Chapter 47

133K 3.9K 296
                                    

Jennifer

Simula uli ng panibagong araw.  Pagdating namin ni bestfriend dito sa school ay binati agad kami ni Dustin Villaverde na nakasalubong namin sa campus.

"Good morning."  Energetic na sinabi ni Dustin.  "Hindi papasok 'yong tatlo at si Ash at mga pagod daw sila." 

"Ako nga rin eh, medyo pagod pa.  Pero ayoko namang mag-absent." 'Yan si bes, masipag mag-aral.

"Ikaw Jen hindi ka napagod?" Tanong ni Dustin Villaverde.

"Ha?"  Hindi ko mapigilang magulat sa tanong niya.

"Ang sabi ko hindi ka ba napagod?"  Ulit niya.

"Ah, hindi naman."  Sagot ko at ngumiti naman siya.  Pero sumimangot ulit nong biglang dumating si AJ.

"Hi Jen!"  Bati ni AJ na biglang umakbay sa aming dalawa ni bestfriend.  "Nagpunta pala kayong Palawan, hindi man lang kayo nagyaya."

"Hoy bukas zipper mo."  Usal bigla ni Dustin V dahilan upang agad na i-check ni AJ zipper ng pantalon nito.

"Hindi naman bukas ah."  Ani AJ na napakamot na lang ng ulo.

---

Classroom...

"Jen, balita ko na-stranded kayo sa isang island ng ex mo ah.  Magkuwento ka naman anong ginawa niyo?"  Excited na tanong ni Mia pagdating ko.

"Bakit niyo alam?"

"Sabi ni Ashley!"  Ani Mia saka ipinakita sa akin ang facebook post ni Ashley sa kanyang phone.

JSG from Palawan. Yehey!!!  Bati na si bes at Jen.  Kung hindi pa sila na-stranded sa isang isla, hindi pa sila magbabati. Hehe, wish ko magkabalikan sila. Haha!

May mga negative comments doon post ni Ashley na nagpainit ng ulo ko.

Sana may dislike dito para ma-dislike ko ang status mo Ash

Sana ‘di matupad wish mo, Ash

Ash, naman ‘di mo ba love ang bes mo? Don’t push him to that nerd.

Grabe sila!  Pero kung sa bagay, normal lang naman ang mga ganoong mga reaksyon eh. May bago ba?

---

Lunch break...

Natanaw ko ang magka-tukayong Dustin na sabay kumakain ng lunch.  Tinawag ako ni bestfriend para sa kanila na raw ako sumabay at pumayag naman ako.  Maya-maya pa ay si AJ naman ang lumapit kaya apat na kaming nandito ngayon sa iisang table.

"At bakit ka nandito?"  Tanong ni Dustin Villaverde kay AJ.

"Bakit ako nandito? Mag-aaral ako ako kaya 'ko nandito at may dalang pagkain. Pag-aaralan ko 'tong pakain na dala ko."  Pilosoping sagot ni AJ dahilan upang matawa ako at mahampas ko siya sa balikat.  Ugali ko na kasing manghampas ng katabi kapag natatawa 'ko eh.  "Patawa rin 'tong ex mo Jen eh 'no? Nagtatanong pa kung bakit daw ako nandito."

"It's Dustin."  Maangas na wika ni Dustin na ex ko.  "Umayos-ayos ka kung ayaw mong mapatalsik dito."

"Tss!" Pag-ismid lang ni AJ. "By the way Jen mag-date naman tayo oh."

Pagkasabi no'n ni AJ ay bigla na lang nabilaukan ang  dalawang Dustin.

"Bes, okay lang di ba, na i-date ko si Jen?"  Tanong pa ni AJ sa bestfriend ko.

"Oo naman."

"Yes!  Paano ba 'yan Jen payag na si bes. Sa Linggo susunduin kita sa inyo ah date tayo."  Halata ang saya sa mukha ni AJ habang sinasabi 'yon.  Ayoko namang sirain ang kasiyahan niya kaya pumayag na rin ako sa gusto niyang mangyari.  Wala naman sigurong masama kung mag-date kami, pareho naman kaming available eh.

Walang anu-ano'y bigla kaming nagkatinginan ni ex Dustin.  Bakit ang sama niyang makatingin?

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon