"Mommy, asan ba kasi si dad?" tanong ng pitong taong gulang na si Mich sa kanyang ina. Nasa kotse sila at nagtaka si Mich ng hindi ang driver nila ang nagdadrive sakanila ngayon. Makisig ang nagdadrive ng kanilang sasakyan at marami itong tattoo na mga simbolo
Tinignan siya nang kanyang ina na may mga malalamig na mata "Wala na siya. He left us" ani ng kanyang ina na walang emosyong nakatingin sa daan
Pagkatapos nun ay di na muling nagsalita si Mich at tahimik nalang na umiiyak. Pagkatapos ng ilang minuto ay biglang tumigil ang sasakyan at huminto sila sa isang tago na lugar na may mga nakabantay
Unang bumaba ang mama ni Mich at pumasok siya sa loob habang si Mich naman ay naiwan sa kotse na walang tigil sa kaiiyak. Inangat niya ang ulo niya nang lumabas ang ina niya at kasabay nun ang pagkaladkad sakanya
"Eto na ba siya?" sabi ng isang lalaki na nakaabang sakanila sa isang sala nito. Kung makisig ang pangangatawan ng lalaking nagdrive sakanila ay mas makisig at matipuno ang pangangatawan ng lalaking nasa harapan nila ngayon. Sa tindig palang ay alam mo ng ito ay makapangyarihan at maimpluwensiya
"Yes. Please do your best to change her" pagmamakaawa ni Mrs.Faust sa lalaki na dahilan ng pagtango nito
"Mommy who are they? And why are those guys have my bags? nalilitong tanong ni Mich kaya lumuhod naman si Mrs.Faust para magkapantay sila ng anak
"You will be having a vacation here with them" paliwanang niya sa anak
Nagsimula ng humagulgol ulit ang bata "Without you?"
"Yes, but it's okay sweetheart, I know you'll enjoy it here. Just don't forget that mommy always loves you okay?" hinalikan ng ginang ang noo ng anak at nagsimulang naglakad papalayo
"Mommy!" sigaw niya sa ina
Hindi siya pinakinggan nito at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad na parang hindi man lang narinig ang sigaw ng anak
"Wag kang mag-alala, bata. You'll like it here" napatingin siya sa lalaking nasa gilid niya at nakangiti ito sakanya
"I just want my mom" umiiyak na tugon ng bata. Lumuhod ang lalaki para magkapantay sila
"Your mom left you. You're on your own now. Pasok ka na" hinatak siya ng lalaki sa loob
Pagpasok niya ay madilim, mabaho, at puno ng mga daing at ungol ang paligid. Inihatid siya sa kanyang magiging kwarto. Napangiwi naman ang bata nang makita ang kwarto niya. Para itong nasa kulungan. Madumi at kama lang ang naroroon. Pati bintana ay maliit lang at napakataas pa dahilan kung bakit madilim ito
May lalaking pumasok sa kanyang silid at hinablot siya. Masakit ang pagkakakapit ng lalaki sa kanyang payat na braso, tingin niya ay mukhang magkakapasa pa ito.
"Saan niyo po ba ako dadalhin?!" pilit siyang nanlaban ngunit wala din itong silbi dahil sa lakas ng lalaki. Pwedeng-pwede baliin ng lalaki ang kanyang buto kaya tumigil na siya
Habang naglalakad ay nakikita niya kung paano sinasaktan ang iba-t-ibang tao. Iba-iba ang kanilang paraan. Ngunit ito ay nakakamatay
"Paano ako nakapasok sa ganitong klaseng lugar?" agad siyang pinangunahan ng takot. Alam niyang ganyan din ang mararanasan niya sa loob
Sa loob ng ilang buwan, puro pasa at mga baling buto ang natatamo niya. Sinubukan niyang tumakas ngunit nahuhuli lang siya ng mga ito at binigyan ng mas matinding kaparusahan
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...