Chapter 65

114K 3.7K 182
                                    

Jennifer

Hindi ako makatulog sapagkat iniisip pa rin ang mga sinabi ni Dustin kanina.  Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang Hello Kitty stuffed toy na bigay niya sa akin.  Ang dami kong nalaman na labis kong ikinagulat...  at ikinakilig!

Kung hindi lang dumating si Faith ay nalaman ko na ang kuwento tungkol sa first confession daw sa akin ni Dustin.  Ayon sa kaniya ay hindi pa raw 'yon ang araw na kumanta siya.  Kailan kaya?

---

Papunta ako ngayon sa computer lab dahil sa utos ni Miss Dizon na i-save ko raw sa CD ang PowerPoint Presentation na ginawa niya doon PC number 1.  Ang akala ko ay blank CD itong nakuha ko sa cabinet pero hindi pala dahil may laman itong video. 

Nanlaki ang mga mata ko nang mapanood ang video na naka-save sa nakuha kong CD.  Totoo ba ito?

Pagkatapos kong panoorin ang video ay ginawa ko na ang inutos sa'kin ni Ma'am.  Pabalik na ako sa classroom dala ang CD na pinanood ko kanina nang magkasalubong kami ni Dustin Villaverde.

"Hi, Jen."  Bati niya habang nakangiti.  Naalala ko na naman video na napanood ko.  "Okay ka lang, Jen?  May problema ba?"

Hindi ako sumagot, sa halip ay niyakap ko siya.  "I'm sorry, Dustin. I'm really sorry."


Dustin Villaverde

"Alam mo na pala."  Sabi ko habang nakatingin sa CD na hawak ni Jen.  Mula sa hallway ay nagpunta kami dito sa likod ng school.  Ito ang lugar kung saan siya kinalbo ni Faith, kung saan rin siya umiyak dahil sa selos kay Ashley, at kung saan ako unang nagtapat ng pagmamahal sa kanya.

Tumayo ako sa gitna ng klase matapos mabasa ang text ni Jen...

Dustin, puwede ka bang pumunta dito sa likod ng school?

"Ma’am, excuse lang po, ah."  Sabi ko at nagmadali nang puntahan si Jen sa likod ng school kung saan naabutan ko siyang umiiyak habang ang mga buhok niya ay nakakalat sa lupa.  Dahan-dahan ko siyang nilapitan at hinawakan siya sa kanyang balikat.  Ngunit sa halip na humarap sa akin ay mas pinili niyang humakbang palayo.

"Huwag mo 'kong tingnan. Ang pangit ko." Puno ng pait niyang sinabi.

"Kahit ano pa ang hitsura mo, mahal pa rin kita."  Buong puso kong sinabi matapos ko siyang yakapin sa likod.  Ayoko pang aminin ito sa sarili ko noon pero ngayon ay sigurado na 'ko, mahal ko si Jen.

"Salamat, ha. Mahal din kita, Dustin...  Mahal kita ng higit pa sa kaibigan...  Ng higit pa sa bestfriend."  Ang naging sagot niya sa sinabi ko.  Mukhang hindi niya nakilala ang boses ko.  Ang akala niya ay si Dustin Melendez ako.  Siguro ay hindi talaga pa ra sa kin ang twxt niya kanina kundi para talaga iyon sa kaniyang bestfriend.

Nasaktan ako sa sinabi niya kung kaya't pinili kong umalis na lang.  Nagtungo ako sa clinic at nanghiram ng towel saka ko pinuntahan si Melendez sa classroom nito.

"Dustin, pakipuntahan naman si Jen sa likod ng school.  Dalhin mo ito."  Sabi ko at iniabot ko sa kanya ang towel.

"Bakit anong nangyari?"

"Basta puntahan mo na lang siya do'n.  At pabor lang, huwag mong sabihin sa kanya na ako ang nagpapunta sa'yo doon.  Nag-text kasi siya sa'kin na puntahan ko siya pero sa tingin ko na wrong send siya at para sa'yo talaga ang text na 'yon.  At kung puwede pakibura 'yong text message na na-send niya sa 'kin."  Paliwanag ko na kanya namang naunawaan.

Bumalik ako sa likod ng school pagkaalis nina Jen at Melendez.  Nasaktan ako sa mga narinig ko kanina pero isinantabi ko muna iyon.  Kailangan ko munang mag-isip ng paraan kung paano pagbabayarin si Faith sa ginawa niya kay Jen.  Oo, sigurado akong si Faith ang may gawa no'n, wala namang iba, eh.

Hanggang sa makita ko ang CCTV camera sa taas.  Ngayon ay alam ko na kung paano pagbabayaran ni Faith ang kasalanan niya.  Pagkakuha ng CCTV footage ay pumunta ako sa computer lab at in-upload ko sa Facebook ang video ng pangyayari.  Siyempre dummy account lang ang gamit ko at hindi ko sinama sa pag-upload ang parte kung saan niyakap ko si Jen.

Pag-uwi ko ng bahay ay napansin kong wala sa bag ko ang original CD ng CCTV footage sa likod ng school.  Kahit gabi na ay bumalik ako sa computer lab para hanapin ang CD ngunit nabigo akong  mahanap iyon.

"Oo, alam ko na ang lahat."  Tugon ni Jen. "Ikaw ang nag-post ng video para maparusahan sina Faith?  Ikaw pala 'yong yumakap sa'kin nong araw na 'yon. Kaya pala sabi nong nurse ay ikaw daw 'yong nanghiram ng towel sa kanya. Kaya pala hiniram ni Dustin ang cell phone ko no'n para burahin ang text message na na-text ko sa'yo. Kaya pala wala man lang siyang karea-reaksyon pagkatapos kong magtapat sa kanya.  Kasi hindi pala siya ang kausap ko no'n. I’m sorry, Dustin."  Naiiyak niyang sabi.

"Ano ka ba bakit ka umiiyak?  Di ba dapat ako ang umiyak kasi...  Anyway, that was the first time na nag-confess ako sa'yo.  And I mean it. Kahit kalbo ka, bungi ka, flat-chested o nerd anuman ang hitsura mo mamahalin pa rin kita. Nakahanda akong maghintay, Jen, hanggang sa makalimutan mo siya.”  Seryoso kong sinabi saka ngumiti.  Pinahid ko ang mga luha niya gamit ang aking kamay. 

I want to kiss her kaya dahan-dahang kong inilapit sa kanya ang mukha ko.  Dati, hinalikan ko lang si Jen para pag-tripan.  Ngayon iba na dahil ang gusto ko ay  halikan siya ng buong pagmamahal.  Nakita ko siyang pumikit at hinintay na lumapat ang labi ko sa labi niya.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon