Dustin Villaverde
Nakahiga ako habang nakikinig ng music sa phone nang bigla kong naramdamang parang hindi lang ako ang tao rito.
"Oh!" Gulat akong napabangon nang makita ko si Jen na nakatayo habang nakatingin sa akin. "What are you doing here?"
"Dustin anong nangyari diyan?" Tanong niya pointing at the scar on my chest. Naka-topless nga pala ako ngayon.
"Nabuhusan ng kumuklong mantika." Sagot ko sabay kuha ng t-shirt upang mag-bihis. "Tanga kasi ako eh, kaya ako nabuhusan."
"Kaya ba ayaw mong mag-prito ako, kasi nag-aalala ka sa'kin? Na baka mabuhusan ako ng kumukulong mantika?"
"Hindi, mali ka." Ayokong palakihin ang ulo niya kaya nagsinungaling ako. "Hindi lang talaga ako mahilig sa mga pritong pagkain. Pwede ba Jen lumabas ka na at matutulog na 'ko."
"Matutulog ka na? Pero hindi ka pa naghahapunan."
"Hindi na 'ko kakain kaya lumabas ka na." Sabi ko at pinalabas na siya. Balik ako sa kama at nakinig na ulit ng music.
---
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakahiga dito pero ang alam ko lang ay gutom na 'ko. Maya-maya pa ay dumating si Jen.
"Dustin nagluto ako ng tinola kumain ka na." Bungad niya pagpasok sa kuwarto ko.
Bumangon ako. "Bakit ka nagluto ng tinola?"
"Kasi di ba, sabi mo ayaw mo ng prito kaya nagluto ako ng tinola."
"Eh bakit nga."
"Ang dami mong tanong, halika na at kumain na tayo." Aniya sabay hawak sa kamay ko upang hilahin.
"Hindi ka pa kumakain?"
"Hindi pa. Tayong dalawa na nga lang ang nandito, hindi pa tayo magsasabay kumain. At tsaka, niluto ko na ang ulam na gusto kaya kumain ka na."
"Ang bait mo yata ngayon?" Sabi ko habang pinipilit itago ang tuwang nararamdaman ko.
"Para sabihin ko sa'yo, mabait talaga 'ko. Ikaw lang naman ang salbahe eh." Aniya at hinila na naman ang kamay ko at dinala niya ako sa dinning area.
Jennifer
"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Dustin habang kumakain kami. Tinutukoy niya ang daliri kong may sugat.
"Ito? Nahiwa nong nagbabalat ako ng sayote."
"Ang tanga mo naman."
"Dustin thank you ah." Sabi ko sa sarkastikong tono. "Salamat dahil kinain mo ang niluto kong tinola at dahil diyan ay hindi ka matutulog ng walang laman ang sikmura. Thank you talaga ah."
Bakit ba siya ganyan? Nakita na nga niyang nasugatan ako maipagluto lang siya ng ulam, tapos ay nagawa pa niya akong tawagin na tanga. Bakit ba kasi si Dustin Villaverde pa ang nakasama kong ma-stranded sa islang ito. Simpleng 'Thank You' lang hindi pa masabi.
"Salamat." Seryosong sinabi ni Dustin na ikinagulat ko naman.
"Ano 'yon?" Tanong ko dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.
"Ang sabi ko salamat at nag-luto ka ng tinola para sa'kin." Tugon ni Dustin saka ngumiti. Nong makita ko ang kanyang cute smile ay napangiti na rin ako. "Medyo maalat nga lang 'tong tinola mo."
Dahil sa huli niyang sinabi at biglang naglaho ang mga ngiti ko. Nagpasalamat nga siya pero in-okray naman ang luto ko. Pasaway talaga!
Pagkatapos kumain ay umakyat na si Dustin papunta sa kuwarto niya. Grabe siya! Hindi man lang ako tinulungang magligpit at maghugas ng pinagkainan. Kung sa bagay, ano bang alam ng isang rich kid sa mga gawaing bahay.
---
Nilibot namin ni Dustin ng buong isla kinabukasan. Nong bandang hapon ay nagswimming kami. Binigyan niya ako ng basic swimming lesson. Wala naman kasi kaming ibang magawa dito sa dagat kaya nagpaturo na lang ako sa kanya na lumangoy. Hanggang sa pareho kaming mauubusan ng energy. Nagpahinga kami at naupo sa buhangin.
"Dustin hindi ba masakit 'yan?" Tanong ko patungkol sa peklat niya sa dibdib. Ang tahimik kasi at wala akong maisip na pag-usapan kaya inusisa ko na lang ang peklat niya.
"Hindi na. Siyempre matagal na 'to eh."
"Kailan ba 'yan nangyari?"
"Chismosa ka rin eh 'no." Sabi niya. Kung ayaw niya sabihin, eh di 'wag! "Hindi ka ba nandidiri dito sa peklat ko?"
"Hindi."
"Sinungaling."
"Sira ka pala, eh. Hindi nga."
"Nandidiri ka, eh. Aminin mo na."
"Ang kulit mo rin, eh. Sabi na ngang hindi."
"Nandidiri ka."
"Hindi nga."
"Weh!" Sambit ni Dustin dahilan upang makulitan na ako sa kanya. Bakit ba ayaw niyang maniwala na hindi ako nandididri sa peklat niya? "Kung talagang hindi ka nandidiri dito, kiss mo nga?”
"Sige ba!" Sabi ko. Kung 'yon ang paraan para mapatunayang hindi ko siya pinandidirian ay gagawin ko.
"Ayoko na, nagbago na ang isip ko." Pag-atras niyang bigla. Ang gulo niyang kausap!
"Kaya ba ayaw mong mag-topless ay dahil sa peklat mo? Alam mo hindi ka dapat mahiya. Guwapo ka naman at..." Napasulyap ako sa kanyang magandang abs. "May abs, kaya wala kang dapat ikahiya. Feel proud of yourself."
"It happened nong ten years old ako." Seryoso niyang sinabi.
"Ha?" Nagtaka ako kasi ang layo ng sagot niya sa sinasabi ko.
"You're asking about the scar right? Sabi ko nangyari 'to nong ten years old ako. Aksidente akong natapunan ng kumukulong mantika. Mabuti nga hindi sa mukha eh. Nagpa-plastic surgery ako pero hanggang dito lang ang naayos nila."
"Ah gano'n ba."
"Parang may bagyong parating."
"Weh hindi nga! Kailan ka pa naging weather forcaster?" Pagbibiro ko. Maya-maya ay pumasok na rin kami sa loob ng bahay dahil dumidilim na.
---
Ano kaya ang sumanib kay Dustin at tinutulungan niya 'ko ngayon na magligpit ng pinagkainan? Naghuhugas siya ng plato at nagpupunas ako ng lamesa. Nagulat ako nang biglang kumulog nang malakas. Napasigaw ako at biglang napayakap sa likod ni Dustin. Nakakahiya mang aminin pero takot ako sa kulog at kidlat.
"Okay ka lang. Huwag mong sabihing takot ka sa kulog? Para ka namang bata. Baka gusto mo nang bumitaw. Chansing na 'yan eh." Pagkasabi nito ni Dustin ay bumitaw na agad ako sa kanya. Grabe siya, chansing agad. Hindi ba puwedeng natatakot lang?
---
Hindi ako makatulog gawa nang malakas na bagyo na may kasama pang kulot at kidlat. Kapag ganitong masungit ang panahon ay tumatabi ako kina Mama matulog pero dahil wala ako sa bahay ay wala tuloy akong matakbuhan ngayon. May kasama nga ako dito pero ayoko naman tumabi do'n 'no. Baka pag-isipan na naman niya ako na may pagnanasa ako sa kanya.
Sa ilalim ng kama na lang ako matutulog para hindi ko masyadong marinig ang kulog. Ang weird ko ba? Well, minsan ay may pagka-out of this world talaga ako.
Bigla kong naalala ang cellphone ko na naiwan ko pala sa kitchen. Bukas ko na lang 'yon kukunin, hindi naman siguro 'yon mawawala.
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.
GRAB YOUR COPY NOW!
BINABASA MO ANG
When Miss Genius Gone Mad
Fiksi RemajaPUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!