Chapter 24

125K 3.8K 209
                                    

Jennifer

"Mahirap lang pala sina Jen."

"Oo nga, kaya pala lagi siyang tumatanggi kapag nag-aaya tayong pumunta sa bahay nila."

"'Yon ay dahil malalaman natin na katulong lang ang nanay niya at driver lang ang tatay niya."

Sabi ng mga kaklase ko, nanahimik lang silang lahat nong tuluyan na akong pumasok sa loob ng classroom.

Ilang saglit pa ay binasag ni Mia ang umiiral na katahimikan.  "Jen kahit na mahirap ka lang at ano pa man ang trabaho ng parents mo I'm still your friend tandaan mo 'yan."  Pagkatapos sabihin 'yon ay kinausap naman niya buong klase.  "Guys kayo din di ba?  Galit na kay Jen ang buong academy kaya sana naman bilang mga classmates niya ay huwag na tayong makisali sa galit nila."

"Mia's right."  Sambit ng kadarating lamang na si Miss Dizon.  "Mahirap man siya o mayaman ay estudyante pa rin siya dito at ka-klase niyo pa rin siya.  Understood?"

"Yes Ma'am."  Sagot nilang lahat.

Thankful ako dahil nalaman kong may kakampi pa rin pala ako.  Although, hindi ko inaasahan ang biglang pagbait sa akin ni Miss Dizon, ano kayang nakain niya?

"Jen punta ka mamaya sa faculty room pagkatapos ng lahat ng klase mo at may sasabihin ako sa'yo."  Sabi ni Ma'am saka siya nag-proceed sa klase.

Lunch break...

"Get lost."  Malamig na saad ng boyfriend kong si Dustin nang lapitan ko siya dala ang tray na naglalaman ng binili kong lunch.  Nagulat na lang ako nong bigla niyang tinumba ang hawak kong tray dahilan upang matapon ang mga pagkain na dala ko.

"Dustin ano ba?!"  Malakas na sigaw ni Ashley at halos sugurin na ang kanyang bestfriend.  "Sarili mong girlfriend binu-bully mo!  Ano kung mahirap lang sina Jen?  Big issue ba 'yon para sa'yo?"

"Hindi ang pagiging mahirap niya ang issue dito.  She lied to me.  At pati kayo ng boyfriend mo ay nagsinungaling din sa akin.  Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ako galit sa'yo kundi sa kanila lang ng bestfriend niya.  You know me Ash sa lahat ng ayoko ay 'yong mga sinungaling."

"Nagawa lang niya 'yon dahil nag-worry siya na bigyan mo ng meaning ang pagtira nila sa isang bahay.  Baka kasi magselos ka raw." 

"Ako magseselos sa kanila ng bestfriend niya?  Nag-iilusyon lang ang nerd na 'yan kung 'yon ang iniisip niya.  For all I know, utak lang naman niya ang asset niya eh."  Pagkatapos nang mapanglait na salitang iyon ni Dustin ay nakatikim siya ng ng malakas na sampal mula kay Ashley. 

Habang ako naman ay nalulunod na sa kahihiyan.  Sana ay kainin na lang ako ng lupa para mawala na 'ko dito at hindi ko na marinig ang mga masasakit na salita na galing mismo sa bibig ng sarili kong boyfriend.

"I hate you."  Ani Ashely sabay hila sa kamay ko.  "Tara Jen, I'll buy your food."

Naloko na!  Nang dahil sa kasinungalingan ko ay nagalit na tuloy si Ashley sa kanyang bestfriend.  Tinanggihan ko naman ang alok niyang ilibre ako nang lunch at sa halip ay sa Susan's Eatery na lang ako nananghalian.  Close kami ni Kuya Guard kaya nagawa kong makalabas ng academy.

"So break na ba kayo?"  Tanong ni Ate Karla.

"Break?  Kapag ba tinapon ng boyfriend mo ang pagkain mo ibig sabihin po ba non break na kayo?"  Naguguluhan kong sinabi sapagkat hindi ko talaga alam kung break na nga ba kami ni Dustin o hindi pa.

"Hindi Jen.  Hangga't wala isa sa inyo ang deretsahang nagsasabi na break na kayo. Hindi pa kayo break gano'n 'yon."  Sabi naman ni Kuya Edwin na kasabay kong kumakain.

"Keep fighting Jen.  Basta ipakita mo na nagsisisi ka na sa paglilihim mo sa kanya."  Payo sa'kin ni Ate Karla.

"Hindi Jen, hayaan mo siya kung ayaw ka niyang pakinggan.  Naku ang yabang ng lalaki na 'yan porke mayaman.  I-break mo na lang kaya 'yan." Ang advice naman ni Kuya Edwin.

"Edwin tumigil ka."  Saway ni Ate Karla kay Kuya Edwin.  "Jen huwag kang makipag-break."

"Anong huwag makipag-break.  Karla pinahiya siya sa harap ng mga schoolmates nila.  Pambu-bully kaya 'yon tapos huwag i-break.  Babae ka pa naman tapos ang lalaking 'yon pa ang kinkampihan mo."

"Anong kinakampihan?  Hindi sa kinakampihan ko.  May kasalanan din kasi si Jen dito kaya..."

"Kasalanan?  Naglihim lang siya na mahirap siya.  Malaking kasalanan na ba 'yon?"

"Kahit na.  Para sa'yo maliit na kasalanan lang 'yon.  Siyempre para sa iba big deal 'yon."

"Tama na po!"  Awat ko sa sagutan nong dalawa.  Ayokong pati sila ay mag-away nang dahil lang sa issue na ito.

---

Uwian na pero hindi pa ako uuwi dahil nagsabi si Ms. Dizon na puntahan ko raw siya sa faculty room.  At laking tuwa ko nong sabihin niyang ibinabalik na niya ako sa Math Club.

"Alam kong hindi makatwiran ang pagtanggal ko sa'yo sa club kaya ngayon ibinabalik na kita.  Ikaw na ulit ang president ng Math Club Jen."  Sincere sa sinabi ni Ma'am.  Hindi ko pa rin alam kung bakit bigla siyang bumait, ang alam ko lang ay masaya ako dahil sa wakas ay nakabalik na ako sa itinuturing kong heaven dito sa academy, ang Math Club.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon