 'yon dahil tiyak na marami siyang source at isa na doon ang kapatid niyang si Freedom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"'Yon na ba ang sasabihin mo sa akin kaya mo ako pinapunta dito?"  Sabi ko.

"Oh I'm sorry.  Okay then I'll go straight to the point.  I want you to listen to me very carefully.  Dahil I will only say it once.  Got it?"

"Naiintindihan ko.  Ano ba 'yon?"

"Hindi ka niligawan ni Dustin dahil gusto ka niya.  He's just using you.  So kung ayaw mong masaktan, just break up with him."

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon