Chapter 50

123K 3.8K 321
                                    

Jennifer

"Hi Jen."  Bati ni Freedom nong magkasalubong kami sa hallway.  Sa totoo lang ay hindi ako sanay na binabati niya ako.  Alam ko kasi na kalaban ang tingin niya sa'kin dahil laging ako 'yong nangunguna pagdating sa exams at grades.  Siguro ay maganda lang ang gising niya kaya biglang namansin.

"Hi!"  Nakangiti ko namang bati pabalik.  Laking gulat ko nang bigla siyang lumapit sa akin at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi.  After gawin 'yon ay saka siya nag-walk out na parang walang nangyari.  Nakakainis!  Sino ba siya sa akala niya para gawin ang bagay na 'yon?

Kinabukasan ay uploaded na sa Facebook picture ng pag-kiss sa akin ni Freedom.  Dahil dito ay naging usap-usapan tuloy ako sa buong academy.

"Grabe siya, ang landi talaga niya."

"Una si Dustin tapos si AJ ngayon naman si Mr. Genius.  Grabe ang kati niya.  Porke gumanda lang lalo naman siyang naging malandi."

"Hoy huwag kay kang ganyan baka hampasin ka ng arnis niyan sige ka."

Usapan iyon ng mga babae dito sa canteen.  Nakaupo ako malapit sa kanila kay narinig ko ang lahat.

"Freedom anong ibig sabihin nito ah?  Bakit kayo nag-kiss ni Jen?  Nililigawan mo ba siya?"  Sabi ni Faith at ang lakas ng kanyang boses, na para bang gusto niyang iparinig sa lahat ang sinasabi niya.

"No sis.  Siya kasi eh inakit niya 'ko.  Sino ba naman ako para tumanggi."  Sagot ni Freedom na sa lakas din ng boses ay tiyak na rinig sa buong canteen.

Tumayo agad ako upang dumepensa.   "Hoy Freedom anong sabi mo?  Inakit kita!  Ang kapal mo naman bakit kita aakitin?  Bawiin mo yang sinabi mo huwag mo 'kong siraan!"

"Hoy Freedom ang sama mo ah!"  Si AJ iyon na tumayo na rin.  "Akin si Jen eh." 

At kailan pa 'ko naging sa'yo AJ?

Tumayo na din si Faith.  "Hoy Jen anong palagay mo dito sa kapatid ko sinungaling?  Ang sabihin mo malandi ka lang talaga!"

"Hindi ako malandi 'no.  Kahit kailan hindi ako naglandi kahit kanino!  Alam mo magkapatid nga kayong dalawa.  Pareho kayong mga magnanakaw!"

"What!  Anong magnanakaw ha!"

"Magnanakaw ng halik!  Di ba, ginawa mo na din 'yan sa bestfriend ko?"  Pagtataray ko at pagkatapos ay lumapit ako sa table ng aking bestfriend kung saan kasabay niyang kumakain sina Ashley, Kyle, Exel, James at Dustin Villaverde.  "Dustin hindi totoo 'yon.  Hindi ko siya inakit.  Siya yung unang lumapit at humalik sa'kin, please maniwala ka."  Kontodo paliwanag ko sa aking bestfriend.  Wala akong pakialam kung maniwala 'yong iba,basta huwag lang ang bestfriend ko.

"Oo Jen naniniwala ako sa'yo.  Mula pagkabata ay kilala na kita at alam kong hindi ka gano'n.  Kahit ano pang paninira ang ibato nila sa'yo, hindi ako makikinig sa kanila.  Ikaw lang ang paniniwalaan ko Jen."  Dahil sa sinabing iyon ni bestfriend ay makakahinga na 'ko ng maluwag.

"Ako din, Jen I believe you."  Sabi ni AJ na nasa likuran ko na pala.

"Ako din Jen, naniniwala sa'yo."  Si Ashley naman iyon.

"Kami rin Jen.  Di ba guys?"  Ani James at sumangayon naman sa kanya sina Kyle at Exel.

"Ikaw Dustin naniniwala ka ba sa'kin?"  Tanong ko sa kanina pang tahimik na si Dustin Villaverde.

"Bakit importante ba ang opinyon ko?"  Sagot niya sa tonong may pinaghuhugutan.  Napansin ko ang lungkot sa mga mata niya hanggang sa naramdaman ko na lang na bumigat ang aking kalooban.



Dustin Villaverde

Nanginig ang laman ko sa galit nang makita ang picture nina Freedom at Jen. Gusto ko nang manugod pero sinikap kong maging mahinahon.  Nagpaliwanag si Jen kay Dustin ng kanyang panig at lahat ng mga kaibigan ko ay naniwalang inosente siya.

"Ikaw, Dustin, naniniwala ka ba sa'kin?"  Finally, she asked for my opinion.

"Bakit importante ba ang opinyon ko?"  Was my bitter reply.  Nakakasama ng loob na ako 'yong taong huli niyang tinanong.  Maya-maya pa ay tumayo na 'ko.  "Guys, let's go."

Lalakad na sana ako kasama ng tropa pero hindi ko nagawa nang biglang kumapit si Jen sa kamay ko.  Napatigil ako at tumingin sa kanya.

"Oo naman, importante ang opiniyon mo." She said with a very serious look on her face.  "Please believe me, I'm innocent."

Nang dahil do'n ay nawala na ang sama ng loob ko.

"Like them, I also believe in you Jen.”  I said ang gave her a sweet smile.

---

Hindi ko siyempre pinalampas ang ginawa ni Freedom.  Dinala namin siya ng tropa sa CR upang gisahin.

"Subukan niyo 'kong saktan.  Magsusumbong ako sa pulis."  Takot na takot ang g*go.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan.  Pero subukan mong ulitin ang ginawa mo..."  Sabi ko habang pinapatunog ang mga daliri ko sa kamay.  "Malilintikan ka na talaga."

"It's my sister's idea."  Pagbubunyag niya.  "I'm sorry, may sayad kasi ang kapatid ko. At dahil 'yon sa'yo."

"What?"  Naiirita kong tanong.

"Alam kong hindi pa ito matatapos dito. I know my sister. Kapag nanonood 'yon ng mga drama sa TV, hindi ang mga heroine ang iniidolo niya kundi 'yong mga villain. Kaya kung ako sa'yo, Dustin, I will take care of my heroine para hindi siya mapinsala ng villain."  Pagkatapos magsalita ay umalis na si Freedom.

D*mn you, Faith! Huwag kang magkakamaling saktan si Jen dahil ako ang makakalaban mo.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon