Jennifer
"Jen, anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa niyan?" Sabi ng bestfriend ko pagkabalik niya. Hindi naman ako nakasagot at sa halip ay humagulgol na lang ng malakas. "Tahan na, Jen. Heto may dala ‘kong towel. Itakip mo ‘to sa ulo mo.”
Nagalit siya nang husto at gusto na niyang sugurin si Faith pero pinigilan ko siya para hindi na magkagulo. Dumiretso kami sa isang salon upang ipaayos ang buhok kong binaboy nina Faith at dahil wala na ang mahaba kong buhok ay hindi na ito puwedeng itirintas o ipusod man lang. Pagkagaling ng salon ay dinala naman ako ni Dustin sa isang mall.
"Ito, Jen, isuot mo, bagay 'to sa'yo." Sabi niya at pagkatapos ay isinuot sa ulo ko ang isang headband na may design ng favorite kong si Hello Kitty.
"Pero wala akong dalang pera."
"Huwag kang mag-alala, ako magbabayad. Kaya kumuha ka pa ng mga ipit dito o kaya iba't ibang design ng head band." Sobrang bait talaga ng bestfried kong ito. Kaya naman love na love ko siya.
Speaking of love, kanina pala ay nag-confess ako ng love sa kanya. Ano kayang naramdaman niya sa pagtatapat ko?
---
Nakakapanghina ng loob ang nangyari kahapon pero dahil sa pag-alalay ni bestfriend ay nakaya ko ang lahat. Buong tapang akong pumasok kinabukasan suot ang Hello Kitty headband na bigay niya sa'kin. Kung inaakala ng mga bully na 'yon na mapapabagsak nila si Miss Genius ay nagkakamali sila.
"Naku Jen, sayang ang hair mo." Bungad ni Ashley nang magkasalubong kami sa campus. Kasama niya ang bestfriend na si Dustin Villaverde at kasama ko naman ang bestfriend kong si Dustin Melendez.
"Oo nga eh, pero okay lang." Ngiti ko sa kanya.
"Ang cute naman ng headband mong hello kitty." Puna niya sa headband ko.
"Maganda ba Babe? Ako mismo ang pumili niyan. Bagay sa kanya di ba?" Sabi ng aking bestfriend.
"Yeah, bagay." Sagot ni Ashley saka bumaling sa bestfriend niya. "Right bes?"
"Yeah, sinabi mo, eh." Sagot ni Dustin Villaverde na ang aga pa pero nakabusangot na. Siguro ay hindi naging maganda ang gising niya.
---
Classroom...
"Buti Jen bumagay sa'yo ang bago mong buhok." Bungad ni Mia pagdating ko.
"Ang cute ng headband mo, patingin nga." Excited na sinabi ni Rose sabay hablot ng headband ko. "Oops, sorry Jen." Aniya dahil hindi sinasadyang nabali niya 'yon.
"Okay lang." Tugon ko sa kanya. Maya-maya ay dumating na si AJ.
"Jen okay ka lang? Grabe 'yong Ate ni Freedom 'no, ang sama ng ugali."
"Ano AJ?" Pagtataka ko.
"Di ba 'yong Ate ni Freedom ang gumupit ng buhok mo?"
"Paano mo nalaman?"
"Naka-post na kaya ang video no'n sa Facebook." Sabat ni Mia.
"Oo, kuha ng CCTV." Si Rose naman iyon.
Nagtanong ako kung sino ang nag-upload pero wala sa kanila ang nakakaalam. Dummy account daw ang uploader.
"Ano pang nakita n’yo roon?” Sunod kong tanong sa kanila. Inaalala ko kung nakita ba sa video ang pagyakap sa akin ni best friend.
“Anong ano pa? Bakit, Jen, meron pa bang iba na dapat mapanood doon?” Tanong ni Mia. Base sa kanilang mga reaksyon ay mukhang wala silang iba pang nakita sa video kundi ang pagkalbo sa akin ni Faith.
BINABASA MO ANG
When Miss Genius Gone Mad
Teen FictionPUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!