Ashley
"Good morning." Bati sa akin ni Babe nang magkasalubong kami dito sa school grounds. Kasama niya ang bestfriend na si Jen at kasama ko naman ang bestfriend kong si Dustin.
"Sige ah pasok na 'ko." Ani Jen saka siya lumakad palayo sa amin.
"Dustin hindi pa rin kayo bati ni Jen?" I asked my bestfriend.
"Hindi." He answered.
"Kinausap ko na si Jen na kalimutan na ang nangyari." May boyfriend said. "Pero huwag kang mag-alala kakausapin ko ulit siya."
Nalulungkot ako sa sinapit ng relationship nina Dustin at Jen. Ano kaya ang magandang gawin para mapag-bati 'yong dalawa?
---
Finally nakaisip din ako ng paraan upang mapaglasundo ko sina Dustin at Jen. Smart kasi ako eh!
"Di ba may long weekend tayo? Let's go to Palawan." Sabi ko kay Babe habang nandito kami sa library kung saan bitbit ko ang aking laptop. "Naghahanap ako ng magandang beach na pwede nating puntahan. Doon sa Palawan, may isang buong isla na pwedeng i-rent."
"Sige masaya 'yan." Excited na sinabi ni Dustin.
"Guys nakapunta na kayong Palawan?" Tanong ni Elisa sa kanyang BFF na Eunice at Maureen na nakaupo lang malapit sa amin. Bakit kaya kung nasaan kami ni Babe ay naroon din silang tatlo? What a co-incidence.
"Hindi pa." Sagot ni Maureen.
"Ako rin hindi pa." Sambit ni Elisa. "Ang ganda siguro doon 'no? Pwede ka raw mag-rent ng isang buong isla. Punta tayo, may long week end naman di ba?"
"Gusto niyo pumunta sa Palawan? Sabay na kayo sa amin." Sabat ko sa usapan nina Elisa. "Isasama din namin 'yong apat at si Jen."
"Apat? As in, sina Kyle?" Si Elisa.
"Yeah."
"Huwag na silang isama. Tayo-tayo na lang." Sabi pa niya.
"Pero the more the merrier di ba?" Giit ko naman.
"Ha? Ah... Eh... Oo nga, sige, isama natin sila hehe!" Bakit kaya naka-ngiwi si Elisa? Siguro ay sobrang saya niya dahil makakasama namin sina Kyle. Haha!
---
Biyernes nang hapon nong magkita-kita kaming sampu dito sa airport para sa aming Palawan week end getaway.
"HI DUSTIN!" Sabay-sabay na pag-greet nina Elisa, Maureen at Eunice kay Babe.
"Hi!" Bati pabalik ng aking boyfriend.
"You know what Dustin, parang ang dami mong bitbit." Biglang inagaw ni Elisa ang maliit na bag hawak ni Babe. "Akin na 'yan, ako na ang magdadala."
"Ako na rin magdala niyang tumbler mo." Sabi naman ni Eunice sabay kuha nong malaking tumbler sa kamay ni Dustin.
"Dustin ako na magdala niyang camera mo." Sapilitang kinuha ni Mauteen ang camera na naka-kuwitas sa leeg ni Dustin.
"Ang bait niyo naman girls." Ngiti ko sa kanila. "You know what, ang cute natin 'no? Five girls at five boys tayo. Partner-partner..." Dagdag ko pero wala ni isa man sa kanila ang nag-react. "Anyway, so ano guys ready na kayo? Let's go!"
Jennifer
7pm nang makarating kami sa exclusive island na ni-rent ni Ashley. Imagine, kaming sampu lang ang nasa islang ito. Tiyak na mahal ang bayad dito. Iba na talaga ang mayaman.
May isang bahay dito sa isla na mayroong limang kuwarto. Kompleto rin ito sa mga gamit at puno ng pagkain ang ref.
Dahil pagod sa biyahe ay maaga kaming lahat na natulog at bukas na lang kami mag-tatampisaw sa beach.
Excited na 'kong isuot ang bagong swimsuit na binili ko. Alam ko kasi na sexy ang mga babaeng kasama ko kaya siyempre, hindi ako dapat magpatalo.
Nagising ako ng alas siyete ng umaga at nagtaka ako nang hindi ko makita si Ashley dito sa aming kuwarto. Lumabas ako para hanapin siya pero hindi ko siya makita at pati na rin ang iba pa naming mga kasama. Nasaan na silang lahat? Kahit ang mga gamit nila ay hindi ko makita. Naupo ako sa may sofa at bigla kong nakita ang isang kapirasong papel na nakapatong sa center table. Kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat doon.
Dear Dustin and Jen,
Huwag n’yo na kaming hanapin dahil umalis na kami to go to another island. Babalikan na lang namin kayo diyan. Dapat pagbalik namin ay bati na kayo. Bye! Enjoy this whole island!
Ashley
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Ibig sabihin ba nito ay stranded ako sa islang ‘to na ang tanging kasama ay ang ex boyfriend kong masama ang ugali? Paano naman kaya ako mag-eenjoy niyan?
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.
GRAB YOUR COPY NOW!
BINABASA MO ANG
When Miss Genius Gone Mad
Teen FictionPUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!