Chapter 7

156K 4.7K 132
                                    

Jennifer

"Puwede ba, huwag mo na nga akong tatawaging Beh!  Isa pa ha.  Isang isa na lang.  Marinig ko pa 'yang beh na 'yan ibi-break kita.  Hindi lang 'yon, ipapa-expel pa kita."  Sermon sa akin ni Dustin pagkatapos niya akong kaladkarin palabas ng basketball gym. 

Bakit ba galit na galit siya na tinatawag ko siyang Beh?  Boyfriend ko naman siya ah.  Pero dahil ayokong ma-expel ay susundin ko na lang 'yong sinabi niya.  Kung 'yong break up lang ang panakot niya hindi ako matatakot.  Mas gusto ko pa nga 'yon eh.

Tumalikod na 'ko para umalis pero bigla akong nabangga nong isang tumatakbong estudyante at sa lakas ng impact ay tumilapon tuloy ang salamin ko.  Nag-sorry din naman 'yong nakabanggaan ko at umalis na.  Dinampot ko naman agad 'yong salamin ko.  Mabuti at hindi nasira.

"Mukhang bago na 'yang salamin mo."  Tanong ni Dustin.

"Oo, regalo 'to sa'kin ng bestfriend ko." Sagot ko naman.  Maya-maya pa ay bigla na naman niyang hinila ang kamay ko at hinila ako hanggang sa makarating kami sa isang optical shop dito sa loob ng mall.  Ibibili daw niya ako ng salamin na kapalit nong nasira niya.  Tumanggi ako at sinabi kong hindi na kailangan dahil binigyan naman ako ni bestfriend ng bagong salamin.

"Your not wearing that glasses anymore."  'Yon ang sinabi niya at wala na naman akong nagawa kundi ang sumunod.  Iniwan niya muna ako dito sa shop at maglilibot daw siya.  After thirty minutes at bumalik na din siya. 

"Are you done?"  Tanong niya na parang boss.  Tumango naman ako dahil tapos na ako makapili ng bagong salamin na isinuot ko na din agad.  'Yong salamin namang bigay ni bestfriend ay itinago ko na sa bag ko.  "Good, tara na sa salon."

Nagulat ako.  "Anong gagawin natin sa salon?"

"Makeover."

"Ha?"

"Rule number three."  Ayan na naman siya sa mga rules na 'yan.  "Girlfriend kita kaya dapat lang na maganda ka."

"Ayokong magpa-make over."  Protesta ko.

"Anong ayaw—"

"Rule number one."  Hirit ko.  Bakit, siya lang ba ang marunong magsabi ng rule?  "Huwag mong pakialaman ang hitsura ko.  Dustin, ito ako.  Kung hindi mo kayang tanggapin na ganito ako.  Wala na akong magagawa do'n.  Sinabi ko na naman kasi sa'yo na mapapahiya ka lang sa'kin eh.  Pero tinuloy mo pa rin ang panliligaw.  Kung talagang love mo 'ko, tatanggapin mo kung anong itsura ko."

"Tama!"  Pag-agree ni ateng customer.

Hindi agad nakasagot si Dustin pero bandang huli at sumuko din siya.  "Fine, bahala ka."

Pagkatapos no'n ay bumalik na rin kami sa kotse kung saan hinihintay kami ng driver niyang si Kuya Charles.

"Saan ka nakatira?"  Tanong ni Dustin pagkasakay namin.

"Sa Elena Subdivision."  Sagot ko at inutusan na niya ang driver na magmaneho.

Naku lagot!  Wala palang dapat makaalam kung saan ako nakatira? Paano na 'to?

"Nice house."  Ani Dustin habang tanaw ang Melendez mansion mula sa bintana ng kotse.  "By the way, anong trabaho ng parents mo?"

"A-ano kasi..."  Hindi naman sa ikinakahiya ko ang trabaho ng parents ko pero, ewan ko ba.  "Sige baba na 'ko.  Salamat sa paghatid, bye."

Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na si Dustin.  Safe pa rin ang lihim ko at mabuti na lang din ay hindi nagsasalita si Ashley.

---

"'Yan ba ang salamin na regalo ko sa'yo?"  Kunot ang noong tanong ni bestfriend Dustin.  "Parang iba yata 'yan."

"Bigay niya 'to."

"Ng boyfriend mo?"  Tanong niya at tumango naman ako.  "So, 'yong bigay niya ang gagamitin mo?"

"Pag nasa school lang, pero pag dito sa bahay ay 'yong sa'yo ang gagamitin ko."  Sabi ko at pagkatapos ay sumakay na kami ng kotse.

"Tito Raul, alam niyo po bang may boyfriend na itong si Jen."  Sabi ni Dustin kay Papa.

"Oo, nasabi nga niya kagabi."

"Huwag po kayong mag-alala Tito, ako hing bahala dito sa anak niyo.  Babantayan ko siya palagi, bestfriend ko yata 'to."

Tama, bestfriend lang ako.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon