Chapter 20

64 4 0
                                    


Ako na ang unang nag-iwas ng tingin 

"Riv, let's go" aya ko kay Riviana na busy pa sa kakalamon. Ang ganda ng figure niya pero ang baboy naman pala kung kumain. Hindi na siya nahiya. Nasa canteen kami pero kung makalamaon siya ay parang kami lang dalawa ang kumakain dito

"Teka naman. Di pa ako tapos eh" hinatak ko na siya dahil hindi ko na kayang suklian ang kanyang mga nag-aalab na mga tingin "Uy! Ano bang problema mo? Ang sarap pa naman ng pagkain niyo"

"Tss. Dito ka na papasok kaya araw-araw ka ng kakain nun" 

"Pero bakit mo ba kasi ako bigla-biglang hinatak?" tumigil ako sa kakalakad at tumingin muna sa paligid bago ko siya binalingan

humugot ako ng malalim na hininga "It's Albie" 

"Oh? Yung ex mo? Bakit? Don't tell me mahal mo pa?" sunod-sunod niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin 

"He's here. Hindi ko alam na dito pala siya nag-aaral. At kanina, we stared at each other, as if kami lang yung tao sa canteen" 

"So, mahal mo pa?" biglang pumasok sa aking isip si Harisse. At hindi ko alam kong bakit 

"Hindi. Matagal na akong nakamove on" 

"Yun naman pala eh! Eh anong pinagdadrama mo diyan? Tara na't bumalik dahil ako'y gutom pa!" pagmamaktol niya 

Pabalik na kami sa canteen ng biglang nagtext si mommy. Absent na ako ngayon sa klase ko dahil kay Riviana at mukhang kailangan ko pang umalis dahil may inuutos siya sakin

"Riva, kailangan ko ng umalis. Inutusan ako ni mommy, eh" pinasok ko ang aking phone sa aking bulsa 

"Ganun ba? O sige. Chika nalang tayo mamaya. Bye! Mabundol ka sana" 

"Madapa ka sana!" 

Nagtaxi ako papunta sa mall dahil nasa talyer pa ang aking kotse. Pagkrating ko duon ay agad kong binili ang iniutos ni mommy at umalis na 

Nagikot-ikot pa ako sa mall bago tuluyang umuwi. Naghintay ako ng ilang oras ng taxi ngunit minsan lang napapadaan ang mga taxi, puno pa. Yung iba naman ay ayaw akong pasakayin dahil kakain pa daw sila

Kesa tumunganga dun magdamag. Nagsimula na akong maglakad. Sa eskinita nalang ako papara ng taxi 

Nakalayo na ako sa mall ngunit wala pa ring taxi na napapadaan. Medyo nakakatakot na dahil walang katao-tao sa kalyeng ito at medyo madilim pa dahil nagfi-flicker yung lamp post

Nararamdaman kong parang may sumusunod sa akin, agad kong hinawakan ng dahan-dahan ang aking pocket knife na nasa bag ko at pigil hiningang nilingon ang aking likuran 

Ngumiwi ako ng makitang isang askal lang pala ang sumusunod sakin. Malapit na akong mamatay dahil sa kaba at aso lang pala?! Potek!

"Hi miss" napatigagal ako sa aking kintatayuan at humarap sa baritonong boses na iyon. Isang lalaki ang bumungad sakin. Napakakisig ng kanyang katawan na parang araw-araw nag-g-gym. Marami din siyang tattoo at may piercing pa sa kanyang tenga. Nakakatakot ang kanyang mga ngiti at ang kanyang ngipin na parang sa test. One seat apart

Manyakis. Mukha siyang manyakis

Ang nakakainis pa ay naka school uniform ako ngayon at ang aming skirt ay napaka-iksi. Korean style kasi aming mga uniporme. Inspired kami eh

Lumapit siya sakin at marahang hinaplos ang aking buhok at inamoy ito "Hmmm amoy strawberry. Lasang strawberry ka din kaya?" 

Napapikit pa ako ng magsalita siya. Dahil malapit lang ang kanyang pagmumukha sakin ay tumalsik ang kanyang laway sa aking pagmumukha. Nakakadiri

"Lasang ampalaya ako. Eh ikaw? Lasang suka?" tinawanan niya lang ako at umikot  

"Wag kang mag-alala, miss. Masarap ako. Masarap na masarap" hinawakan niya ang aking dalawang kamay kaya hindi ko makuha ang aking pocket knife "Ang lambot naman ng kamay mo. Anong sikreto mo?"

Myra E 

"Bitawan mo ako!"

"Hindi naman iyan ang sagot sa tanong ko eh" nilapit niya ang kanyang mukha at akmang hahalikan ako. Shet. Ang baho!

Pilit kong iniiwas na mahalikan sa manyakis na ito hanggang sa bigla siyang tumilapon. Agad siyang sinapak kaya dumugo ang kanyang labi. Hindi pa siya nakuntento dahil ilang suntok ang natanggap ng manyakis na ito sa binata

Tsss. Feeling hero

Nang wala ng malay ang manyakis ay binalingan niya ako at kinabig ako ng yakap "Are you alright?" kumalas ako sa yakapan namin at agad siyang sinampal. Namula ang kanyang pisnge at nag-iwan ng marka ang aking kamay dun 

"What the heck was that?! After I saved your life?!" tumawa pa siya ng pagak habang hinihimas ang kanyang pisnge na nasampal ko "Hindi ka parin pala marunong magthank you. Same old btch" at dahil sa kanyang sinabi ay sinampal ko ulit siya sa kabilang pisnge niya

"I didn't asked for your help. Bakit ba kailangan mo pang magpakita?" 

"Bakit naman hindi? It's been years, Amy. Don't tell me, hindi ka pa nakakamove on?" natawa siya letting out his dimples

"Kaya nga. It's been years, Albie. Bakit kailangan mo pang pumapel sa buhay ko? Can't you just act as if hindi mo ako kilala? Can't you just act as if I'm just a stranger to you? Matagal na akong nakamove on sayo. But that doesn't mean na gusto kitang makita or makausap. Kasi kahit nakamove on na ako. Nandun parin yung sakit na idinulot mo" I left him dumbfounded at hindi makapagsalita. Mabuti nalang at may taxi na napadaan. Agad akong pumara at sumakay 

I watched him na hindi man lang gumalaw. He just stood there at nakayuko. Nagsimula ng pumatak ang ulan ngunit hindi parin siya umaalis dun, hanggang sa hindi ko na siya natatanaw... Ang drama!


She's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon