Chapter 39

147K 3.6K 78
                                    

Eunice

Nanganganib akong ma-late sa school ngayon dahil biglang nasira ang kotse na sinasakyan ko.  Ilang minuto ring tiningnan ni kuya driver ang makina at pagkatapos ay sinabihan niya akong malabo na itong umandar.  Bumaba na lang ko para pumara ng taxi, ngunit sa halip na taxi ay ang kotse ni James ang siyang huminto sa harapan ko.

"Eunice anong problema?"  Tanong niya habang nakasilip sa bintana ng minamaneho niyang kotse.

"Nasiraan kami eh, can you give me a ride?"

"Sure." Sagot ni James kaya naman sumakay na ako sa passenger seat.

"Thank you James ha."  Ngiti ko sa kanya.

"You're welcome Eunice."  Ngiti din niya.  I have to admit na guwapo itong si James pero siyempre, mas pogi pa rin si Dustin M my loves.

Matagal pa naman bago makarating sa school kaya binuklat ko muna ang notebook ko upang magbasa-basa ng notes. May quiz kasi kami mamaya sa Physics.

"James baka naman matunaw ako niyan."  Sabi ko at naglubay muna sa pagbabasa upang humarap kay James.  Tuwing hihinto kasi kami sa traffic ay panay ang pagtingin niya sa akin.  Kahit busy ako sa pagbabasa ay pansin ko pa din 'yon.



James

"Ang ganda mo kasi eh."  Sagot ko kay Eunice.  "Ganito talaga ako kapag may nakikitang maganda."

"You interested in me right?  Sorry James pero, hindi mo ako basta madadala sa pambobolang ganyan."  'Yan si Eunice, ang babaeng sobrang prangka.  Imbes na mainis sa narinig ay natuwa pa ako dahil sinabi na naman niya ang pangalan ko.  I don't know why pero kakaibang saya talaga ang hatid sa akin ng pagbanggit ni Eunice sa pangalan ko.

Pagbaba namin ng kotse ay bumulaga sa amin ni Eunice ang nagbabangayang sina Elisa at Kyle.  Anong problema ng dalawang ito at ang aga-aga ay nag-aaway agad, para silang mga aso't pusa na hindi mapagkasundo.

"Bakit nang-iirap ka?  Inaano kita?"  Sabi ni Kyle.

"Inirapan ba kita? Sorry ah normal kong tingin 'yon." Sagot naman ni Elisa. Lumapit na kami ni Eunice sa kanila.

"What's up, nag-aaway ba kayo?"  Tanong ko kahit na abvious namang nag-aaway sila.

"Eto eh, ang lakas ng loob na irapan ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanya, dumaan lang naman ako."  Parang batang sumbong ni Kyle.

"At bakit magkasama kayong dalawa?"  Parang imbestigador naman na tanong ni Elisa sa amin.

"Sumabay ako sa kanya dahil nasira 'yong kotse namin."  Sagot ni Eunice sa tanong ni Elisa.

"What?  Sumakay ka sa kotse nitong si James?  Bakit mo ginawa 'yon?  Hindi ba alam mo naman ang balita na lahat ng babaeng isinasakay niya sa kanyang kotse ay hindi niya pinapaligtas."

"Anong hindi pinapaligtas? Anong palagay mo kay James mamamatay tao?"  Galit na sinabi ni Kyle.

"Puwede ba!"  Umirap nang todo si Elisa.  "You know what I mean kaya huwag kang ano diyan Kyle."

"Bakit ba ang sama ng tingin mo sa aming magkakaibigan?  Hindi mo kami kilalal kaya huwag mong kaming basta husgahan."  Ganyan nga Kyle, itaas mo ang bandera ng tropa.

"Oo naman kilala ko kayo.  Di ba, from first year to fourth year ay classmates na tayo?  Ilang babae na ba ang umiyak dahil sa inyo?  Sorry ah, pero kung inaakala niyong magiging isa si Eunice sa magiging biktima niyo, nagkakamali kayo.  Dahil hindi kami tulad ng mga eng-eng na estudyante dito na nahuhumaling sa inyo!"

"Elisa tama ka na nga."  Sita ni Eunice sa kaibigan.  "Ang aga-aga pa, high blood ka na."

"Eto kasi eh, inisira ang umaga ko."  Sabay turo ni Elisa kay Kyle na ikinainis nito.

"Ako? Eh ikaw kaya ang sumira ng umaga ko!"

"Whatever! Tara na nga Eunice."  Nag-roll eyes muna si Elisa bago umalis kasama ni Eunice.

P.E. class na pero hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo ni Elisa kay Kyle, sa katunayan ay nakipagpalit siya ng dance partner.  Sa P.E. class kasi ay nag-aaral kami ng sayaw na waltz.

"KUNG AYAW NIYA 'KONG MAGING PARTNER MAS LALONG AYOKO SA KANYA!"  Inis na sigaw ni Kyle.  Hindi naman siya nahirapan na magkaroon ng bagong partner dahil marami agad ang nagprisinta. 

Bahala nga silang mag-away diyan.  Basta ako, masaya dahil si Eunice ang partner ko.  After class ay niyaya ko siyang sumabay sa akin pauwi.

"Thanks but, no thanks, kay Elisa ako sasabay."  Ani Eunice.  Sa lahat ng babaeng inalok ko ng ride ay siya lang ang tumanggi, nakakalungkot naman.

"Hay! Sa wakas at uwian na. Sa totoo lang kaninang umaga pa 'ko stress sa mga tanawing hindi maganda sa mata."  Sabi ni Elisa at lumabas na ng classroom kasama si Eunice.

Kaming apat na lang ang nandito sa classroom ngayon at nakita kong bumusangot ng husto si Kyle dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni Elisa tanawing hindi maganda sa mata.

"Narinig niyo 'yon bro?  Ang sama niya talaga."  Hinanakit ni Kyle.

"Ganyan talaga, we have to accept na hindi lahat ng babaeng estudyante dito sa academy ay may gusto sa'tin. Sayang nga eh."  Saad ko.

"Hindi ko 'yon matatanggap."  Ani Kyle.  "Humanda 'yang si Elisa dahil tuturuan ko siya ng leksyon."

"What do you mean tuturuan ng leksyon? Teacher ka?"  Hirit ni Dustin dahilan upang mapatingin kaming tatlo sa kanya.  Hindi kasi kami sanay na marinig siya na magbitaw ng joke since si Kyle talaga ang joker ng grupo.

"Ang corny ng joke mo Dustin."  Sabi ni Kyle.

"Eh ano nga ang ibig mong sabihin, paki explain." Tanong ni Exel.

"Ipapakita ko sa kanya ang bagay na hindi makita ng mata niya.  Na si Kyle ang dapat na pinapantasya niya at hindi ang kung sinong basketball player diyan."

"Paano mo naman gagawin 'yon?" Si Exel ulit.

"Isang buwan guys... Isang buwan lang ay magiging girlfriend ko 'yang si Elisa."

"Seryoso ka bro?"  Ayoko man pero nagdududa ako.  "Si Elisa ang pinag-uusapan natin dito, ang number one fan ni Dustin Melendez."

"Minamaliit mo naman yata ako niyan James. Eh di hamak na mas pogi ako kaysa sa player na 'yon 'no."  Giit ni Kyle na mukhang walang balak umatras sa sarili niyang hamon.

"Gano'n ba, okay let' have a bet.  Kapag naging girlfirend mo si Elisa sa loob ng isang buwan ay babayaran kita ng limang libo.  Ang isang buwan mo ay magsisimula bukas.  Kapag hindi naman nagkatotoo 'yang sinabi mo ay ikaw ang magbabayad sa akin ng limang libo, call?"

"Call!" Ani Kyle at nakipag-kamay pa sa akin.  "Panoorin n’yo ang gagawin ko, ha. Tiyak na magkakandarapa sa ‘kin ang Elisa na ‘yan.”

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon