Chapter 48

133K 3.9K 297
                                    

Jennifer

Para sa first ever date naming dalawa ni AJ ay tinungo namin ang oceanarium.

"Jen, tingnan mo oh, ang laki ng pagi..."  Excited na sinabi ni AJ sabay turo doon sa malaking stingray.  Naalala kong bigla ang panahong nagpunta kami rito nina Ashley kasama ang dalawang Dustin.  Napalingon ako sa gawing kaliwa at doon ay tila natanaw ko ang dati kong kasintahan.

"Jen, sinong tinitingnan mo diyan?"  Tanong ni AJ.

"Ah, wala."  Hindi ko sigurado kung si Dustin nga iyong nakita dahil bigla na lang itong nawala. Naisip ko, imposibleng siya ang nakita ko.  Bakit naman siya pupunta rito sa oceanarium?

Kumain kami ni AJ sa isang fast food resto pagkatapos namin sa oceanarium. May pasubo-subo pa nga siyang nalalaman, eh.

"Uy, ang sweet naman."  Komento nong isang babae na nasa kabilang mesa.  Apat sila doon na puro mga babae at marahil ay kami ni AJ ang pinag-uusapan nila.

"Ang cute nong guy, oh."  sabi nong isa pa.

"Narinig mo 'yon, Jen?  Cute daw ako." Ani AJ habang todo ngiti.  Hindi na ako kumontra dahil totoo din naman.  Maya-maya ay may nagsalita na naman mula doon sa kabilang table.

"Mas cute 'yong guy doon."

"Aba oo nga, kaya lang aalis na."

Kusa na lang akong napalingon doon sa guy na tinutitok nila na mas cute pa raw kay AJ.  Papalabas na 'yong lalaki kaya likod na lang ang nakita ko.  Bakit parang pamilyar ang likod ng lalaking 'yon ah. Parang likod iyon ni Dustin Villaverde ah.

"Jen sino na naman tinitingnan mo diyan?"  Biglang sabi ni AJ na nginitian ko na lang.

Pagkatapos kumain ay nagpunta naman kami sa Intramuros para mamasyal.  Feeling ko tuloy ay nasa educational field trip ako at hindi date eh.  Pero okay lang, maganda naamn dito eh.

Nilibot namin ni AJ ang buong Intramuros sakay ng isang pedicab at si Kuya na taga-padyak ang nagsilbing tour guide namin.  Hindi siyempre nawala ang picture taking.

"Dustin?" Sambit ko habang kasalukuyang kaming nagpo-pose para magpa-picture.

"Ano Jen?"  Nagtatakang tanong ni AJ.

"Si Dustin kasi eh..."  Tumingin uli ako kung saan parang natanaw ko na naman si Dustin na aking ex pero bigla uli nawala.

---

Tinapos namin ni AJ ang date na ito sa pamamagitan ng pagsakay sa giant ferris wheel dito sa Pasay.  Nakakalula pero ang romantic ng tanawin.

"Ano Jen nag-enjoy ka ba sa date natin?"  Tanong ni AJ habang nandito na kami sa pinakataas.

"Oo AJ salamat ha.  Nag-enjoy ako at marami akong natutunan."  Sagot ko naman.

"Eh di sinasagot mo na 'ko?"  Banat niya.

"Hindi."

"Bakit naman?"

"Sorry AJ ha.  Alam mo mabait ka at guwapo kaya lang sana maintindihan mo na sa ngayon ayoko pa kasing..."  Hindi ko magawang tapusin ang sinasabi ko.  Na kaya hindi ko siya sasagutin ay dahil may iba na akong gusto.

"In-love ka pa ba sa kanya?"

"Kanino?"

"Sa ex mo."

"Hindi ah."

"'Yong totoo? May nangyari ba nong na-stranded kayo sa isla?"

"Ano ka ba walang nagyari 'no?"

"Hay sige na nga.  Magpakipot ka pa hangga't gusto mo. Magsasawa ka rin."  Base sa sinabing ito ni AJ ay mukhang wala siyang balak sumuko.



Dustin Villaverde

"Dustin nagpunta ka ba sa Ocenarium kahapon?"  Agad ay tanong ni Jen nang makasalubong ko silang dalawa ng bestfriend niya dito sa campus.

"Hindi."

"Talaga.  Eh sa Intramuros nagpunta ka?"

"Hindi rin. Bakit ba?"

"Kasi parang nakita kita kahapon eh."

"Kahapon?  Di ba nag-date kayo ni AJ kahapon."  Sabat sa usapan ni Melendez.

"Oo."  Sagit ni Jen saka uli ako tinanong.  "Sure ka ba Dustin?  Kasi para talaga kitang nakita kahapon eh."

"Anong ibig mong sabihin?  Bakit? Iniisip mo bang sinundan ko kayo sa date niyong dalawa ni AJ?  Bakit ko naman kayo susundan sa date niyo sa Ocenarium at Intramuros?! Tss! Pakialam ko sa inyo. Para sabihin ko sa'yo nasa bahay lang ako buong maghapon kahapon."  Giit ko.

"Okay fine, eh di hindi.  Baka kamukha mo lang 'yong nakita ko."  Sa wakas at natauhan din.  "Sige pasok na

Pag-alis ni Jen ay siya namang pagsulpot dito ni Ashley.

"Good morning guys!"  Bati ni Ashley at pagkatapos ay may sinabi siya sa akin.  "Dustin saan ka galing kahapon ha?  Ang aga mo raw umalis tapos gabi ka na umuwi. Tinanong ko sina Kyle pero hindi daw nila alam kung nasaan ka.  Saan ka ba talaga nagpunta kahapon? Kokopya pa naman sana 'ko ng assignment sa'yo."

Sige Ashley, ipangalandakan mong wala ako sa bahay kahapon.

"Buong maghapon palang nasa bahay ah."  Ani Melendez sa sarcastic na tono at kakaiba pa siya kung makatingin.  "Buti wala na dito si Jen. Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin.  Sige una na 'ko sa inyo."

"Bye babe."  Paalam ni Ash sa boyfriend niya at nong maiwan kaming dalawa ay saka ko siya pinitik sa noo.  "Aray naman bes, bakit?"

"Ang daldal mo kasi, nabuko tuloy ako."

"Anong nabuko bes?"

"Wala. Tara na nga, pasok na tayo."  Sabi ko at lumakad na kaming dalawa papunta sa aming classroom.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon