Chapter 25

133K 3.6K 187
                                    

Dustin Villaverde

Tapos na ang klase at nag-iisa na lang ako dito sa classroom, abala sa pag-iisip kung sino ang hinayupak na pakana ng banner na 'yon kaninang umaga.  Samantala ay nabulahaw ang tahimik kong pag-iisip nang biglang dumating si Faith.

"Ay, kawawa naman..."  Sambit ni Faith sa sarcastic na tono.  "Hate ng siya ng bestfriend niya."

Hindi ako kumibo dahil wala akong ganang patulan ang pang-aasar niya.  Ilang saglit pa ay nagbalik na dito ang tropa.

“Ibang klase ka, Faith. Ano’ng rason mo at ginawa mo ‘yon?”  Dismayadong saad ni James.

“Excuse me?”

“‘Yong banner kanina. Nag-imbistiga kami at nalaman naming ikaw ang may gawa no'n,” paliwanag ni Kyle. I asked them na alamin kung sino ang may gawa nong banner.

“Gano’n ka ba ka-bitter para gawin mo ‘to? Ang akala ni Jen ay si Dustin ang may gawa. Napag-away mo na sina Dustin at ang girlfriend niya. Masaya ka na?” dagdag pa ni Exel.

“Oo,” tugon ni Faith. “Pero hindi dahil sa away nila ni Jen kaya ako masaya. Ngayong alam n’yo nang ako ang nagpagawa at nagpalagay no’ng banner, eh ‘di sabihin n’yo na kay Jen. ‘Yon ay kung maniniwala siya. Bakit? Sino ba sa amin ni Dustin ang kilalang magaling mam-bully? All I have to do ay ang i-deny ‘yon. And I’m safe.”

“Ano?” pikong saad ni Exel.

“Tama na ‘yan. Umalis na tayo,” sabi ko sa tatlo at pagkatapos ay umalis na kami.  Imbes na umuwi ay sa bahay nina Ashley ako dumiretso.  Pinarinig ko sa kanya ang ni-record kong usapan namin kanina nina Faith at dahil doon ay lumabas din ang totoo.

"Hindi nga ikaw ang may gawa nong banner.  Pero 'yong nang-away kay Jen sa canteen kanina ay ikaw.  Kaya galit pa rin ako sa'yo."  Pagtataray ni Ashley.

"Ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa'kin?  Ashley magalit na silang lahat huwag lang ikaw."  Seryoso kong sabi.

"Forgive Jen sa paglilihim niya sa'yo then apologize sa nangyari kanina sa canteen.  If you will do that, hindi na ako magagalit sa'yo.  Promise."

Walang salita kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ko si Jen.

"Hello Jen, pinapatawad na kita sa paglilihim mo na mahirap ka lang.  At sorry din sa ginawa ko kanina doon sa may  canteen I'm sorry."  Sabi ko at end agad ng call.  Binalingan ko uli si Ashley pagkatapos.  "Ginawa ko na ang sinabi mo.  Pinatawad ko na siya at nag-sorry na 'ko."

"Very good."  Aniya sabay yakap sa akin.  "I love you Dustin."  

"I love you too Ash."  I said with all my heart.  Pero kahit ilang beses ko man itong sabihin kay Ashley ay hindi no'n mababago ang katotohanang bestfriend lang niya ako.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon