Exel
Ano kayang nakain ng mga babae sa dito sa academy at lahat sila'y naging kamukha ni Miss Genius, mula sa braids hanggang sa eye glasses. Ang lakas talaga ng trip nila!
Pero, may apat na girls ang hindi nasali sa uso at 'yon ay ang mga ka-klase kong sina Ashley, Elisa, Eunice at Maureen. Hindi na ako nagtataka dahil hindi namansila namin fangirls ng Four Gorgeous Men eh.
Si Ashley ay malapit na kaibigan naming apat, habang sina Elisa and company naman ay may crush doon sa basketball player na si Dustin Melendez. Bilang classmates nong tatlo na 'yon since first year ay nalaman ko na ang ligaw ng bituka nila.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko magawang alisin ang mga mata ko kay Maureen? Araw-araw ko naman siyang nakikita pero bakit feeling ko ay may kakaiba sa kanya ngayon?
Ah alam ko na! Siguro dahil sa hitsura niyang iba sa karamihan ng mga girls dito. Wala siyang braids at salamin tulad ng iba kung kaya't biglang nag-stand out ang simple niyang ganda. Yes, maganda talaga si Maureen, kaya nga kanina ko pa siya tinititigan eh. Lahat ng galaw niya sinusubaybayan ko. Ang sarap kasi niyang panoorin. Tapos, habang pinapanood ko siya ay parang nagso-slow motion pa ang paligid. Bakit gano'n?
Ilang saglit pa ay biglang napatingin sa akin si Maureen kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Hindi ko iniwasan ang mga mata niya, bagkus ay nginitian ko siya. Nagulat ako na natuwa nang ngumiti siya pabalik. Parang alam ko na yata kung bakit nag-slow motion kanina.
---
"Hello East Pearl! This song is for the girl, that catches my heart with just one glance. Baby this is for you." Pagkatapos kong ihanda ang gym ay nagsimula na 'ko upang haranahin ang babaeng nagpapatibok ng puso ko ngayon.
Kilala ko na siya since first year. Tahimik siya at mahiyain. Hindi siya gano'n katalino, pero hindi rin naman siya slow. Mas slow pa nga si Ashley eh. Simple lang siya kaya sa kanilang tatlo ng mga kaibigan niya ay siya ang huling napapansin.
Pero isang araw ay biglang nagbago ang lahat. Ang dating hindi ko napapansin noon ay siya ngayong dahilan kung bakit ako masaya. Kaya gagawin ko ang lahat para maging girlfriend ko siya.Just The Way You Are by Bruno Mars:
Ohhhhh ohhhhhh ohhhhhh ohhhhhhh
Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She's so beautiful
And I tell her everyday
YeahI know, I know
When I compliment her she won't believe me
And it's so, it's so
Sad to think that she don't see what I see
But every time she asks me, "Do I look okay?"
I say,When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause, girl, you're amazing
Just the way you are
YeahMaureen
Sa wakas at natapos ding kumanta itong si Exel. Pagkatapos niyang kumanta ay nagpalakpakan at nagtiliian ang mga tao dito sa gym. Kung sa bagay, hindi na nakakapagtaka na tilian siya dahil cute naman talaga siya eh. Pero 'yong boses niya, hindi cute. Sumayaw na lang sana siya para kahit paano nakapag-enjoy man lang ako sa performance niya.
Pero, ano nga bang meron at nagpa-concert si Exel?
"Maureen Castillo. Fourth year section 3! Will you be my girlfriend?" Sabi ni Exel doon sa mic kaya narinig 'yon ng lahat nang narito. Teka, pangalan ko ba ang binanggit niya?
"Maureen Castillo ng 4-3? Ako ba 'yon?"
"Oo Mau, ikaw 'yon." Sagot ni Eunice na nasa kanan ko.
"Pero bakit ako?"
"Aba malay ko." Si Eunice ulit.
"So what's your answer Mau? Is it a yes or a no?" Tanong ulit ni Exel. "Mau? What's up? May I hear you answer?"
"Hinde!" Malakas na sigaw iyon ni Elisa. "Ang kapal mo ah! Sa tingin mo ba papayag kami ni Eunice na maging girfriend mo 'tong kaibigan namin! Manigas ka! Ang akala mo yata lahat ng babae madadaan mo sa pakanta-kanta eh 'no. Isa kang dakilang player, babaero, mayabang, bully at ang panget ng bos—"
Tinakpan ko agad ang bibig ni Elisa para hindi siya makapagsalita ng kung anu-ano. Pare-pereho kaming malilintikan sa ginagawa niya eh.
"Dustin, narinig mo? Sinisigawan ako ni Elisa. Ipa-expel na ba natin 'to?" Ani Exel na agad kong ikinabahala. "Ano Elisa, gusto mo nang ma-expel? Pero dahil mabait ako, bibigyan kita ng chance. 'Yon at kung papayag si Maureen na maging girlfriend ko."
"Anong sinabi mo—" Magtatalak na naman si Elisa kaya tinakpan ko uli ang bibig niya.
"So, what now?" Tanong sa akin ni Exel habang todo ngiti.
"Payag na 'ko! Sige sinasagot na kita! Oo na girlfriend mo na 'ko!" Sabi ko. Ayokong maging boyfriend si Exel pero ayoko ring ma-expel si Elisa kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.
GRAB YOUR COPY NOW!
BINABASA MO ANG
When Miss Genius Gone Mad
Teen FictionPUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. GRAB YOUR COPY NOW!