Chapter 26

135K 3.8K 351
                                    

Jennifer

Dahil sa Facebook post ni Kyle ay nalaman ko ang totoo na si Faith pala at hindi si Dustin ang may kagagawan nong banner kahapon.  I'm sure na alam na rin 'yon ng buong academy kaya sa issue na iyon ay malinis na ang pangalan ni Dustin Villaverde.

Speaking of Dustin, tumawag siya kagabi at sinabi niyang pinapatawad na niya ako sa ginawa kong paglilihim and at the same time ay nag-sorry din siya sa mga nangyari sa canteen kahapon. 

Masasabi ko ngayon sa sarili ko na okay na 'ko.  Nabunyag na ang lihim ko kaya alam na ng lahat dito sa academy kung sino talaga ako.  Masarap pala sa pakiramdam 'yong wala kang itinatago.

"Jen..." Tawag ni Faith sa pangalan ko dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad dito sa may hallway.  Lumapit siya sa akin at nagulat ako sa kanyang sinabi.  "Sorry pala kahapon ah.  Sana mapatawad mo 'ko sa mga sinabi ko sa'yo at sorry din doon sa banner."

Hindi agad ako nakasagot kay Faith dahil nabigla talaga ako sa pagso-sorry niya.  Gayunman ay hindi ko naman ipinagkait sa kanya ang hinihingi niyang kapatawaran.

"Okay na Faith, pinapatawad na kita."

---

"Good morning class, I would like to introduce to you your new classmate."  Masiglang bungad ni Miss Dizon sa buong klase.

Hindi napigilan nong mga classmates kong babae ang mapatili dahil may hitsura 'yong bago naming magiging classmate.

"Good morning.  I'm Aaron  Jasper Flores.  AJ for short.  Nice to meet you all."  Pagpapakilala niya sabay ngiti kaya nakita namin ang maganda niyang mga ngipin na puwede nang pang toothpaste commercial.  Dahil sa smile na 'yon ay lalong nagtilian ang mga kaklase ko.

"AJ may girlfriend ka na?"  Tanong ni Mia.

"Wala pa."

"Anong gusto mo sa isang babae?"  Si Rose naman iyon.

"Ang gusto ko?  'Yong matalino.  Kahit hindi maganda basta matalino."  Tugon nong AJ at lahat ng mga classmates ko sabay-sabay na lumingon sa akin.

Ako ba ang best example nila nang 'kahit hindi maganda basta matalino'?  Compliment ba 'yon or what?  Napansin kong pati si AJ nakatingin na rin sa akin.

"What I mean is 'yong tipong laging perfect ang mga exams niya.  Sorry girls ha, medyo mataas lang talaga ang standards ko.  I don't mind dating girls naman.  Kung may kilala kayo na makaka-meet ng standards ko please introduce her to me.  Liligawan ko, kung meron."

Hindi sa pagyayabang pero sa dito buong academy ay ako lang ang estudyante na kayang i-perfect ang lahat ng mga exams.

Napaisip tuloy ako, totohanin kaya nitong si AJ ang sinabi niy kanina?  Pero sorry na lang siya dahil may boyfriend na 'ko.  At kahit wala pa ay hindi ko siya sasagutin 'no.  Guwapo nga siya pero nayayabangan ako sa kanya. 

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon