Chapter 3

229K 6.1K 326
                                    

Dustin Villaverde

Tumahimik ang buong canteen matapos ng ginawa at sinabi ko.  Hinalikan ko lang naman si nerd at tinanong ko pa siya na kung puwede ko ba siyang maging girlfriend.  Labag 'to sa kalooban ko pero kailangan kong gawin makaganti lang sa Melendez na 'yon.

"Hihintayin ko ang sagot mo bukas." Sabi ko kay Miss Genius sabay alis.

After school ay gumala kami ng tropa sa mall arcade.

"'Yong totoo Dustin? Bakit mo hinalikan si Miss Genius? At hindi lang 'yon, tinanong mo pa ng 'will you be my girlfriend?' Ano 'yan epekto ng bawang na kinain mo?"  Tanong ni Kyle habang nagasu-shoot ng bola sa basket.

"Wala lang, may gusto lang akong gantihan."  Sagot ko at nagtinginan naman silang tatlo.  "Bestfriend ang inutang kaya bestfriend din ang kapalit."

Call me childish and immature, I don't care. Basta gagantihan ko ang Melendez na 'yon.



Jennifer

Kulang na lang ay maglupasay ako sa loob ng CR dahil sa inis.  Ninakaw lang naman nang mayabang na Villaverde na 'yon ang first kiss ko.  Ang masaklap pa ay lasang bawang 'yong bibig niya. 

At ano 'yong sinabi niyang gusto niya akong maging girilfriend?  Nakakainis siya, birthday na birthday ko pagti-tripan niya 'ko.

At dahil birthday ko ngayon ay kumain kami sa labas nina Mama at Papa.  Inisantabi ko na lang muna ang inis ko at ni-enjoy na lang ang gabing ito.

"Jen, happy birthday."  Bungad sa akin ni bestfriend pag-uwi ko.  May inabot siyang puting sobre sa akin.  "Gift nina Mom and Dad." 

"Naku kamo kina Ma'am at Sir salamat."  Sabi ko at excited na kinuha ang sobre na sure akong cash ang laman.  Every year ay pera ang regalo nila sa akin.

"Eto naman 'yong gift ko."  Isang paper bag naman ang ibinigay niya.  Excited na naman ako kaya tiningnan ko kung ano ang nasa loob.  "Contact lens sana ang ibibigay ko sa'yo kaso ang sabi mo nahihirapan kang gumamit no'n kaya 'yan na lang."

"Salamat Dustin."  Sabi ko at ni-try na 'yong regalo niyang salamin sa mata.  Tamang-tama dahil nasira na itong luma ko.  Sinira nong isang Dustin. 

Sunod naman niyang ibinigay ang regalong pabango na galing kay Ashley.

"By the way Jen.  Sa tingin ko ay mas mabuti kung mag-transffer ka na ng school.  Nag-aalala lang ako sa'yo."  Bakas nga sa mukha niya ang pag-aalala.

"Dahil ba kay Dustin Villaverde?"  Sabi ko pero hindi sumagot si bes.  Ang bait talaga niya, lagi na lang niya inaalala ang kapakanan ko.  Gusto niya akong mag-transfer ng school para makaiwas sa gulo na dala nong si Dustin Villaverde.  "Okay lang ako Dustin. Ayokong mag-transfer ng school.  Huwag kang mag-alala dahil babasteden ko siya."

"Talaga?"

"Oo.  Kaya humanda siya. Ako pa ang pagti-tripan niya. Kung hindi pa niya naranasang ma-basted puwes sa akin, mararanasan niya 'yon."

Humanda talaga bukas ang Villaverde na 'yon. Dahil isang nerd ang babasted sa kanya.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon