Chapter 4

202K 5.7K 479
                                    

Jennifer

Namamalik-mata na ako o talagang ang lahat ng mga schoolmates kong babae ay naka-tirintas ang buhok at may suot na eye glasses?  Anong trip nila?

"Jen, sana huwag kang magalit na ginagaya namin ang porma mo ha. Idol ka kasi namin kaya ka namin ginagaya."  Bungad ni Mia pagpasok ko ng classroom.  Ang cute niya tingnan sa suot na eye glasses.

"Oo nga Jen."  Si Rose naman iyon na isa rin sa mga classmates ko.  Bagay pala sa kanya ang braids.  "Nagbabakasakali lang na baka suwertihin din kami tulad mo."

Suwerte? Ako? Tinutukoy ba nila 'yong nangyari kahapon sa canteen?  Nong hinalikan ako ni Dustin at dahil doon ay masuwerte na 'ko?  Seryoso ba sila?

"Miss Genius!"  Sigaw nang isang lalaki sa may pinto.  Si Dustin Villaverde na naman? Ano na naman ang kailangan niya sa akin? "Anak nang, 'yong original na Miss Genius, nasaan?"

Halatang iritado siya.  Kung sa bagay, naglimpana kasi ngayon ang fake Miss Genius eh.  At dahil ako ang original na Miss Genius ay ako ang itinuro ng mga ka-klase ko.

Lumapit sa akin si Dustin at bigla niya akong hinila palabas ng classroom para dalhin sa rooftop.  Bakit dito kami sa rooftop nagpunta at bakit ang sama niya kung makatingin.

"Hindi mo ako pwedeng basteden. Kundi lagot ka." Sabi niya habang galit na nakatingin sa mga mata ko.  Mabait naman ako pero bakit ito nangyayari sa'kin?  Hindi ganito ang panliligaw na pinapangarap kong maranasan.  At ang pinaka-masaklap sa lahat ay late na 'ko sa klase.  Si Ms. Dizon pa naman ang teacher namin sa first period at kapag late ka ay ipapahiya ka niya.

"Dustin sigurado ka ba talaga na ako ang gusto mong maging girlfriend?  Hindi ako maganda. Hindi ako sexy. Wala nga akong dibdib eh.  Kaya mapapahiya ka lang sa'kin."  May mga panahong talagang dapat magsabi ng totoo kahit na masakit itong pakinggan.

"Mahal kita."  Seryosong sabi niya.  Bakit hindi ako na inform na magaling palang actor ang lalaking ito. Sa sobrang galing niyang umarte ay puwede na siyang mag-artista. Akala naman niya maniniwala ako.

"Dustin, natutuwa akong malaman na mahal mo 'ko. Na sa dinami-dami ng babae, ay ako pa ang napili mong mahalin..."  Seryoso ko ring sabi para sabayan ang acting niya.  "Kaya lang, pasensya ka na. Hindi naman sa ayaw ko sa'yo. Sa ngayon kasi, wala pa sa isip ko ang ganyang mga bagay. Gusto ko munang magtapos sa pag-aaral bago mag-boyfriend. Sana—"

"Tumigil ka.  Hindi bagay sa'yo.  Huwag mo 'kong daanin sa pa-emote emote mo Miss Genius. Sinasabi ko sa'yo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag binasted mo 'ko. Baka hindi mo alam, wala pang babaeng namba-basted sa'kin."

"Pero, magagalit ang Papa ko kapag nag-boyfriend ako. Nakakatakot pa naman 'yon magalit. Patitigilin ako sa pag-aaral kapag sinuway ko siya."  Echos ko lang 'yon dahil wala namang sinabing gano'n si Papa.

"Eh di ilihim mo sa Papa mo na may boyfriend ka."
"Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Kaya sorry talaga Dustin."

"So babasteden mo 'ko mamaya? Gano'n ba Miss Genius?"  Tanong niya at tumango ako bilang sagot.  "O sige basteden mo 'ko. Kapag binasted mo 'ko ipagkakalat ko ang lihim mo... Ipagkakalat ko, na in-love ka sa bestfriend mong si Dustin Melendez."

Hala! Paano niya nalaman?

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon