Dustin Villaverde
"Naku wala si Jen, nasa Batangas." Bungad ng guwardiya pagbukas ng gate. "Death annivesary kasi ng lola ni Sir Dustin kaya nagpunta sila doon para bisitahin ang puntod nong matanda."
"Gano'n po ba?" Nanghihinayang kong sabi. Pumunta ako dito sa mansyon ng mga Melendez upang dalawin si Jen at pormal nang umakyat ng ligaw pero wala pala ito.
Maya-maya’y dumating ang ama ni Jen. "Oh, Dustin, hijo, ikaw pala."
"Magandang umaga po, Tito." Bati ko kay Tito Raul Sinabi ko na rin sa kanya ang sadya kong panliligaw sa kanyang anak.
"Sayang, wala rito ang anak ko. Pero dahil nandito ka na rin lang, ang mabuti pa pumasok ka na." Ani Tito saka ako pinatuloy sa kanilang bahay. Nadatnan ko doon ang Nanay ni Jen na abala sa pagwawalis ng sahig.
"Magandang umaga po. Sorry po kung naka-istorbo ako." Sabi ko agad sa Mama ni Jen na si Tita Aida. Pag-upo ko sa sofa ay naupo na rin silang mag-asawa. Kinakabahan man pero hindi ko ito pinapahalata. "May dala po pala akong bulaklak at pizza para po kay Jen."
"Salamat hijo, nag-abala ka pa." Kukuha na sana ng pizza si Tito Raul pero sinampal ni Tita ang kamay niya.
"Galing ba sa sarili mong bulsa ang mga ipinangbili mo niyan?" Tanong ni Tita Aida sa istriktong tono.
"Hindi po, wala pa po akong trabaho."
"Wala ka pa palang trabaho pero nanliligaw ka na."
"Aida naman, mabuti nga't nagbago na si Dustin, eh. Dito na niya sa bahay liligawan ang anak mo. Dati raw sa canteen ng eskuwelahan nila." Saad ni Tito.
Kung tutuusin ay hindi nga ligaw ang ginawa ko noon kay Jen kundi pinag-tripan lang. Ngunit iba na ngayon dahil mahal ko na siya. Kaya heto at todo effort ako para marinig ang matamis niyang oo. At siyempre hindi lang si Jen ang dapat kong ligawan kundi pati ang parents niya.
"Ah, basta hindi puwedeng mag-boyfriend ang anak ko." Angil ni Tita. Samantala ay biglang natuon ang pansin naming lahat sa naka-on nilang telebisyon kung saan ipinapalabas ang isang documentary tungkol sa success ng isang mayamang negosyante na si Juanito Villaverde, my Dad. Ipinakita roon ang mga negosyo ni Dad na mga mall, hotel, banko, at iba pa.
"Grabeng yaman naman ng taong 'yan. Ang suwerte siguro ng mga anak niyan, 'no? Kahit buong buhay na silang hindi magtrabaho ay buhay na sila." Sambit ni Tito na pagkatapos ay parang nag-isip. "Juanito Villaverde, parang narinig ko na ang pangalan na 'yan noon, ah. Saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yon?"
“Tito, nabanggit ko na po 'yon sa inyo dati. Daddy ko po si Juanito Villaverde." Pahayag ko.
"I-ibig s-sabihin..." Biglang nautal si Tito Raul. "Naku po, ubod ng yaman pala nitong batang ito. Alam mo, hijo, sana nag-text ka muna bago ka nagpunta rito. Ang mabuti pa, ibigay mo sa akin ang cell phone number mo para text-text tayo. Text kita kapag nandito sa bahay ang anak ko."
“Raul, umayos ka nga. Nakakahiya ka! Kasasabi ko lang, di ba? Hindi magbo-boyfriend ang anak mo!” Sabat ni Tita Aida habang nakataas ang kilay. "At ikaw namang bata ka, umuwi ka na sa inyo at gawin mo na lang ang mga assignment mo!"
Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi ang umalis na lang at isiping normal lang sa isang ina ang maging strict lalo na sa kaisa-isa niyang anak na babae. Wala akong planong sumuko at nangangako akong gagawin ko ang lahat para ipakita sa mga magulang ni Jen na totoong mahal ko ang kanilang anak.
Jennifer
Ngayon na magaganap ang High School Men’s Basketball Championship kaya maaga kaming nagpunta ni AJ sa venue. Pagdating ay nakita agad namin ang Tatlong Jologs ni bestfriend na sina Elisa, Eunice at Maureen pati na rin sina Kyle, James, Exel at Dustin Villaverde.
BINABASA MO ANG
When Miss Genius Gone Mad
Novela JuvenilPUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!