Chapter 20

129K 3.8K 212
                                    

Jennifer

Maaga akong nagising para tumulong na maghanda ng almusal.  Mabuti na lang at may nahiram akong mga damit galing sa isa sa mga kasambahay nina Tita Lorry. 

"Jen what are you doing?  Hayaan mo na sila Manang diyan."  Sabi ni Tita Lorry pagbaba niya.

"Ang aga niyang nagising Ma'am.  Tinulungan niya kami na maluto nitong almusal niyo."  Sabi naman ni Manang. 

"Really!  Ang sipag mo naman pala Jen.  Samantalang 'yong ibang mga batang ka-edad mo, kapag ganitong Sabado at walang pasok ay tanghali na kung magising."  Tugon ni Tita Lorry na para bang bilib na bilib siya sa ginawa ko.  Ang hindi niya alam ay normal lang talaga sa akin ang gumising ng maaga dahil tinutulungan ko si Mama na maghanda ng almusal para sa pamilya Melendez.

Habang nag-aagahan ay biglang nagyaya si Drei na mamasyal sa park.  May lakad sina Tito John at Tita Lorry kaya hindi sila puwede, gano'n din naman si Kuya Derek dahil babalik na siya ng Manila ngayon.  Kaya ang ending, kaming dalawa na lang tuloy ni Dustin ang siyang nagpasyal kay Drei doon sa park.

Nakipaglaro kami sa bata ng taguan at habulan at sumakay din kami sa nirentahan naming bike.  Masasabi kong mabait na kuya pala itong boyfriend ko.

Mabuti na lang at hindi gaanong tirik ang araw kaya nakapaglatag kami ng banig sa damuhan.  Dito na rin namin kakainin ang baon naming lunch.

"Jen."  Ani Dustin at pagkatapos ay bigla na lang niya akong hinalikan sa lips.  Siyempre nagulat ako.

"Ehem."  Boses ng isang babae na walang iba kundi si Ashley.  "Sorry ah, nakakaistorbo ba kami?  Pumunta 'ko para batiin ng happy birthday si Tita Lorry kaso umalis pala sila ni Tito John.  Sabi ni Manang nandito raw kayo kaya sumunod kami.  Sumama na rin si babe dahil sobrang worried siya kay Jen.  Kayo ha.  Basta-basta na lang kayong umaalis na hindi man lang nag-paalam. Nag-cut pa kayo pareho ng class kahapon."

"Sorry."  Nahihiya kong sinabi habang nakatingin kay bestfriend.

Sumabay na silang dalawa sa amin na kumain ng lunch at pagkatapos magpahinga ng kaunti ay sumakay na ulit kami ng bike.

Nang matumba si Ashley ay agad siyang nilapitan nong dalawang Dustin na halatang alalang-alala.

"Babe naman ingat ka."  Sabi ng aking bestfriend.

"Okay ka lang?  May masakit ba sa'yo?"  Sabi naman ng aking boyfriend.

Nakamasid lang ako sa kanilang tatlo habang nag-iisip na, ang swerte talaga ni Ashley dahil may bestfriend siyang caring at may boyfriend siyang mapagmahal.

Samantalang ako swerte lang sa bestfriend, sa boyfriend hindi.

Nong bandang hapon ay umuwi na sina Dustin at Ashley habang ako naman ay nagpaiwan dahil request daw ni Tita Lorry na bukas na lang kami uumuwi ni Dustin.

Nong sa wakas ay masolo ko si Dustin dito sa may sala ay agad ko siyang tinanong.

"Dustin."

"Ano 'yon?"

"Bakit mo 'ko hinalikan kanina?"

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon