Jennifer
Kabado pa rin ako hanggang sa makarating kami sa Grande Hotel na pag-aari ng pamilya Villaverde. Maganda at sosyal ang lugar at halatang pangmayaman. Huminto kaming dalawa ni Dustin sa may front desk kung saan binati kami nong receptionist.
"Mauna ka na do'n, may pupuntahan lang ako." Sabi ni Dustin at pinasamahan niya ako sa isang staff para ihatid ako sa may restaurant.Pagkalipas ng tatlong oras ay hindi pa rin bumabalik si Dustin. Saan ba siya nagpunta at bakit ang tagal niya? Gutom na 'ko!
Wala na yatang balak bumalik ang boyfriend kong 'yon kaya uuwi na lang ako. Tumayo na 'ko pero hindi ko magawang humakbang nang makita ko si Mr. Velasquez na aming principal kasama si Mrs. Fabion na amin namang English teacher. Anong ginagawa nilang dalawa rito at bakit nakakapit si Ma'am sa braso ni Sir? Pareho silang may asawa na kaya ano ito? OMG! May affair sila!
Ayokong makita nila ako kaya yumuko ako at nagtago sa mga lamesa. Pakiramdam ko'y nabuhusan ako nang malamig na tubig, este juice pala dahil kay kuyang waiter na nabitiwan ang dala niyang isang pitsel na juice. Ang lamig!
Kahit basa ay hindi pa rin ako tumayo at gumapang na lang hanggang sa makalabas ako ng restaurant. Ang tanong ko ngayon sa sarili ko ay kung paano akong uuwi nito? Basang-basa lang naman ako at ang lagkit ko na dahil sa tumapong juice sa akin. At higit sa lahat, nasaan na ba talaga ang magaling kong boyfriend?
Dustin Villaverde
Iniwan ko sandali si Jen para puntahan sa office ang kapatid ko at ibigay ang papeles na naiwan nito sa bahay. Babalik na sana ako sa resto nang makatanggap ng text mula kay Ashley.
From Ashley:
Kuya, paki-sundo po ako.. tnx :)
Alam kong nagkamali lang ng send si Ash pero bakit siya nagpapasundo? Hindi ba siya ihahatid pauwi ng boyfriend niya? Para malaman at tinawagan ko siya.
"Ash, natanggap ko ang text mo, bakit ka nagpapasundo?"[Naku na wrong send ako, kay kuya driver ko sana 'yong text.]
"Hindi ka ihahatid ni Dustin?"
[Oo, mauuna na siyang umuwi masakit dahil masakit daw ang tiyan niya.]
"Gano'n ba? O sige, ako na lang maghahatid sa'yo. Hintayin mo 'ko papunta na 'ko." Ibinaba ko na ang phone saka pumunta sa kotse. "Kuya balik tayo sa school." Sabi ko at pinaandar na ni Kuya Charles ang sasakyan.
Dahil sa sobrang traffic ay tapos na ang basketball practice nang makabalik ng ako school. Pagpunta sa gym ay nakita ko sina Ashley at Melendez. Ang akala ko ba umuwi na ang lalaking 'yon?
Nakakabanas! Nasayang lang ang effort kong bumalik dito sa school. Palapit na sila kaya nagtago ako sa pader para hindi nila ‘ko makita.
“I’m glad at gumaling na ang sakit ng tiyan mo, Babe,” sabi ni Ashley na napahinto sa paglalakad.
“Hindi naman talaga masakit ang tiyan ko, Babe, dinahilan ko lang ‘yon kay Coach para maka-skip ng practice. Gusto ko kasing sundan si Jen, pero nagbago ang isip ko at pinagkatiwalaan ko na lang 'yong sinabi ni Jen kanina na kaya niya ang sarili niya." Sambit naman ni Melendez.
Nanlaking bigla ang mga mata ko dahil sa narinig kong usapan nong dalawa.
Speaking of Jen... Patay! Iniwan ko nga pala siya sa restaurant, kailangan ko siyang balikan.
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.
GRAB YOUR COPY NOW!
BINABASA MO ANG
When Miss Genius Gone Mad
Novela JuvenilPUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!