Chapter 30

133K 4K 500
                                    

Dustin Villaverde

"Ash what's wrong?" Napansin ko kasi na parang malungkot ang bestfriend ko. Nakatingin lang siya sa kanyang cellphone at para pa siyang naluluha.  Inagaw ko ang cellphone niya para makita ko rin kung ano ba 'yong tinitingnan niya.  Nanlaki na lang ang mga mata ko at napamura pa dahil sa aking nakita.

Tiningnan din nina Kyle, James at Exel ang phone ni Ash, gano'n din ang ginawa nina Elisa at mga kaibigan nito.

"Ito 'yong kahapon."  Saad ni Eunice at pagkatapos ay sinabi niya ang 'totoo' raw na nangyari.  That it was Faith who kissed Dustin.

"Oo nga. Tama si Eunice."  Pagsegunda sa kanya ni Maureen.

"Mau stay out of this."  Saway naman ni Exel sa kanyang girlfriend.

"Tama 'yon Ash."  Si Elisa naman ang nagsalita.  "Nandoon kaming tatlo kaya nakita namin na si Faith ang unang lumapit kay Dustin. Walang kasalanan ang boyfriend mo."

"Tama na nga."  Bulyaw ni Kyle kay Elisa.  "Palibhasa crush mo 'yong Melendez na 'yon kaya pinag-tatanggol mo!"

"Tama ka, crush ko si Dustin. Ano ngayon?!" Palaban namang sagot ni Elisa.  "And believe me. Ako ang unang matutuwa kapag mag-break 'tong dalawa.  Pero bakit ko sinasabi 'to?  Dahil 'yon ang totoo.  Apat na taon Kyle, apat na taon ko ng sinusubaybayan ang buhay ni Dustin Melendez at alam kong hindi siya two timer!"

"Oo nga!"  Sabay pang sigaw nina Eunice at Maureen.  Kinuskos na lang ni Kyle ang tenga niya dahil sa ingay nong tatlo.

Habang nagsisigawan sila ay naka-upo pa rin si Ashley at iyak nang iyak.  Sino ba naman ang hindi iiyak kung may makita kang picture ng boyfriend mo na may kahalikang iba.

"Tahan na Ash."  Sabi ko pero parang hindi niya ako naririnig.  Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang makita si Ashley umiiyak at nasasaktan.  "Lagot sa'kin ang walang hiyang 'yon."

Lalabas na sana ako ng classroom pero hindi ko nagawa dahil bigla akong hinarang nina Elisa, Eunice at Maureen.

"Kalma lang Dustin." Apila ni Elisa.  "Maniwala ka sa sinasabi namin. Walang ginagawang masama si Dustin. Kay Faith ka magalit." 

"Oo nga."  Si Eunice naman iyon.

"Puwede ba, tumabi nga kayong tatlo diyan. Lulumpuhin ko ang Melendez na yon!"  Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Please huwag mong gawin 'yan. Kawawa naman si Dustin My Love."  Sabi ni Maureen dahilan upang mapatingin kaming lahat sa kanya.

"What?"  Ani Exel na halatang nagulantang sa sinabi ng kanyang girlfriend.

Samantala ay hindi na 'ko nagpatumpik-tumpik at lumabas na 'ko upang pagbayarin si Melendez dahil sa ginawa niyang pagpapaiyak kay Ashley.



Jennifer

"Uy may rambol daw doon sa gym."

"Anong rambol?"

"Si Dustin Villaverde versus the captain of basketball team. Tara punta tayo at panoorin natin."

Naalarma ako nang husto nang marinig ko ang usapan nong dalawang babae habang ako ay narito sa restroom cubicle.  Maya-maya pa ay parang lumabas na sila kaya ramdam kong ako na lang ang tao dito sa loob ng CR 

Gustong-gusto ko na ring lumabas pero hindi ko magawa dahil sa tawag ng kalikasan.  Makalipas ang ilang sandali ay natapos din ako kaya agad na akong sumugod sa gym.

Naabutan ko roon ang maraming tao na nanonood lang habang binubugbog ni Dustin Villaverde ang bestfriend ko.

"Ano? Wala ka pala eh. Lampa ka."  Ani Dustin sabay suntok ulit kay bestfriend na duguan na ang mukha.
Sa pagkakataong ito ay napuno na 'ko.  Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo.  Nagdilim ang paningin ko.  Nagsalubong ang mga kilay ko. Madiin kong isinara ang mga kamao ko. Gusto ko nang manuntok!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon