Chapter 56

119K 3.2K 201
                                    

Jennifer

Isang panibagong araw na naman dito sa East Pearl Academy at halos magwala ako nang bigla kong makasalubong si Freedom dito sa hallyway.

"Freedom huwag kang lalapit sakin. Subukan mo 'kong halikan ulit sasapakin kita!" Bungad ko na kanya namang ikinagulat.

"Pwede ba Jen, huwag kang assuming diyan. Feeling mo naman pinagnanasaan kita."

"Anong sabi mo?"

"I can't believe you've become a nagger. Dati-rati ang tahi-tahimik mo pero ngayon... Anyway, ginawa ko 'yon dahil utos ng Ate ko. Ang gusto niya kasi pagmukhain kang easy to get na babae. She did that para sirain ka sa ex niya na ex mo rin. Alam mo na, selos siya sa'yo eh."

"Adik pala yang ate mo eh. Bakit siya magseselos eh, break na kami ni Dustin? At isa pa wala 'yong gusto sa'kin dahil sa iba siya may gusto at alam rin 'yan ng Ate mo."

"Walang gusto si Dustin sa'yo? Meron kaya."

"Wala."

"Napailing siya. "Jen hindi ko akalaing mahina pala ang utak mo pagdating sa ganyang mga bagay. Sa wakas nahigitan ko rin ang utak mo."

"Anong nahigitan mo ang utak ko? Sa anong subject ha?!"

"Ewan ko sa'yo, ng tanga mo."

"Sinong tanga?"

"Anong nangyayari diyan?" Biglang pagsulpot ni Dustin Villaverde.

"Ah, wala 'to Dustin. Sinasabihan ko lang si Jen na mag-ingat, kasi galit na galit sa kanya 'yong kapatid ko." Sagot agad ni Freedom.

"Dustin, in-love ka na ba sa'kin?" Tanong ko nang magkaalaman na. Pero hindi niya nagawang sumagot dahil tumunog ang cellphone ko. Nag-text si Ashley at gusto niya akong pumunta sa likod ng school. Bakit kaya? "Sorry Dustin, kalimutan mo na lang 'yong sinabi ko." Sabi ko na lang at umalis na.

---

Nakakapagtakang si Faith at hindi si Ashley ang naabutan ko rito. May kasama siyang dalawang babae na kung hindi ako nagkakamali ay sina Stella and Tanya.

Nilapitan ako nina Tanya at Stella pagkatapos ay hinawakan nila 'ko sa magkabila kong braso. Isa sa kanila ang sumipa sa likod ng tuhod ko kaya napaluhod ako. Problema ng mga 'to?

"Ano ba bitawan niyo nga ako!" Sabi ko habang pilit kumakawala. "Ano bang problema niyo ha? Mamaya darating si Ashley, akala niyo ah."

"Ah 'yon ba? Actually, ako talaga ang nag-text sa'yo para papuntahin ka rito. Hiniram ko lang 'yong phone ni Ash." Ani ni Faith habang hawak ang isang malaking guntin. Ngayon alam ko na kung bakit walang Ashley na dumarating dito. "anda nitong buhok mo ah, ang shiny at sobrang straight."

Kinabahan ako, mukhang alam ko na kung para saan ang gunting na hawak niya. Kakalbuhin niya 'ko!

At ginawa na nga ni Faith ang kinatatakutan ko. Sumigaw ako para humingi ng saklolo pero wala namang makarinig sa akin. Umiyak na ako at nagmakaawa pero hindi pa rin niya tinantanan ang paggupit sa buhok ko.

"'Yan ang bagay sa'yong malandi ka. Siguradong lalayuan ka na ni Dustin dahil kalbo ka na." Wika pa ni Faith. Ilang sandali pa ay tumigil na rin siya sa ginagawa niya at pagkarapos ay umalis na silang tatlo na parang walang nangyari.

Sa puntong ito ay wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa at nag-text ako sa aking bestfriend na si Dustin. May tatlo pa 'kong subject pero gusto ko nang umuwi at magpapasama ako sa kanya. Sa ganitong mga pagkakataon ay alam kong maaasahan ko siya. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong may tao sa likod ko at humawak ito sa aking balikat. Nais ko na siyang harapin pero nahihiya ako, sa halip ay humakbang palayo.

"Huwag mo 'kong tingnan. Ang pangit ko." Naguguluhan kong sinabi. Hanggang sa madama kong niyakap niya 'ko mula sa likod.

"Kahit ano pa ang hitsura mo mahal pa rin kita." Mahinang sambit niya na lalong nagpaiyak sa akin. Alam ko kasi na ang pagmamahal na iyon ay pagmamahal lang ng isang kaibigan.

"Salamat, ha. Mahal din kita, Dustin... Mahal kita ng higit pa sa kaibigan... Ng higit pa sa bestfriend." Dala ng halo-halong emosyon ay biglaan na tuloy akong nakapagtapat sa kanya. "Sorry, ah. Alam ko naman na may girlfriend ka na at si Ashley talaga ang mahal mo. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Please, Dustin, sana huwag magbago ang pagtrato mo sa 'kin pagkatapos nito. Gusto ko nang umuwi, puwede mo ba 'kong ihatid?"

Nagdesisyon na kong humarap pero wala na pala ang kausap ko. Saan na siya nagpunta? Bigla kong naramdaman ang pagsisisi sa ginawa ko. Sana hindi na lang ako nagtapat. Ano na ang mangyayari pagkatapos nito?

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon