Dustin Villaverde
"Dustin gumawa ka ng paraan. Humingi ka ng tulong." Ani Jen na siya na lang kasama ko ngayon sa islang ito. Napailing naman ako sa pagiging OA niya.
"Huy 'wag kang OA. Hindi tayo habang buhay dito at babalik din sila." Naisip kong wala na rin namang saysay kung magpa-panic eh.
"Hay!" Malalim niyang buntong-hininga. "May bagong swimsuit pa naman ako."
"Swimsuit? Magsu-swimsuit ka? Utang na loob Jen huwag kang mag-swimsuit. Parang awa mo na."
"Heh!" Marunong na talaga siyang magtaray. "Magsu-swimsuit ako sa ayaw at sa gusto mo!"
Tinotoo ni Jen ang banta niyang magsusuot ng swimsuit.
Act cool Dustin. You have to act cool. Huwag mong ipahalata na nalaglag ang panga mo sa kaseksihan niya.
Jennifer
Lumabas na 'ko ng bahay nang naka-swimsuit at naligo na sa beach. Mabuti na lang at hindi ako in-okray ni Dustin. Basta, nakaupo lang siya sa beach chair habang abala sa kanyang cellphone. Hindi ko tuloy alam kung naseksihan ba siya sa akin o hindi, pero wala na akong pakialam doon.
"Aray!" Daing ko sapagkat bigla na lang akong pinulikat habang lumalangoy.
"Bakit Jen?!" Sigaw ni Dustin mula sa kanyang puwesto at maya-maya pa'y nandito na siya upang saklolohan ako. Dahan-dahan niya akong inalalayan palayo sa tubig at pagkatapos ay minasahe niya ang paa kong napulikat. "Ano masakit pa?"
Hindi ako agad nakapagsalita dahil busy ako sa pagtitig sa mukha niyang halatang concern sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang pisngi ko.
"Huy!" Sabi niya sabay pitik niya sa aking noo. "Sagutin mo 'ko, masakit pa ba?"
"Hindi na, salamat."
"Lalangoy-langoy pero pulikatin naman pala ang paa. Buti na lang nandito ako. Paano kung wala, eh di nalunod ka na." How nice of him. Tumulong nga pero may kasama namang sermon.
"Kaya nga salamat di ba? Thank you Dustin utang ko sa'yo ang buhay ko." It may sound sarcastic but I mean it. I'm really thankful to him. "Hindi ka ba magsu-swiming?"
"Magsu-swiming." Aniya at tumayo na saka naglakad papuntang dagat.
"Nang naka T-shirt?" Tanong ko dahil hindi niya hinubad ang suot niyang plain black T-shirt.
"Oo bakit? Anong gusto mo mag-topless ako dito? Gusto mo siguro makita ang katawan ko 'no? May pagnanasa ka sa'kin 'no." Assuming spotted!
"Ako may pagnanasa sa'yo?! Hindi ah!" I rolled my eyes.
"Eh bakit gusto mo 'kong mag-topless?"
"May sinabi ba 'kong gusto kitang mag-topless? Wala naman ah! Alam mo ang kapal mo!" Nanggigigil ako sa kayabangan niya.
"Sus! Kunwari pa. Sorry ah, masyadong precious 'tong katawan ko para ipakita ko lang sa isang kagaya mo. Haha!" Tatawa-tawa pa ang loko.
"At may pa-precious precious ka pang nalalaman diyan. If i know ang panget siguro ng katawan mo kaya ayaw mong mag-topless. Siguro puro kurikong 'yang katawan mo, che!" Alam kong mali na 'yong sinabi pero nakakainis kasi siya eh! Sobrang yabang. Bakit ko naman gugustuhing makita ang katawan niya? At pinagbintangan pa akong may pagnanasa sa kanya? Asa pa siya!
---
Kinagabihan ay nagtungo kami ni Dustin sa kusina upang maghanap nang makakain. Kaninang tanghali ay nag-ihaw kami ng isda. Ano naman kaya ang para sa dinner?
"Ito may manok!" Excited kong sinabi nang makakita ako ng manok sa ref. "Fried chicken na lang ulamin natin. Wait lang magpi-prito ako."
"Huwag fried. Tinola na lang o kaya adobo, basta huwag prito."
"Ayaw mo ng fried?" Tumaas ang kilay ko dahil sa pagiging choosy niya. "O sige magpi-prito ako, mag-tinola ka. Ang choosy mo ah."
"Delikado ang mag-prito baka mabuhusan ka ng kumukulong mantika."
"Ano 'ko tanga para mabuhusan ng kumukulong mantika? Kung ayaw mo, eh di huwag kang kumain." Nakapagtaray tuloy ako ng wala sa oras. Ang arte kasi niya eh!
"Bahala ka na nga." Sa wakas at sumuko din siya at umalis.---
Matapos kong mag-saing at mag-prito ng manok ay inakyat ko na si Dustin sa kuwarto upang ayaing kumain. Kaya lang ay ayaw niya akong pagbuksan ng pinto. Sumakit na lang ang kamay ko sa pagkatok sa pinto pero hindi pa rin niya iyon binubuksan. Tulog na ba siya?
Pinihit ko ang door knob at nalaman kong hindi naman pala naka-lock ang pinto. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Dustin kung saan nakita ko siyang nakahiga sa kama habang nakapikit at may pasak na earphone ang tainga niya.
Pinagmasdan ko siya at ngayon ay mukhang alam ko na kung bakit ayaw niyang mag-swimming ng naka-topless.
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.
GRAB YOUR COPY NOW!
BINABASA MO ANG
When Miss Genius Gone Mad
Teen FictionPUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!