PAGKAGISING KO ay agad akong nagtungo sa baba. Nadatnan ko duon ang apat at si Jade na kasalukuyang nag-aalmusal . Nakita ako ni Caleb kaya agad siyang nagpakawala ng isang malapad na ngiti
"Morning Charantia!"
Ngumiti ako ng matipid sakanila at umupo sa tabi ni Jade na nasa tapat ni Harisse. Tss. Galit ako sakanya dahil sa nangyari kagabi
"Bad mood ka yata?" tanong ni Jayden na humihigop pa ng sabaw at nakapatong ang isang paa sa upuan niya
I rolled my eyes at saka tinignan si Harisse na mukhang wala ako sa harap niya "Ba't di mo itanong sa isa diyan? Kwento-kwento magagalit naman pala" parinig ko. Ngunit hindi parin ako tinignan ni Harisse. Seryoso siyang nakatingin sa kanyang pinggan habang kumakain
At dahil sa inis padabog kong pinasok ang kutsara sa aking bibig at inis na inginuya iyon "Kamusta pala? Ok pa ba bahay namin? Baka wala na akong mauuwian niyan ah"
"Napatay na namin lahat pero ayaw parin nilang sabihin kong sino ang nag-utos sakanila" ani James na sumimsim ng kape
"Just as I thought. Nagawa ko narin yan noon. Masyado silang loyal sakanilang amo, na pati buhay nila ay kaya nilang isuko" iiling-iling kong pahayag
"Wow atleast may mga natira pa palang loyal sa mundo" kumento ni Jayden
Wala ng nagsalita pa samin at tinutok nalang ang atensyon sa pagkain. Unang natapos si Harisse at umalis din ito agad, ni hindi man lang kami hinintay
Napatingin sila sakin "What?"
"Anong ginawa mo dun?" tanong ni Caleb
Nagkibit balikat lang ako at tumayo upang sundan si Harisse. Pumasok ako sa kwarto namin at nadatnan siyang naka-upo sa dulo ng kama
"Ano bang problema mo? Dahil ba ito kagabi? I didn't forced you to speak, so don't act like this. I said sorry diba? I'm sorry for bringing that topic up. I'm sorry for asking such questions" natigil ako sa pagsasalita at agad nanlaki ang aking mga mata
Pagkatayo niya ay biglang naglapit ang aming mga mukha, he snaked his arms around my waist as he pierced his fiery eyes on me. Hindi ako makagalaw dahil baka magdikit ang aming mga labi. We just stayed like that for a minute when he loosened his grip at lumayo sakin. Dun lang ako nakahinga ng maluwag
He let out a chuckle "Tama ba yung narinig ko? Your sorry?" parang di makapaniwala niyang tanong
"Bakit? Masama na bang magsorry ngayon?"
Natawa ulit siya at lumapit sakin to tap my head "Nagulat lang ako. I think this is your first time saying sorry, right?" kahit nahihiya man ay dahan-dahan akong tumango
"It's alright. I felt honored ng malaman kong ako ang first---"
"First ano?!" agad kaming napatingin sa pinto at nakita dun si Caleb na nanlalaki ang mga matang nakatingin samin. May dala pa itong chips na kasalukuyan niyang kinakain habang nakatingin samin
"None of your business" ani Harisse habang nakangiti. Bumaling ito sakin "Tara? Hatid na kita sa inyo" tumango ako
Bumaba na kami at nagpaalam sakanila. Mabuti nalang at ngayon hapon pa ang pasok namin ni Harisse dahil wala yung teachers namin sa umaga, kesa sa kanila na nag-absent lang
Habang nasa sasakyan kami ay walang nagsasalita samin hanggang makarating kami sa bahay. Maraming mga maids na nasa labas at parang nililinis ang mga kalat dahil kahapon
Tinignan ko si Harisse and was a bit surprised ng nakatingin din pala siya sakin "I'll go ahead" hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil agad din akong bumaba at dali-daling nagtungo papasok sa loob
Pagktapos kong maglunch ay umalis na ako sa bahay. Nagtext sakin si James kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, agad akong pumunta sa school kahit maaga pa naman
Royal Academy
Ngumiwi ako habang nakatingin sa entrance ng school. They changed the name already? Nang ganun ka dali? And I think it was much better with my initials on
"I have nothing to do with this. Nagulat din ako ng makita ang karatulang iyan" bungad ni James habang nakahalukipkip na nakatingala din dahil nakatingin siya sa sign
"Si lola na naman ang may pakana nito" I heaved a sigh. Basta si lola na ay wala na akong magagawa nun. Even if I'm a maldita natatakot rin ako, at takot ako kay lola
"AMETHYST!" Napatingin ako sa aking likuran at ngumiti
Naglakad ako papunta sakanya "What are you doing here? Alam mo bang no pets allowed dito?"
"Maldita ka parin pala"
"Pangit ka parin pala"
"Amethyst! Hindi mo ba ako namiss?" nagpout pa siya. Ang sagwa. Putek
"Paano ko naman mamamiss ang taong pwede namang wala sa buhay ko?" I gave her my wicked smile "By the way what are you doing here Riviana Inoue Luneta Park?"
Luneta park ang tawag ko sakanya because of her surname
She rolled her eyes at me "Mag-aaral. Duh"
"Nag-aaral kana pala ngayon?"
"Ayoko nga sana eh kaso sabi nila mom and daddy na kailangan raw. And nabasa ko dito na may discipline and talagang napapabago niyo lahat ng students dito" nakangiti niyang sabi na kita pa ang kanyang pink na gilagid
"Hindi ka pwede dito"
"At bakit naman? I flew all the way here from Canada, tapos di mo ako tatanggapin? Hell no!"
"Hindi ka magbabago dito. You're already smart, Riviana. Pasok ka sana kung mga pangit ang binabago namin"
"What? Your nonsense! Ang mabuti pa, itour mo ako sa school mo. And what's with the new name? Royal Academy? I thought ACM Academy ang pangalan nito?" aniya at nakatingin pa sa brochure ng school
"Pinalitan ni lola" matipid kong tugon
Tinour ko na siya sa school. Long time best friend ko si Riviana. Elementary palang ay magkaklase na kami. Our friendship started nung may siga sa room namin. Pareho namin siyang binully at dun namin napagkasunduang mag join forces. Pareho naming napatalsik ang aming kaklase at dun nagsimula ang aming friendship na nagsimula dahil parehas kaming maldita...

BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...